01/10/2025
TIGNAN: Luke Malimban, NAKALAYA NA!
Matapos ang 10 araw na paghihintay, ngayong araw, nakalaya under Bail ang TayoTayo Volunteer at Director for Public Relations and Communications na si Luke Malimban. Isa si Luke sa mga maling naaresto sa gitna ng tensyon at kaguluhan sa Mendiola noong Setyembre 21.
Kasama ang ating legal at operations team pati ang kanyang pamilya sa pagasikaso ng bail requirements at sa iba pang mga legal na proseso sa pagpapalaya ni Luke.
Sinalubong ng ating TayoTayo team,
ate ni Luke na si Ate Prunes at ng kanyang nobya na si Eunice ang paglabas ni Luke sa Station 14 (Barbosa) ng Manila Police Department sa Quiapo. Ngayon, inaasikaso pa ng ating team ang kanyang papeles para sa mga susunod na proseso.
Maraming maraming salamat sa mga tumulong sa pagpapalaya sa ating kaibigan lalong lalo na sina:
- Atty Mark Lim, ang abogado ni Luke mula sa National Union of Peoples' Lawyers
- Rage for Systematic Change
- Kabataan Partylist - Parañaque
- Karapatan NCR
at siyempre, sa mga pamilya, kaibigan, taga suporta, abogado, paralegals, at mga mahal sa buhay sa lahat ng dasal, effort at sipag sa pagpapalaya sa ating kaibigan.
Nagpapasalamat po ng buong buo si Luke at ang kanyang pamilya sa pagmamahal at suporta. Hindi man siya nakalaya dahil may hustisya, siya ay nakalaya dahil sa tyaga, suporta, ang pagmamahal ng pamilya at mga kaibigan at ang nalikom na donasyon.
Maraming salamat po sa inyong lahat! Mahaba pa man ang proseso, tuloy ang laban para sa patas na hustisya! Mabuhay si Luke!