10/04/2026
๐ซถ๐ป๐ซถ๐ป๐ซถ๐ป
This is it! Ang Opisyal na Pagbubukas ng Paombong Volleyball League 2026!
Bukas na ang pagsasama-sama ng mga balibolista at kanilang mga taga-suporta upang ipakita ang kanilang husay, disiplina at pagiging isa sa palarong inaabangan ng lahat.
Samahan ang inyong team sa isang parada na sisimulan sa Paombong Gymnasium sa ganap na ika-3 ng hapon. Saksihan din ang opisyal na seremonya ng pagbubukas sa ganap na ika-4 ng hapon sa ating Municipal Covered Court.
Ang liga na ito ay hatid sa atin ng ating Punong Bayan, Igg. Ian Mark โKuya Macโ P. Marcos.
Ang Paombong Volleyball League 2026 ay hindi lamang isang kompetisyon, kundi isang pagkakataon upang mapalakas ang samahan ng bawat barangay, maipakita ang talento ng ating mga manlalaro, at maitaguyod ang diwa ng pagkakaisa sa ating bayan.