07/10/2026
Wednesday Habit | 10.07.26
📍 Baclaran Church
Sa bawat Wednesday Habit, muli nating napapaalala na ang tunay na serbisyo ay hindi nasusukat sa laki ng ginagawa, kundi sa pusong handang magbigay, makiisa, at tumugon sa pangangailangan ng iba.
Kaisa ng Lingkod ni MARIA Nurturing Farm Foundation ang K LADIGOHON – Laging Tutugon sa makabuluhang gawaing ito, sa pangunguna ni Kagawad Ladigohon JH, kasama si Ma’am Eleonor Ellen Ladigohon, Executive Director ng Lingkod ni Maria Nurturing Farm Foundation, at si Ate Rhian Nicole Padayao ang ating K4 Change Convenor. Gayundin sa Sponsor ngayong araw na si Liza Olimpiada, maraming salamat po 🙏🏻💛.
Maraming salamat sa pagkakataong makapaglingkod at makapagbahagi ng kaunting kabutihan. Dahil naniniwala tayo na ang bawat munting pagtugon ay maaaring maging malaking bagay sa buhay ng ating kapwa. 💛
Patuloy tayong maglingkod nang may malasakit, may puso, at may tunay na pagkalinga.