25/08/2025
August 22 to 25 2025.
Ang kabataan mula sa Parokya ni San Juan Bautista ay masiglang nakiisa sa Regional Youth Congress na Ginanap sa Diyosesis ng Gumaca na may timang "HAPAG NG PAG TITIPON SAMA-SAMANG NAG LALAKBAY, NAG AANI AT NAG MIMISYON" bilang kinatawan ng Prelature of Infanta. Kasama niya ang iba pang delegado mula sa Parokya ni Poong Santa Ana at Poong San Joaquin ng General Nakar, Prelature Shrine of Saint Joseph sa bayan ng Polillo, Cathedral ni San Markos at Batang Niño Hesus sa Infanta, Parokya ni San Jose Esposo ni Maria sa Llavac, at Parokya ni Nuestra Señora de Salvación sa Jomalig.
‎
‎Taglay ang matatag na pananampalataya at pagkakaisa, sa tawag ng pag mimisyon, sabay-sabay nilang inihatid ang pag asa, tinig at diwa ng kabataang simbahan sa pagtitipong ito.
‎
‎Lubos ang pasasalamat ng mga Kabataan ng San Juan Bautista sa lahat nagpaabot ng suporta, tulong pinansyal at panalangin upang maisakatuparan ang kanilang pagdalo sa Regional Youth Congress.