Project: Bangon Inc.

Project: Bangon Inc. Project Bangon is a Non-profit Organization that has a mission to serve the underserved.

Tatay Orlan, the father of one of our One Core members, was recently diagnosed with advanced prostate cancer. Since Holy...
14/05/2025

Tatay Orlan, the father of one of our One Core members, was recently diagnosed with advanced prostate cancer. Since Holy Week, Tatay has been in and out of the hospital for various tests and medical procedures.

Tatay's battle with cancer, however, is just beginning. In the coming weeks and months, he will undergo a series of treatment sessions.

This crisis has deeply shaken their family, but they remain determined to stand by Tatay’s side in his fight against cancer. Tatay also maintains a positive outlook, believing that together, we will get through this battle.

With this, we humbly reach out to you—our extended family and friends—to join us in this fight.

HOW YOU CAN HELP:
💗 DONATE:
GCash: 0920 620 2297 – Suseth Magpantay
Bank Transfer:
GoTyme: 0158 2755 5590 – Shena Asinas
Landbank: 2047034607 – Suseth Magpantay

📢 SHARE:
Even if you're unable to contribute financially, you can still show your support by sharing this post with your friends, family, and social networks.

UNANG BABYKuwentong Bangon Entry  #2by Ole S.Noong nag-huddle kami after ng event at nakita kong luhaan na sina Ciara, C...
27/01/2025

UNANG BABY
Kuwentong Bangon Entry #2
by Ole S.

Noong nag-huddle kami after ng event at nakita kong luhaan na sina Ciara, Caye at Hanna saka pa lang nag-sink in sa akin ng husto ang na-achieve namin noong araw na iyon.

Hindi maiwasang bumalik sa alaala ang maputik na daan patungong Sipit Saburan na una naming tinahak bilang isang masayang grupo. Lugar kung saan kami ay kinupkop at nabuo hanggang magsimulang mangarap ng mga bagay na hindi namin inakalang magkakaroon ng katuparan.

Hindi naputol ang ugnayan namin sa isa’t-isa. Nagplanong muli dahil sobrang bitin talaga yung side trip sa White Beach, lol. Bago pa lang umiinit si Deo sa pagkanta ng “Kaibigan” na “Tropa” pala ng Siakol ang totoong pamagat, eh biglang time’s up na. Kailangan ng lumabas ng isla.

Sa GC na namin pinag-usapan ang mga susunod na ganap. Maging ang desisyon na itutuloy namin ang nasimulan ng Project: Bangon Inc. at i-level up ito bilang isang lehitimong organisasyon.

Ilang outreach ang matagumpay naming naidaos sa Mindoro habang nagpo-proseso ng mga dokumentong ipapasa sa SEC. Magtatapos ang 2022 nang maisip naming sumegway ng kaunti, dumayo ng kape sa norte, at walang ibang lugar na sumagi sa isip namin kundi Benguet.

Sig**o ay dahil na rin sa mainit na pagtanggap na ipinakita sa amin ni Sir Santi, ng mga g**o, mga bata at mga locals noong 2019 sa Tinaleb Outreach kaya dito naming ginustong bumalik. Dito ko nadiskubreng kayang dumaldal ni Shena nang 2 hours non-stop at tamang desisyon lang ang hindi maligo ng dalawang araw.

Mula sa malamig na klima habang naka-top load sa Monster jeep, humigop ng masarap at mainit na Kape Arabica, mamangha sa mga makapigil-hiningang tanawin, ma-engkanto sa ganda ng paligid habang binabagtas ang mossy forest, mag-socials sa harap ng mga alipato ng Bonfire, mabudol ng 20 minutes hike paakyat ng Junior Pulag; na-experience namin lahat ito sa pagpunta sa Bio B. Modol ES .

Kaya sig**o tamang desisyon lang na ito ang pinili naming venue para sa una naming baby. Unang event bilang SEC Registered Non-Profit Organization at pagbubukas ng pinto para sa dalawampu’t apat na boluntaryo, na harinawa’y sumunod sa mga yapak ng paa naming keri lang maputikan, malamigan, magalusan o makapitan ng limatik, alang-alang sa misyon ng pagtulong.

Let's go, JCI  Binangonan Calvarios! We're happy to partner with you on this initiative.
25/01/2025

Let's go, JCI Binangonan Calvarios! We're happy to partner with you on this initiative.

There are still open slots! Project Bangon will be joining here to support this cause. See you there! ⛰️
25/01/2025

There are still open slots! Project Bangon will be joining here to support this cause. See you there! ⛰️

Let's start our year right and support JCI for this hike for a cause! The proceeds of this initiative will help the Home...
06/01/2025

Let's start our year right and support JCI for this hike for a cause! The proceeds of this initiative will help the Home for the Aged Foundation in Binangonan, Rizal, an organization dedicated to helping abandoned, neglected, and homeless senior citizens.

See full details in the original post and reach out to their contact details if you'd like to participate. 🧡

🌄 Mt. Tagapo: A Trailblazing Change – Hike for a Cause 🌿

JCI Binangonan Calvarios kicks off 2025 with its first major initiative, a hike aligned with JCI Philippines’ Think Green national project. Together, let’s connect with nature, advocate for environmental sustainability, and support a meaningful cause.

✨ About the Event

📍 Location: Mt. Tagapo, Brgy. Janosa, Binangonan, Rizal
⛰️ Elevation: 438 MASL
🎯 Difficulty: Beginner-friendly (2/9)
🌿 Features: Bamboo forests, grasslands, and panoramic views of Rizal and Metro Manila from the summit.

💚 Why Join?

Proceeds from this event will support the Home for the Aged Foundation in Binangonan, Rizal, an organization dedicated to helping abandoned, neglected, and homeless senior citizens. Your participation provides hope and care to the elderly who need it most.

🌟 In Support of JCI’s Mission

This hike reflects JCI’s commitment to creating positive change by promoting environmental awareness and building sustainable partnerships. Through efforts like Think Green, we inspire action toward a better, greener, and more compassionate future.

💰 Fees and Expenses

Php. 700.00- covers the boat transfer from Binangonan Port to Talim Island, registration fees, tour guide, and boodle lunch

🎒 What to Bring

Essentials for Day Hike, including water, trail snacks, and proper attire.

📞 Contact for Details:
2025 LO President Bracks- 09542386572
EVP Harem - 09092986601

🌍 Together, let’s think green, hike for a cause, and make a meaningful impact for the environment and our community. Join us as we support both nature and those in need!





SA SIPIT ANG SIMULAKuwentong Bangon Entry  #1by Ole S.Mula sa isang simpleng facebook post, napunta sa gala ang usapan. ...
30/12/2024

SA SIPIT ANG SIMULA
Kuwentong Bangon Entry #1
by Ole S.

Mula sa isang simpleng facebook post, napunta sa gala ang usapan. Matagal-tagal ding natengga sa bahay mula noong manalasa si Corona V. Nakakamiss na bigla yung pag-eempake ng mga gamit at pag-biyahe ng madaling araw. Yung meet-up ng mga kaibigan sa kung saang fast food chain sa Cubao o bus terminal at magkakasamang maglalakbay sa mga bagong destinasyon. Masarap ulit-ulitin ang hindi maubos-ubos na kwentuhan, tawanan at antisipasyon sa iuuwing masasayang karanasan at siyempre mga bagong larawan.

Kahit na sabihing online plano at usapang laway lang, masaya pa rin eh, kahit papano. Lalo na kapag tungkol sa lakwatsahan. Kahit sa comment section lang sa fb o sa GC, nakakabuhay ng mga himbing na dugo basta travel at booze ang topic. Nakapagpapa-active sa mga pala-seen lang na miyembro at nakangangating bigla ng mga talampakan. Yung laman ng pitaka, nagagawan naman talaga ng paraan, basta gusto. Basta nakukulayan ang plano at hindi nauuwi sa drowing.

Bale yung mga nakasama ko pala sa isang Outreach sa Tinaleb, sa Benguet noong 2019 ang tinutukoy ko. Nagbabalak kasing pumasyal sa Puerto Galera mula nung nagluwag sa Covid restrictions. Pero ang twist, dahil nga may mga dugong volunteer, outreach din ang gusto. Ibang klase rin eh. In a way na nakakabilib.

Isang buwan lamang ang preparasyon kaya maliitang event lang. School feeding sig**o ganun, saka bigayan ng konting office supplies at equipment, depende sa magiging outcome ng donation drive at pang-kalahatang kaperahan.

Tinawag namin ang event na “Project Jhuds” bilang homage sa isang kasama naming volunteer na pumanaw kamakailan lang, at tinawag naman namin ang grupo na “Shena and Friends”.

Naging curious ako sa Sipit Saburan, mula noong madinig ko ito sa kuwento ng isang g**o sa Ambang, at sa mangilan-ngilang post na naresearch ko sa Facebook. Isa yung panigurado sa lahat, struggle yung pagpunta. Kaya naisip ko, medyo magiging hard sig**o ako sa mga bisita ko dahil ito ang pinili kong beneficiary school. Meron naman kasing mas malapit na Mangyan School, meron pa ngang walking distance lang sa beach. Pero ang layunin kasi para sa akin ng event ay hindi naman basta lang makapag-outreach. Mas ok kung maging prayoridad ang mga paaralan ng mga katutubo na nasa mga liblib na lugar at madalang mapuntahan.

Marami pang kwentong pwedeng isunod, pero sa bandang huli, napaka-magical ng kinalabasan ng Project Jhuds. Mahirap man talaga ang pagpunta sa komunidad ng Sipit, pero sumasaya lagi ang puso ko kapag naaalala ko ang mga karanasan ko rito. Ang sariwang sabaw ng bagong pitas na buko sa aming pagdating, ang lagaslas ng malamig na tubig sa ilog kung saan kami naligo’t nagtampisaw. Ang halakhakan at ngiti ng mga batang Mangyan na tanging bumabasag sa katahimikan ng paligid na malaya sa ingay ng makinaryadong lipunan.

Nakakamangha ang dalang liwanag ng mga alitaptap sa itaas ng puno pagsapit ng dilim. May aral na hatid maging saksi sa isang payak na pamumuhay, ang maging kuntento sa sarili kahit salat sa maraming bagay na dala ng modernong mundo. Higit sa lahat, espesyal na regalo ang grupong nabuklod ng ispirito ng pagtulong. Mga bagong kaibigang naging kaagapay sa panibagong landas ng pagbo-boluntaryo.

Maligayang Pasko sa iyo at sa iyong pamilya. 🎄Pagbati mula sa Project Bangon Family. 🧡
25/12/2024

Maligayang Pasko sa iyo at sa iyong pamilya. 🎄

Pagbati mula sa Project Bangon Family. 🧡

Rescuers are human too. Isaalang-alang din ang kanilang kaligtasan sa paggawa ng desisyon sa panahong ito. Huwag nang hi...
16/11/2024

Rescuers are human too.

Isaalang-alang din ang kanilang kaligtasan sa paggawa ng desisyon sa panahong ito. Huwag nang hintayin na ang bagyo ang magpasya para sa iyo. Ang inaasahang storm surge ay maaaring magdulot ng pagbaha sa mga sa mga low lying areas or elevated areas. Let's not be complacent just because the surroundings are calm.

Evacuate now!!

Isang maligayang kaarawan sa nag-iisa naming Kuya Otan, ang co-founder / Executive Director ng Project: Bangon Inc. Tuna...
11/11/2024

Isang maligayang kaarawan sa nag-iisa naming Kuya Otan, ang co-founder / Executive Director ng Project: Bangon Inc. Tunay na may malasakit at mabuting puso pagdating sa pagtulong. Enjoy your day at kitakits sa susunod na Outreach.

Address

438 San Pablo, San Antonio
Parañaque

Telephone

+639291730428

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Project: Bangon Inc. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Project: Bangon Inc.:

Share