Barangay Marcelo Green

Call Directions Contact the organization

Barangay Marcelo Green Peace and Order Hot line Cellphone Number 09465632185

Barangay Secretary : #8776-2798

Barangay Information & Treasurer : #8821-0735

Peace & Order : #8823-9429/0946-563-2185

Barangay Health Center: #8807-0927/8511-0522

Senior Citizen: #8777-3124

PITONG PAGKILALA, PATUNAY NG MAAYOS NA PAMAMAHALA! 🧑Isang mahalagang tagumpay para sa Barangay Marcelo Green ang pagkaka...
10/10/2026

PITONG PAGKILALA, PATUNAY NG MAAYOS NA PAMAMAHALA! 🧑

Isang mahalagang tagumpay para sa Barangay Marcelo Green ang pagkakamit ng pitong parangal at pagkilala mula sa DILG ParaΓ±aque City Field Office, na ipinagkaloob noong October 7, 2026.

Kabilang sa mga natanggap na parangal ang BIS Compliance Award, Steady Hands Award, Full Circle Award, Blueprint for Resilience Award, E-Governance Champion Award, Bayanihan in Action Award, at Barangay Data Collection Award.

Mula sa pagsunod sa mga pamantayan ng barangay information system at e-governance hanggang sa kahusayan sa pag-uulat, disaster preparedness, at pakikilahok sa mga programang pangkomunidad, kinikilala ng mga parangal na ito ang iba't ibang aspeto ng pamamahala at paglilingkod ng ating barangay.

Sa pangunguna ni Punong Barangay Hon. Ian Aguilar, patuloy na isinusulong ng Barangay Marcelo Green ang maayos na pamamahala, pananagutan, at serbisyong nakatuon sa kapakanan ng mamamayan.

Bawat pagkilala ay inspirasyon upang patuloy na paghusayin ang ating paglilingkod at sama-samang makamit ang mas maunlad at matatag na komunidad. πŸ’šπŸ§‘

REGULAR COUNCIL MEETING | BARANGAY MARCELO GREENOCTOBER 7, 2026Isinagawa ang Regular Council Meeting kahapon October 7, ...
08/10/2026

REGULAR COUNCIL MEETING | BARANGAY MARCELO GREEN
OCTOBER 7, 2026

Isinagawa ang Regular Council Meeting kahapon October 7, 2026 araw ng Miyerkules ng Sangguniang Barangay ng Marcelo Green na pinangunahan ni Punong Barangay Ian Aguilar, kasama ang mga miyembro ng Barangay Council.

Tinalakay sa pagpupulong ang mga mahahalagang bagay na may kaugnayan sa ating barangay, mula sa mga proyekto, programa at aktibidad na isinasagawa ng bawat komite, hanggang sa mga kasalukuyang concern at pangangailangan ng ating mga kabarangay.

Nagkaroon din ng paguulat ng mga updates at suhestiyon upang mas mapag-ugnay ang mga gawain ng bawat komite at makapaglatag ng mga susunod na hakbang para sa mas maayos at mabilis na pagtugon sa mga usapin ng komunidad.

Nakiisa sa pagpupulong ang mga sumusunod:

β€’ Kagawad Mico Custodio – CBS Committee
β€’ Kagawad Tina Beltran – Livelihood Committee
β€’ Kagawad Eva Abejero – Urban Poor Committee
β€’ Kagawad Popoy Molina – Health Committee
β€’ Kagawad Richard Pacheco – Education and Tourism Committee
β€’ Kagawad Francis Jay De Guzman – Peace and Order Committee
β€’ Kagawad Mandy Tigno – Social Services Committee

Patuloy ang pagkakaisa at koordinasyon ng Sangguniang Barangay upang matugunan ang mga pangangailangan ng komunidad at maisulong ang mga programang makikinabang ang bawat residente ng Marcelo Green.

Itaguyod at Aksyunan Natin.



𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 π—ͺ𝗒π—₯π—Ÿπ—— π—§π—˜π—”π—–π—›π—˜π—₯𝗦’ 𝗗𝗔𝗬! | October 5, 2026Buong pusong saludo ang Barangay Marcelo Green sa lahat ng ating mga g**o at...
05/10/2026

𝗛𝗔𝗣𝗣𝗬 π—ͺ𝗒π—₯π—Ÿπ—— π—§π—˜π—”π—–π—›π—˜π—₯𝗦’ 𝗗𝗔𝗬! | October 5, 2026

Buong pusong saludo ang Barangay Marcelo Green sa lahat ng ating mga g**o at educators na patuloy na humuhubog sa kaalaman, kakayahan, at pangarap ng ating mga kabataan.

Taos-pusong pasasalamat sa ating mga Child Development Workers, mga g**o ng DepEd-Marcelo Green Elementary School, at DepEd-Marcelo Green High School Paranaque na araw-araw na nagsisilbing gabay at kaagapay ng ating mga mag-aaral sa kanilang pagkatuto at paghubog ng kanilang kinabukasan.

Maraming salamat sa inyong sipag, tiyaga, malasakit, at dedikasyon. Sa bawat aral na inyong ibinabahagi at bawat batang inyong hinihikayat na mangarap, may buhay kayong nababago at kinabukasang inyong nahuhubog.

Sa lahat ng ating mga g**o, maraming salamat sa inyong walang sawang paglilingkod. Mabuhay ang ating mga g**o! πŸ’šπŸ§‘

Itaguyod at Aksyunan Natin!

π— π—”π—Ÿπ—œπ—šπ—”π—¬π—”π—‘π—š π—žπ—”π—”π—₯𝗔π—ͺ𝗔𝗑, π—–π—’π—‘π—š. π—˜π—₯π—œπ—– π—Ÿ. π—’π—Ÿπ—œπ—©π—”π—₯π—˜π—­! πŸŽ‰Buong galak at taos-pusong pagbati ang ipinapaabot ng Barangay Marcelo Gre...
04/10/2026

π— π—”π—Ÿπ—œπ—šπ—”π—¬π—”π—‘π—š π—žπ—”π—”π—₯𝗔π—ͺ𝗔𝗑, π—–π—’π—‘π—š. π—˜π—₯π—œπ—– π—Ÿ. π—’π—Ÿπ—œπ—©π—”π—₯π—˜π—­! πŸŽ‰

Buong galak at taos-pusong pagbati ang ipinapaabot ng Barangay Marcelo Green kay Cong. Eric L. Olivarez sa pagdiriwang ng inyong kaarawan.

Sa patuloy ninyong paglilingkod at pakikiisa para sa kapakanan ng ating mga kababayan, nawa’y maging inspirasyon ang bawat taon na lumilipas upang higit pang makapaghatid ng mga makabuluhang serbisyo at oportunidad sa ating komunidad.

Hangad namin para sa inyo ang mabuting kalusugan, patuloy na tagumpay, at mas marami pang biyaya para sa inyong pamilya at sa inyong paglilingkod.

Muli, Maligayang Kaarawan, Cong. Eric L. Olivarez! πŸŽ‰

Taos-pusong pagbati mula kay Punong Barangay Hon. Ian Aguilar at sa buong Sangguniang Barangay ng Marcelo Green. πŸ’šπŸ§‘



Isang malaking panalo para sa ating Marcelo Green Rippers! πŸ’šπŸ§‘Sa kabila ng matinding hamon, ipinakita ng ating koponan an...
03/10/2026

Isang malaking panalo para sa ating Marcelo Green Rippers! πŸ’šπŸ§‘

Sa kabila ng matinding hamon, ipinakita ng ating koponan ang tunay na lakas ng teamwork, determinasyon, at puso sa laro. Sa kanilang matatag na laro, napabagsak ng Rippers ang isang powerhouse team at nakamit ang kanilang puwesto sa FINALS! πŸ†

Patunay na sa bawat laban, hindi lamang talento ang puhunan, kundi ang tiwala sa isa’t isa, disiplina, at hindi pagsuko hanggang sa huling punto.

Job’s not done. One more fight. One more step.

Mula sa ating Punong Barangay Ian Aguilar at buong Sangguniang Barangay ng Marcelo Green, congratulations, Marcelo Green Rippers! Ipagpatuloy ang laban at dalhin ang tapang at puso ng ating barangay hanggang finals!

NEXT STOP: THE FINALS! πŸ†







01/10/2026

π—£π—œπ—‘π—’π—¬ π—›π—œπ—Ÿπ—’π—§ π—ͺπ—˜π—Ÿπ—Ÿπ—‘π—˜π—¦π—¦ | π—Ÿπ—œπ—©π—˜π—Ÿπ—œπ—›π—’π—’π—— 𝗧π—₯π—”π—œπ—‘π—œπ—‘π—š

Matagumpay na naisagawa ang 16-Day Pinoy Hilot Wellness Livelihood Training para sa ating mga kabarangay na nagnanais matuto at magkaroon ng dagdag na kasanayan na maaaring magamit sa paghahanap o pagbuo ng sariling livelihood opportunities.

Maraming salamat sa ating mga participants sa kanilang oras, sipag, at kahandaang matuto. Ang ganitong mga programa ay bahagi ng patuloy na suporta ng Barangay Marcelo Green sa skills development at pagbibigay ng karagdagang kaalaman at oportunidad para sa ating komunidad.

Isinagawa ang training sa pakikipag-ugnayan sa Paranaque Livelihood Resource Management Office, sa suporta ng ating Mayor Edwin L. Olivarez, at sa pangunguna ng ating Punong Barangay Ian Aguilar katuwang ang ating Kagawad Committee on Livelihood Co-Chair Tina Beltran.

Abangan ang mga susunod pang livelihood training at iba pang programang makatutulong sa pagpapaunlad ng kakayahan at kabuhayan ng ating mga kabarangay. πŸ’šπŸ§‘




𝐈𝐍 ππ‡πŽπ“πŽπ’ || π‚πŽπ”π‘π“π„π’π˜ 𝐂𝐀𝐋𝐋 𝐒𝐀 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πŒπ€π‘π‚π„π‹πŽ 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐍Mainit na tinanggap ni Punong Barangay 𝐇𝐨𝐧. Ian Aguilar  ang courtes...
01/10/2026

𝐈𝐍 ππ‡πŽπ“πŽπ’ || π‚πŽπ”π‘π“π„π’π˜ 𝐂𝐀𝐋𝐋 𝐒𝐀 ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πŒπ€π‘π‚π„π‹πŽ 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐍

Mainit na tinanggap ni Punong Barangay 𝐇𝐨𝐧. Ian Aguilar ang courtesy call ng mga kinatawan ng Bureau of Fire Protection (BFP), π…πˆππ’π 𝐉𝐨𝐣𝐨 𝐃. 𝐌𝐚𝐝𝐫𝐒𝐠𝐚π₯, BF Homes Sub-Station Commander, kasama ang 334 Engine Crew.

Kasabay nito, nakipag-ugnayan din sa Punong Barangay ang bagong Marcelo Green P*P8 Substation Commander na si ππŒπ€π‰ π„πŸπ«πžπ§ 𝐃. π‚πšπ₯𝐒𝐬.

Naging pagkakataon ang courtesy meeting upang higit pang mapalakas ang ugnayan at koordinasyon ng Barangay Marcelo Green, BFP, at PNP P*P 8, partikular sa mga usaping may kinalaman sa kaligtasan, seguridad, emergency response, at pagpapanatili ng peace and order sa ating komunidad.

Sa patuloy na pagtutulungan ng barangay, kapulisan, at mga katuwang na ahensya, layunin nating mapatatag ang koordinasyon at mga hakbang para sa isang ligtas, maayos, at mapayapang Barangay Marcelo Green.

πŸ’šπŸ§‘ Sama-sama para sa mas ligtas at mapayapang komunidad!







πŸŽ‰ HAPPY BIRTHDAY, BARANGAY TREASURER EJ REVILLA! πŸŽ‰Nawa’y maging makabuluhan at masaya ang iyong espesyal na araw kasama ...
01/10/2026

πŸŽ‰ HAPPY BIRTHDAY, BARANGAY TREASURER EJ REVILLA! πŸŽ‰

Nawa’y maging makabuluhan at masaya ang iyong espesyal na araw kasama ang iyong pamilya at mga mahal sa buhay. Maraming salamat sa patuloy na pagiging masipag at maaasahan sa pagtupad ng tungkulin para sa ating barangay.

Mula kay Punong Barangay Ian Aguilar, sa Sangguniang Barangay, at sa buong Barangay Marcelo Green, hangad namin ang iyong mabuting kalusugan, tagumpay, at marami pang biyayang darating sa iyong buhay.

Enjoy your day, Treas EJ! πŸŽ‚πŸŽˆ

Happy Birthday! πŸ’šπŸ§‘


ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πŒπ€π‘π‚π„π‹πŽ 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐍 π—ͺ𝗔π—₯π— π—Ÿπ—¬ π—ͺπ—˜π—Ÿπ—–π—’π— π—˜π—¦ 𝗕𝗔𝗗𝗔𝗖 π—£π—˜π—₯𝗙𝗒π—₯π— π—”π—‘π—–π—˜ π—˜π—©π—”π—Ÿπ—¨π—”π—§π—’π—₯𝗦 πŸ’šπŸ§‘Mainit na tinanggap ni Punong Barangay Ian Aguilar...
30/09/2026

ππ€π‘π€ππ†π€π˜ πŒπ€π‘π‚π„π‹πŽ 𝐆𝐑𝐄𝐄𝐍 π—ͺ𝗔π—₯π— π—Ÿπ—¬ π—ͺπ—˜π—Ÿπ—–π—’π— π—˜π—¦ 𝗕𝗔𝗗𝗔𝗖 π—£π—˜π—₯𝗙𝗒π—₯π— π—”π—‘π—–π—˜ π—˜π—©π—”π—Ÿπ—¨π—”π—§π—’π—₯𝗦 πŸ’šπŸ§‘

Mainit na tinanggap ni Punong Barangay Ian Aguilar, kasama si Kagawad Francis Jay De Guzman, Peace and Order at BADAC Committee Co-Chairman, ang pagbisita ng mga evaluators mula sa ParaΓ±aque Anti-Drug Abuse Council (PADAC) para sa isinagawang Performance Audit ng Barangay Anti-Drug Abuse Committee (BADAC) ngayong umaga, Setyembre 30, 2026.

Dinaluhan din ito ng mga miyembro ng ating BADAC bilang bahagi ng pagsusuri sa mga programa, aktibidad, dokumentasyon, at iba pang mga isinagawang hakbang ng komite noong 2025, alinsunod sa mga itinakdang indicators para sa BADAC functionality.

Layunin ng pagsusuring ito na makita ang naging pagpapatupad ng mga programa at inisyatiba ng BADAC, gayundin ang mga aspeto na maaari pang mapalakas upang patuloy na maging maayos at epektibo ang mga programa ng barangay kaugnay ng kampanya laban sa ilegal na droga.

Patuloy ang pakikipagtulungan ng Sangguniang Barangay Marcelo Green sa mga kaukulang tanggapan at ahensya para sa isang ligtas, maayos, at drug-free na komunidad.

Itaguyod at Aksyunan Natin. πŸ’šπŸ§‘


30/09/2026

π—§π—œπ—‘π—šπ—‘π—”π—‘ | Patuloy ang mga programang hatid para sa ating mga kabarangay. πŸ’šπŸ§‘

Ngayong araw, isinagawa sa Barangay Marcelo Green ang 4th Tranche ng Libreng Bigas Program para sa mga kwalipikadong benepisyaryo mula sa iba’t ibang priority sectors, kabilang ang Senior Citizens (Social Pensioners), Solo Parents, 4Ps Beneficiaries, Public Utility Vehicle (PUV) Drivers, Mangingisda.

Matapos nito, dumalo naman si Kap Ian Aguilar sa Orientation ng TUPAD Program na hatid ng ating Congressman Brian Yamsuan.

Patuloy nating ipaalam at suportahan ang mga programang naglalayong magbigay ng tulong at dagdag na oportunidad sa ating mga kabarangay. πŸ’š


Address

Barangay Hall, Marcelo Avenue, Barangay Marcelo Green
ParaΓ±aque
1700

Telephone

+63288239429

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Barangay Marcelo Green posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Barangay Marcelo Green:

Shortcuts

Share