Sun Valley National High School - Campus Integrity Crusaders

Sun Valley National High School - Campus Integrity Crusaders Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Sun Valley National High School - Campus Integrity Crusaders, Youth Organization, Elizabeth Avenue Sta. Ana Drive, Sun Valley, Parañaque.

29/01/2026
✨🎉 MALIGAYANG BAGONG TAON! 🎉✨Sa pagpasok ng bagong taon, dalhin natin ang diwa ng pagkakaisa, integridad, at malasakit s...
31/12/2025

✨🎉 MALIGAYANG BAGONG TAON! 🎉✨

Sa pagpasok ng bagong taon, dalhin natin ang diwa ng pagkakaisa, integridad, at malasakit sa isa’t isa, lalo na sa panahong maraming hamon ang ating bansa 🇵🇭.

Nawa’y magsilbi itong paalala na bawat isa sa atin ay may bahagi sa paggawa ng tama, pagtataguyod ng katarungan, at pagbibigay ng positibong pagbabago sa paligid.

Huwag nating kalimutan ang mga aral ng nakaraang taon, at sama-sama nating harapin ang mga darating na hamon—may paninindigan, bukas na isipan, at pusong handang maglingkod. 🌱

Nawa’y maging taon ito ng muling pag-asa, aktibong pakikilahok, at pagkilos para sa ikabubuti ng ating pamayanan at bansa. 🌍

✨ Isang taon ng pag-asa, pagkilos, at malasakit sa kapwa. 🌟

✍🏻 : Precious Mae C. Barte | CIC-ANG HIRAYA Secretary
🖼️ : Samantha Ysabelle Co | CIC-ANG HIRAYA Auditor

Ngayong Disyembre 30, ipinagdiriwang natin ang araw ni José Rizal. 🇵🇭🌟Isang araw upang parangalan ang buhay, tapang, at ...
30/12/2025

Ngayong Disyembre 30, ipinagdiriwang natin ang araw ni José Rizal. 🇵🇭🌟

Isang araw upang parangalan ang buhay, tapang, at diwa ni Dr. José Protacio Rizal Mercado y Alonso Realonda. 🖋️📚

Ang kanyang pagmamahal sa bayan, talino, at prinsipyo ay paalala na ang tunay na pagbabago ay nagsisimula sa kaalaman at pagtindig para sa tama. 🫀⚖️

Nawa’y magsilbing inspirasyon si Rizal sa bawat kabataan upang sa bawat hakbang natin, maging buhay at makulay ang diwa ng ating pambansang bayani sa makabagong panahon. 🌱🌈

Si Rizal ay hindi lamang bayani ng kasaysayan—siya ay bayani ng bawat pusong Pilipinong nangangarap at lumalaban. Ngayon, nasa atin ang panulat, nasa atin ang kinabukasan—ipagpatuloy natin ang laban ni Rizal. 🔥

✍🏻 : Precious Mae C. Barte | CIC-ANG HIRAYA Secretary
🖼️ : Arielle Mae A. Cornelio | CIC-ANG HIRAYA President

LEADING WITH INTEGRITY, INSPIRING WITH VISION—DRIVEN BY PURPOSE! 🙌🏻🫀 New school year, new officers, new visions! 🎗️📚 Int...
14/09/2025

LEADING WITH INTEGRITY, INSPIRING WITH VISION—DRIVEN BY PURPOSE! 🙌🏻🫀

New school year, new officers, new visions! 🎗️📚

Introducing our newly appointed officers, who embodies integrity, honesty, and rightfulness with dedication, serving as a ray of excellence and making a difference in our school community. 🌟🏫

The CIC—ANG HIRAYA (Ang Haligi ng Integridad tungo sa Responsableng Aksyon at Yaring Asal) officers are ready to plant our legacy and lead with integrity, growing with everyone and upholding our values. 🌱

We believe that Integrity isn't just about honesty; it's about relentless performance that matches our words and actions. 🗝️💓

✍🏻 & 🖼️ : Arielle Mae A. Cornelio | President, Campus Integrity Crusaders — Ang HIRAYA.

[UPDATED] 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗜𝗔𝗟 𝗨𝗡𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 2025 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗘𝗦𝗨𝗟𝗧𝗦Parañaque City and Senatorial PositionsAs of May 13, 2025 | 02:00 PMAs...
12/05/2025

[UPDATED] 𝗣𝗔𝗥𝗧𝗜𝗔𝗟 𝗨𝗡𝗢𝗙𝗙𝗜𝗖𝗜𝗔𝗟 2025 𝗘𝗟𝗘𝗖𝗧𝗜𝗢𝗡 𝗥𝗘𝗦𝗨𝗟𝗧𝗦
Parañaque City and Senatorial Positions
As of May 13, 2025 | 02:00 PM

As part of our unwavering commitment to transparency, active citizenship, and the promotion of integrity in governance, the Campus Integrity Crusaders — Ang HIRAYA shares the partial and unofficial results of the 2025 National and Local Elections for Parañaque City, including the Senatorial Candidates, as of 02:00 PM.

This initiative is in line with our advocacy to empower the youth and the wider community through timely, factual, and responsible dissemination of public information. We remind everyone that these figures are not final, and official results shall only be declared by the Commission on Elections (COMELEC). Nonetheless, this update serves as a valuable reference point as the nation awaits the full and verified outcome of the electoral process.

Let us move forward with vigilance, respect, and a collective hope for a government rooted in truth, justice, and accountability.

Para sa bayan. Para sa kinabukasan. Para sa isang HIRAYA ng integridad.

🖼️ : Jeric Francisco | Campus Integrity Crusaders — Ang HIRAYA President
✍🏻 : Jeric Francisco | Campus Integrity Crusaders — Ang HIRAYA President

✶ | 𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻 — Araw ng Kagitingan 2025 💪🏻Ngayong araw, Abril 9, 2025 ay ginugunita ng mga Pilipino ang...
09/04/2025

✶ | 𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻 — Araw ng Kagitingan 2025 💪🏻

Ngayong araw, Abril 9, 2025 ay ginugunita ng mga Pilipino ang 𝐀𝐫𝐚𝐰 𝐧𝐠 𝐊𝐚𝐠𝐢𝐭𝐢𝐧𝐠𝐚𝐧. Sumisimbolo ito ng kabayanihan ng mga 𝐬𝐮𝐧𝐝𝐚𝐥𝐨𝐧𝐠 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨 at mga 𝐦𝐚𝐦𝐚𝐦𝐚𝐲𝐚𝐧 na siyang handang isakripisyo ang sariling buhay para sa ating 𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧. Mga 𝐏𝐢𝐥𝐢𝐩𝐢𝐧𝐨𝐧𝐠 buong 𝐩𝐮𝐬𝐨 at 𝐥𝐚𝐤𝐚𝐬 ang inialay upang makamit ang 𝐧𝐚𝐫𝐚𝐫𝐚𝐩𝐚𝐭. 🔥

"𝐌𝐚𝐠𝐰𝐚𝐰𝐚𝐠𝐢 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐭𝐨𝐭𝐨𝐡𝐚𝐧𝐚𝐧 𝐚𝐧𝐠 𝐤𝐚𝐝𝐢𝐥𝐢𝐦𝐚𝐧 𝐚𝐲 𝐢𝐛𝐚𝐛𝐚𝐠𝐬𝐚𝐤"
-Kapangyarihan ( Ben&Ben, SB19)

Kasama ang Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA, ay sama-sama nating gagawin ang 𝐭𝐚𝐦𝐚 at 𝐦𝐚𝐛𝐮𝐭𝐢 tungo sa isang makabuluhang pagbabago para sa ating 𝐢𝐧𝐚𝐧𝐠 𝐛𝐚𝐲𝐚𝐧. 🇵🇭 ✨

𝗣𝗮𝗺𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘁𝗲𝗿𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗶: Mark Dylan Iman | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA P.I.O.
𝗞𝗮𝗽𝘀𝗶𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶: Mark Dylan Iman | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA P.I.O.
𝗜𝗻𝗶𝗹𝗮𝘁𝗵𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗶: Mark Dylan Iman | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA P.I.O.
𝗜𝘀𝗶𝗻𝘂𝗿𝗶 𝗻𝗶: Mrs. May Ann Dalauidao at Jeric Francisco | Campus Integrity Crusaders- Ang HIRAYA Adviser at President

𝗨𝗽𝗵𝗼𝗹𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗶𝘁𝘆, 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵! ⚖️✨The 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗿𝘂𝘀𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀 - 𝗔𝗻𝗴 𝗛𝗶𝗿𝗮𝘆𝗮 (𝗛𝗮𝗹𝗶𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗧𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗥𝗲...
27/03/2025

𝗨𝗽𝗵𝗼𝗹𝗱𝗶𝗻𝗴 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗶𝘁𝘆, 𝗖𝗵𝗮𝗺𝗽𝗶𝗼𝗻𝗶𝗻𝗴 𝗬𝗼𝘂𝘁𝗵! ⚖️✨

The 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗿𝘂𝘀𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀 - 𝗔𝗻𝗴 𝗛𝗶𝗿𝗮𝘆𝗮 (𝗛𝗮𝗹𝗶𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗶𝗱𝗮𝗱 𝗧𝘂𝗻𝗴𝗼 𝘀𝗮 𝗥𝗲𝘀𝗽𝗼𝗻𝘀𝗮𝗯𝗹𝗲𝗻𝗴 𝗔𝗸𝘀𝗶𝘆𝗼𝗻 𝗮𝘁 𝗬𝗮𝗿𝗶𝗻𝗴 𝗔𝘀𝗮𝗹) is honored to take part in the 𝗙𝗼𝗰𝘂𝘀 𝗚𝗿𝗼𝘂𝗽 𝗗𝗶𝘀𝗰𝘂𝘀𝘀𝗶𝗼𝗻 𝗳𝗼𝗿 𝗖𝗜𝗖 𝗣𝗿𝗼𝗴𝗿𝗮𝗺 𝗔𝘀𝘀𝗲𝘀𝘀𝗺𝗲𝗻𝘁 at the 𝗢𝗳𝗳𝗶𝗰𝗲 𝗼𝗳 𝘁𝗵𝗲 𝗢𝗺𝗯𝘂𝗱𝘀𝗺𝗮𝗻. This significant event allowed us to reflect on our mission, evaluate our impact, and strengthen our commitment to fostering a culture of integrity among the youth.

We are beyond grateful to our dedicated adviser, 𝗠𝗿𝘀. 𝗠𝗮𝘆 𝗔𝗻𝗻 𝗗𝗮𝗹𝗮𝘂𝗶𝗱𝗮𝗼, whose guidance continuously inspires us to uphold ethical leadership. A huge appreciation also goes to our hardworking president, 𝗝𝗲𝗿𝗶𝗰 𝗙𝗿𝗮𝗻𝗰𝗶𝘀𝗰𝗼, and our committed secretary, 𝗝𝗼𝘀𝗵𝘂𝗮 𝗡𝘂𝗻𝗲𝘇, for representing Sun Valley National High School with excellence and passion.

As we move forward, we remain steadfast in our mission to empower the next generation of leaders with integrity and social responsibility. Here’s to more meaningful discussions and impactful actions for a corruption-free future! ✨

𝗖𝗮𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗯𝘆: Jeric Francisco | Campus Integrity Crusaders — Ang HIRAYA President
𝗣𝘂𝗯𝗺𝗮𝘁 𝗯𝘆: Jeric Francisco | Campus Integrity Crusaders — Ang HIRAYA President

🏛️ 𝗛𝗮𝗹𝗶𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗜𝗺𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 — 𝗦𝘂𝘀𝗽𝗲𝗻𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗙𝗮𝗰𝗲-𝘁𝗼-𝗙𝗮𝗰𝗲 𝗖𝗹𝗮𝘀𝘀𝗲𝘀 ☀️𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗖𝗘-𝗧𝗢-𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘 sa lahat ng antas sa pampublik...
02/03/2025

🏛️ 𝗛𝗮𝗹𝗶𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗜𝗺𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 — 𝗦𝘂𝘀𝗽𝗲𝗻𝘀𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗴 𝗙𝗮𝗰𝗲-𝘁𝗼-𝗙𝗮𝗰𝗲 𝗖𝗹𝗮𝘀𝘀𝗲𝘀 ☀️

𝗪𝗔𝗟𝗔𝗡𝗚 𝗙𝗔𝗖𝗘-𝗧𝗢-𝗙𝗔𝗖𝗘 𝗞𝗟𝗔𝗦𝗘 sa lahat ng antas sa pampubliko at pribadong paaralan sa Sun Valley National High School ngayong 𝗟𝘂𝗻𝗲𝘀, 𝗠𝗮𝗿𝘀𝗼 𝟯, 𝟮𝟬𝟮𝟱, dahil sa matinding init na inaasahang aabot ng 46°C, ayon sa PAGASA.

Bilang alternatibong paraan ng pag-aaral, ang ating paaralan ay magsasagawa ng online/asynchronous classes.

Paalala sa lahat:
💧 Uminom ng maraming tubig upang maiwasan ang dehydration.
🛁 Maligo nang madalas upang mapanatili ang lamig ng katawan.
🏠 Manatili sa loob ng tahanan at iwasan ang matinding sikat ng araw.

𝗠𝗮𝗻𝗮𝘁𝗶𝗹𝗶𝗻𝗴 𝗹𝗶𝗴𝘁𝗮𝘀 𝗮𝘁 𝗺𝗮𝗴-𝗶𝗻𝗴𝗮𝘁! 🌡️☀️

𝗖𝗮𝗽𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗯𝘆: Jeric Francisco | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA President
𝗣𝘂𝗯𝗠𝗮𝘁 𝗯𝘆: Jeric Francisco | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA President
𝗔𝗽𝗽𝗿𝗼𝘃𝗲𝗱 𝗯𝘆: Mrs. May Ann Daluidao | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA Adviser

𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡, 𝗞𝗜𝗥𝗦𝗧𝗘𝗡!Ngayong araw ay ang selebrasyon ng iyong kapanganakan, hindi lamang kapanganakan kundi ang ...
28/02/2025

𝗠𝗔𝗟𝗜𝗚𝗔𝗬𝗔𝗡𝗚 𝗞𝗔𝗔𝗥𝗔𝗪𝗔𝗡, 𝗞𝗜𝗥𝗦𝗧𝗘𝗡!

Ngayong araw ay ang selebrasyon ng iyong kapanganakan, hindi lamang kapanganakan kundi ang iyong katatagan, pagsisikap, at dedikasyon na iyong ipinamamalas sa 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗿𝘂𝘀𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀 — 𝗔𝗻𝗴 𝗛𝗜𝗥𝗔𝗬𝗔. Bilang 𝗚𝗿𝗮𝗱𝗲 𝟭𝟬 𝗥𝗲𝗽𝗿𝗲𝘀𝗲𝗻𝘁𝗮𝘁𝗶𝘃𝗲 ay iyong ginagawa ang lahat ng iyong makakaya, makakaya na kung saan ay ang maglingkod sa masa ng may pagmamahal at katapatan. 💪🏻

Nawa’y naging masaya ka sa iyong araw. Ipagpatuloy mo lang ang pagiging mabuti sa kapuwa. Kasama mo ang 𝗖𝗮𝗺𝗽𝘂𝘀 𝗜𝗻𝘁𝗲𝗴𝗿𝗶𝘁𝘆 𝗖𝗿𝘂𝘀𝗮𝗱𝗲𝗿𝘀 — 𝗔𝗻𝗴 𝗛𝗜𝗥𝗔𝗬𝗔 sa iyong paglalakbay tungo sa isang makabuluhang tagumpay. Iyong tatandaan na lagi kang maging positibo! ✨

𝗣𝗮𝗺𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘁𝗲𝗿𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗶: Mark Dylan Iman | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA P.I.O.
𝗞𝗮𝗽𝘀𝗶𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶: Mark Dylan Iman | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA P.I.O
𝗜𝗻𝗶𝗹𝗮𝘁𝗵𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗶: Mark Dylan Iman | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA P.I.O.
𝗜𝘀𝗶𝗻𝘂𝗿𝗶 𝗻𝗶: Mrs. May Ann Dalauidao at Jeric Francisco | Campus Integrity Crusaders- Ang HIRAYA Adviser at President

✶ | 𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻 — EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION 🕊️Noong Pebrero 25, 1986, naganap ang makasaysayang EDSA P...
25/02/2025

✶ | 𝗡𝗴𝗮𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗔𝗿𝗮𝘄 𝘀𝗮 𝗞𝗮𝘀𝗮𝘆𝘀𝗮𝘆𝗮𝗻 — EDSA PEOPLE POWER REVOLUTION 🕊️

Noong Pebrero 25, 1986, naganap ang makasaysayang EDSA People Power Revolution, kung saan milyon-milyong Pilipino ang nagtipon sa Epifanio de los Santos Avenue (EDSA) upang ipahayag ang kanilang pagtutol sa diktadurya ng yumaong Pangulong Ferdinand E. Marcos. Sa pamamagitan ng mapayapang pagkilos, nagtagumpay ang sambayanan na wakasan ang dalawang dekadang pamumuno ng rehimeng Marcos at maibalik ang demokrasya sa bansa.

Ngayong Pebrero 25, 2025, ating ginugunita ang 39th Edsa People Power Revolution Anniversary. Ito ay isang paalala ng ating pagkakaisa at katapangan sa harap ng pagsubok, at nagsisilbing inspirasyon upang patuloy nating pangalagaan at ipaglaban ang kalayaan at demokrasya na ating nakamit.

Ika nga sa kasabihan ni Dr. Jose Rizal "Ang hindi marunong lumingon sa pinanggalingan ay hindi makararating sa paroroonan". Kaya ang paalala ng Campus Integrity Crusaders – Ang HIRAYA, huwag kalimutan ang ating kasaysayan bagkus, pahalagahan at ingatan ang bawat memorya ng ating bansa.

𝗣𝗮𝗺𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘁𝗲𝗿𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗶: Mark Dylan Iman | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA P.I.O.
𝗞𝗮𝗽𝘀𝗶𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶: Guada Paula Canosa | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA Grade 11 Representative
𝗜𝗻𝗶𝗹𝗮𝘁𝗵𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗶: Mark Dylan Iman | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA P.I.O.
𝗜𝘀𝗶𝗻𝘂𝗿𝗶 𝗻𝗶: Mrs. May Ann Dalauidao at Jeric Francisco | Campus Integrity Crusaders- Ang HIRAYA Adviser at President

🏛️ 𝗛𝗮𝗹𝗶𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗜𝗺𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 - 𝟯𝗿𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗯𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗿𝗱 𝗮𝗻𝗱 𝗛𝗼𝗺𝗲𝗿𝗼𝗼𝗺 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 ✨Ngayong araw, 𝗣𝗲𝗯𝗿𝗲𝗿𝗼 𝟮𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟱 ay ang bigayan ...
21/02/2025

🏛️ 𝗛𝗮𝗹𝗶𝗴𝗶 𝗻𝗴 𝗜𝗺𝗽𝗼𝗿𝗺𝗮𝘀𝘆𝗼𝗻 - 𝟯𝗿𝗱 𝗗𝗶𝘀𝘁𝗿𝗶𝗯𝘂𝘁𝗶𝗼𝗻 𝗼𝗳 𝗖𝗮𝗿𝗱 𝗮𝗻𝗱 𝗛𝗼𝗺𝗲𝗿𝗼𝗼𝗺 𝗠𝗲𝗲𝘁𝗶𝗻𝗴 ✨

Ngayong araw, 𝗣𝗲𝗯𝗿𝗲𝗿𝗼 𝟮𝟭, 𝟮𝟬𝟮𝟱 ay ang bigayan ng 𝗥𝗲𝗽𝗼𝗿𝘁 𝗖𝗮𝗿𝗱 at ang 𝗣𝗮𝗴𝗽𝘂𝗽𝘂𝗹𝗼𝗻𝗴 𝘀𝗮 𝗦𝗶𝗹𝗶𝗱-𝗮𝗿𝗮𝗹𝗮𝗻. Huwag kalimutang ipagbigay alam ito sa inyong 𝗺𝗮𝗴𝘂𝗹𝗮𝗻𝗴/𝗴𝘂𝗮𝗿𝗱𝗶𝗮𝗻 upang sila ay makapunta.

Narito ang iskedyul para mamaya:
📌 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐞 𝟕 & 𝟏𝟎- 𝟏𝟏:𝟑𝟓 𝐀.𝐌 𝐭𝐨 𝟏𝟐:𝟑𝟓 𝐍𝐍
📌 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐞 𝟖 & 𝟗 - 𝟏𝟐:𝟒𝟎 𝐍𝐍 𝐭𝐨 𝟏:𝟒𝟎 𝐏.𝐌
📌 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐞 𝟏𝟏- 𝟏𝟐:𝟑𝟎 𝐍𝐍 𝐭𝐨 𝟏:𝟑𝟎 𝐏.𝐌
📌 𝐆𝐫𝐚𝐝𝐞 𝟏𝟐- 𝟏𝟏:𝟎𝟎 𝐀.𝐌 𝐭𝐨 𝟏𝟐:𝟎𝟎 𝐍𝐍

𝗞𝗮𝘀𝗮𝗯𝗮𝘆 𝗻𝗴 𝗽𝗮𝗴𝗶𝗴𝗶𝗻𝗴 𝗟𝗮𝘁𝗶𝗻𝗮 𝗺𝗼, 𝗶𝘀𝗮𝗺𝗮 𝗺𝗼 𝗮𝗻𝗴 𝗶𝘆𝗼𝗻𝗴 𝗴𝗿𝗮𝗱𝗼. Ating tandaan na ang grado ay numero na kung saan ay nagpapakita ng resulta ng lahat ng ating ginawa kaya naman kahit anong numero man iyan ay lagi mong iisipin na ginawa mo ang lahat ng makakaya mo para makuha iyan. 🤍

Pagbati mula sa Campus Integrity Crusaders- Ang HIRAYA para sa inyong pagsisikap, determinasyon, at malinis na hangarin sa pagkakaroon ng maayos na grado. 𝙋𝙖𝙙𝙖𝙮𝙤𝙣! ✨

Munting paalala, 𝙝𝙞𝙣𝙙𝙞 𝙗𝙖𝙨𝙚𝙝𝙖𝙣 𝙖𝙣𝙜 𝙜𝙧𝙖𝙙𝙤 𝙠𝙪𝙣𝙜 𝙨𝙞𝙣𝙤 𝙠𝙖, 𝙖𝙣𝙜 𝙢𝙖𝙝𝙖𝙡𝙖𝙜𝙖 𝙖𝙮 𝙣𝙖𝙜𝙥𝙖𝙠𝙖𝙩𝙤𝙩𝙤𝙤 𝙠𝙖. 🙌🏻

𝗣𝗮𝗺𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘁𝗲𝗿𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗶: Mark Dylan Iman | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA P.I.O.
𝗞𝗮𝗽𝘀𝗶𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶: Mark Dylan Iman | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA P.I.O.
𝗜𝗻𝗶𝗹𝗮𝘁𝗵𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗶: Mark Dylan Iman | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA P.I.O.
𝗜𝘀𝗶𝗻𝘂𝗿𝗶 𝗻𝗶: Mrs. May Ann Dalauidao at Jeric Francisco | Campus Integrity Crusaders- Ang HIRAYA Adviser at President

𝙆𝙪𝙢𝙪𝙨𝙩𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙑𝙖𝙡𝙚𝙣𝙩𝙞𝙣𝙚𝙨 𝙢𝙤 ⁉️ Limang araw na makalipas ang araw ng mga Puso. Maraming nakakamanghang nangyari sa ating pa...
19/02/2025

𝙆𝙪𝙢𝙪𝙨𝙩𝙖 𝙖𝙣𝙜 𝙑𝙖𝙡𝙚𝙣𝙩𝙞𝙣𝙚𝙨 𝙢𝙤 ⁉️
Limang araw na makalipas ang araw ng mga Puso. Maraming nakakamanghang nangyari sa ating paaralan, napakaraming kilig moments kaya naman gusto malaman ng Campus Integrity Crusaders- Ang HIRAYA kung ano ang iyong naramdaman noong araw ng mga Puso. ✨

Maaari mong ibahagi ang iyong nararamdaman sa pamamagitan ng paggamit ng mga emoji sa ibaba. Huwag ka na mahiya, ipakita mo na. 💖

Munting paalala mula sa Campus Integrity Crusaders- Ang HIRAYA na kinakailangan nating 𝗺𝗮𝗴-𝗮𝗿𝗮𝗹 𝗻𝗴 𝗺𝗮𝗯𝘂𝘁𝗶 habang 𝗻𝗮-𝗶𝗯𝗶𝗴. 𝗜𝗽𝗮𝗸𝗶𝘁𝗮 𝗺𝗼 𝘀𝗮 𝗸𝗮𝗻𝗶𝘆𝗮 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗺𝗼, 𝗻𝗮 𝗸𝗮𝘆𝗮 𝗻𝗶𝘆𝗼! 🥰

𝗣𝗮𝗺𝗽𝘂𝗯𝗹𝗶𝗸𝗼𝗻𝗴 𝗠𝗮𝘁𝗲𝗿𝘆𝗮𝗹 𝗻𝗶: Mark Dylan Iman | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA P.I.O.
𝗞𝗮𝗽𝘀𝗶𝘆𝗼𝗻 𝗻𝗶: Mark Dylan Iman | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA P.I.O.
𝗜𝗻𝗶𝗹𝗮𝘁𝗵𝗮𝗹𝗮 𝗻𝗶: Mark Dylan Iman | Campus Integrity Crusaders - Ang HIRAYA P.I.O.
𝗜𝘀𝗶𝗻𝘂𝗿𝗶 𝗻𝗶: Mrs. May Ann Dalauidao at Jeric Francisco | Campus Integrity Crusaders- Ang HIRAYA Adviser at President

Address

Elizabeth Avenue Sta. Ana Drive, Sun Valley
Parañaque

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sun Valley National High School - Campus Integrity Crusaders posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sun Valley National High School - Campus Integrity Crusaders:

Share