15/08/2026
PANOORIN | Panayam kay Atty. Ross Vincent Sy, Administrator ng Cavite Economic Zone
Tinalakay ni Atty. Ross Vincent Sy, Administrator ng Cavite Economic Zone (CEZ), ang mga posibleng hazards at safety concerns sa economic zone, partikular sa PEZA-Cavite Economic Zone (PEZA-CEZ), at ang mga hakbang na ginagawa ng CEZ upang matiyak ang kaligtasan ng mga investors, locators, at workers.
“Your safety is our top priority.”
Ibinahagi ni Atty. Sy na may mga programang patuloy na ipinapatupad sa loob ng zone, bunga ng masusing pag-aaral ng CEZ team at pag-apruba ng PEZA Head Office. Tiniyak din niya ang presensya ng security forces sa loob ng economic zone upang mapanatili ang seguridad ng lahat.
Binigyang-diin din niya ang mandato ng PEZA na protektahan ang investments ng mga investors at locators, kabilang ang patuloy na pagpapahusay ng mga pasilidad at reliability ng economic zones.
Kaligtasan, seguridad, at proteksyon sa investments—patuloy na isinusulong sa Cavite Economic Zone.
Video Courtesy: Radyo Pilipinas ALERTO 738