Lady Fatima Al-Jarah Society INC.

Lady Fatima Al-Jarah Society INC. providing orphans with a home ,love ,happiness,provide them with a good level of education .

Support Orphans
share blessing with the less fortunate

your support is not just a donation it is an investment in the future of theses childrens.

04/03/2025

GAWING MADALAS ANG PAGBASA NG QUR’AN, DAHIL ANG QUR’AN AT PAG-AAYUNO SILA AY KAPWANG MAGTATANGGOL SA IYO SA ARAW NG PAGHUHUKOM!!

Kabilang sa mga malalaking biyayang ipagkakaloob ni Allâh sa Kanyang mga alipin sa Araw ng Paghuhukom ay ang pamamagitan o pagtatanggol ng Qur’an at ang pag-aayuno sa taong gumagawa nito!!

Ang mga taong nagbabasa ng Qur’an at ang taong nag-aayuno ay ipagtatanggol sila ng “Qur’an at Ayuno” sa harap ni Allâh at hihiling nila kay Allâh na hayaan silang pamamagitan para sa kanya!

Kaya, kabilang sa nagpapasigla sa tao sa pagsasagawa ng maraming uri ng ‘ebadah at siya ay laging nagsusumikap ay upang makamit ang tagumpay na ipapagkaloob ni Allâh na siyang pinakamimithi ng lahat!!

ANG TAO BA AY TOTOONG NANGANGAILANGAN NG TAGAPAMAGITAN??

Kapag ang tao ay haharap na sa kanyang Panginoon, siya ay nag-iisa, walang kayamanan, walang kapangyarihan, walang katungkulan at higit sa lahat ay walang anak, kaibigan, at kamag-anak.
Lahat ng tao ay abala sa kanilang sarili at bawa’t isa ay ang: “Sarili ko! Sarili ko”.!! Ang kahulugan ay kanya kanyang kaligtasan!!

Dahil sa tindi ng pangyayari, hindi na makayanang tanungin ng anak ang magulang at gayundin ang magulang sa anak at ang tao sa kanyang kaibigan o kamag-anak, dahil bawat isa iisipin nalang ang kaligtasan ng sarili.

Bawat isa pangangalagaan nalang ang kanyang sarili laban sa anumang kahihinatnan o anumang katanungan. Dahil dito, ang lahat ng tao ay higit ang pangangailangan ng taga pamagitan para sa kanya at sa kanyang Panginoon sa pamamagitan ng pagbigay tulong.

Sa panahon na yaon, kakausapin siya ng kanyang Panginoon na hindi na nangangailangan ng sinumang tagapagsalin at ang Impiyerno ay nasa sa kanyang harapan. Sa ganitong pagkakataon ang Qur’an at Ayuno ay mamamagitan.

• Hadith:

Sinabi ni Propeta Muhammad ﷺ: ❝Ang pag-aayuno at ang Qur’an ay kapwa mamamagitan sa alipin sa Araw ng Paghuhukom at sasabihin ng ayuno: “O aking Panginoon! Pinigilan ko siya sa pagkain at sa kanyang pagnanasa kaya’t pahintulutan Mo po akong mamagitan sa kanya.❞ At sasabihin ng Qur’an: ❝Pinigilan ko siyang matulog sa gabi kaya’t pahintulutan Mo po akong mamagitan sa kanya.” Sila (ang Ayuno at Qur’an) ay pahihintulutan na mamamagitan para sa kanya.❞ Ahmad, Saheeh Al-Albani

قَالَ رَسُولَ اللَّهِ صَلَّى اللَّهُ عَلَيْهِ وَسَلَّمَ َ : ❞ الصِّيَامُ وَالْقُرْآنُ يَشْفَعَانِ لِلْعَبْدِ يَوْمَ الْقِيَامَةِ ، يَقُولُ الصِّيَامُ : أَيْ رَبِّ مَنَعْتُهُ الطَّعَامَ وَالشَّهَوَاتِ بِالنَّهَارِ فَشَفِّعْنِي فِيهِ . وَيَقُولُ الْقُرْآنُ : مَنَعْتُهُ النَّوْمَ بِاللَّيْلِ فَشَفِّعْنِي فِيهِ . قَالَ : فَيُشَفَّعَانِ ❝ صححه الألباني في “ صحيح الجامع “ (7329)

Isang karangalan sa sinumang matulungan ng Qur’an at pag-aayuno sa paraan ng pamamagitan nito sa tao.

• PAANO NGA BA HINDI?!!

Ang Qur’an ay salita ng Panginoon, isang banal na salita at ang pag-aayuno ay isang gawaing ‘EBADAH “pagsamba”.

Sa panahon na ikaw ay nag-aayuno, pinipigalan mo ang iyong sarili mula sa pagkain, pag-inom at pagnanasa alang-alang sa pagsunod kay Allâh.

Ramdam mo ang matinding init, uhaw, gutom at pangangailangan sa sekswal, lahat ng ito tiniis mo alang-alang kay Allâh. Kaya naman ikaw ay Kanyang gagantimpalaan sa pamamagitan sa iyo ng Qur’an at Ayuno sa Araw ng Paghuhukom.

NGUNIT, ALALAHANIN NA ANG QUR’AN AT AYUNO AY MAMAGITAN LAMANG SA MGA KUNDISYON:

• Ang pag-aayuno na hindi nahaluan ng gawaing masama, kaya iwasan ang paninirang-puri, panlilibak, panlalait sa kapwa at pakikipag-away higit sa lahat sa panahon ng pag-aayuno.

• Sinumang nagnais na magkaroon ng tagapamagitan ay pangalagaan niya ang kanyang pag-aayuno sa mga nakakasira nito at huwag niyang hayaan na mawalan ng saysay ang kanyang ayuno.

• Sinumang nangangilangan ng tagapamagitan ay alagaan niya ang kanyang pananalita, paningin, dangal at ang kanyang kamay at paa.

• Ang Qur’an ay mamagitan sa tao kapag ito binasa niya ng may pagmumuni-muni at isinabuhay ang katuruan nito.

UGALIING MAGBASA NG QUR’AN AT MAGSAGAWA NG MARAMING PAG-AAYUNO DAHIL SILA ANG TUNAY NA TAGAPAGTANGGOL NATIN SA ARAW NG PAGHUHUKOM!!

📚Sinulat at inipon ni Shiekh Zulameen Sarento Puti (hafidhahullâh)

____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Google)

03/03/2025

ANO ANG GAGAWIN KAPAG NAGDASAL NA NG WITR SA TARÂWEEH AT NAIS NIYANG MAGDASAL NG TAHAJJUD, UULITIN PA BA NIYA ANG PAGDASAL NG WITR??

Ang pinaka mainam sa lahat, kung ikaw ay magdasal ng Tarâweeh at nais mo ring magdasal ng Tahajjud, huwag ka munang magsagawa ng Witr pagkatapos ng Tarâweeh, bagkus saka muna isagawa ang Witr ay pagkatapos na ng Tahajjud at doon mo isagawa ang Witr.

Alinsunod sa naiulat na Hadith: ‪❝‬Gawin ninyo ang huling dasal ninyo sa gabi ay dasal na Witr.‪❞‬ Iniulat nila Imam Albukhari at Muslim.

حديث : ‪❞‬ اجعلوا آخر صلاتكم بالليل وترًا ‪❝‬ رواه البخاري ومسلم

• Ngunit, Kung siya ay nakapagdasal na ng Witr pagkatapos ng Tarâweeh at nais niyang magdasal ng Tahajjud, idadasal pa ba niya ulit ang Witr?

Sagot: Ang pinaka tamang pananaw ay hindi na siya idasal ulit ang Witr dahil ito ay naisagawa na niya sa una. Alinsunod sa Sinabi ng Propeta ﷺ: ‪❝‬Walang pagsasagawa ng dalawang Witer sa isang gabi.‪❞‬

قول النبي ﷺ : ‪❞‬ لا وتران في ليلة ‪❝‬

Naiulat din mula kay ‘Âishah na nakita niya ang Propeta ﷺ na nagdasal ng dalawang Rak’ât pagkatapos niyang magdasal ng Witr. Dito sa salaysay ni ‘Âishah, nagpapatunay na ipinahintulot magdasal ng anomang Sunnah kahit nakadasal kana ng Witr.

• Sila na nagdasal ng Witr sa panahon ng Tarâweeh na kasama ang Imam ay nais nilang magdasal ng Tahajjud, maaari po silang magdasal ng Tahajjud at hindi na nila uulitin ang pagdasal ng Witr.

• Gayundin, yong mga nag-imam sa Tarâweeh at nagsagawa ng Witr dahil sa kung hindi nila pamunuan ang Jamâ’ah ay maaaring hindi nila maisagawa ang Witr. Sa ganitong kalagayan ay mas mainam na idasal nalang nila ang Witr at kung nais nila magTahajjud ay hindi na nila uulitin ang dasal ng Witr.

KADALASANG PAGSASAGAWA NG WITR

1. ISANG RAK’AH (1 RAK’AH)

Isasagawa ang Witr sa isang Rak’ah lamang at basahin ang Sûratul Fatiha + Sûrah mula sa Qur’an. Pagkatapos tumayo mula sa RUKU ay isagawa ang DU’ÂA ng Qunuot at isagawa ang Tashahhud (tahiyyat) sa huling pag-upo at (bigkasin ang una at huling Tahiyyat) at mag-Salam (Tasleem).

2. TATLONG RAK’AH (3 RAK’AH)

Ito ay may dalawang pamamaraan ng pagsasagawa:

• UNANG PAMAMARAAN:

Idasal ang tatlong Rak’ah na buo at basahin ang Sûratul Fatiha + Sûrah mula sa Qur’an para sa first Rak’âh. Basahin ang Sûratul Fatihah + Sûrah mula sa Qur’an para sa 2nd Rak’âh na walang pag-upo sa pangalawang Rak’ah upang magsagawa ng Tashahhud (tahiyyat), Bagkus saka lamang magsagawa ng Tashahhud (Tahiyyat) ay sa pangatlong Rak’ah. Basahin ang Sûratul Fatihah + Sûrah mula sa Qur’an para sa last Rak’ah Pagkatapos tumayo mula sa RUKU sa pangatlong Rak’âh at isagawa ang DU’ÂA ng Qunuot at isagawa ang Tashahhud sa huling pag-upo at (bigkasin ang una at huling Tahiyyat) at mag-Salam (Tasleem).

• PANGALAWANG PAMAMARAAN:

Idasal muna ang dalawang Rak’ah at basahin ang Sûratul Fatiha + Sûrah mula sa Qur’an para sa first Rak’âh. Basahin ang Sûratul Fatihah + Sûrah mula sa Qur’an para sa 2nd Rak’âh at isagawa ang Tashahhud (bigkasin ang una at huling Tahiyyat) at Mag-Salam (Tasleem).

Muling Tumayo ng isang Rak’âh lamang at basahin ang Sûratul Fatihah + Sûrah mula sa Qur’an para sa last rak’ah pagkatapos tumayo mula sa RUKU ay isagawa ang DU’ÂA ng Qunuot at isagawa ang Tashahhud sa huling pag-upo at (bigkasin ang una at huling Tahiyyat) at mag-Salam (Tasleem).
Ito ang madalas na pagsasagawa ng Witr.

DAGDAG KAALAMAN:

• Ang pinaka mainam na babasahin na Sûrah after Sûratul Fatihah sa tatlong Rak’ât na Witr.

• Sa unang tayo ay Sûratul ‘Alâa (Sabbihisma rabbikkal ‘A’alâa).

• Sa pangalawang tayo ay Sûratul Kâfiruon (Qul Yâ Ayyuhal Kâferuon).

• At sa pangatlong tayo ay Sûratul Ikhlas (Qul Huwallâhu Ahad).

• Kung sakali hindi saulado ang nasabing mga Sûrah ay magbasa nalang ng anumang Sûrah na naisaulo.

📚Sinulat at inipon ni Shiekh Zulameen Sarento Puti (hafidhahullâh)

____________________
🔎 (FaceBook | X | Instagram | YouTube | SnapChat | Goggle)

03/02/2025
Thank you so much for your donation Sister.  Your generosity means everything to us and We know you have a lot of choice...
31/01/2025

Thank you so much for your donation Sister. Your generosity means everything to us and
We know you have a lot of choices when it comes to donating, and we are so grateful that you chose to donate to our cause.. alhamdulillah 🙏🙏🙏🙏

What do the ahadith tell us about the Prophet Muhammad (saw) and orphans? The Prophet (saw) said, ‘The one who cares for...
30/01/2025

What do the ahadith tell us about the Prophet Muhammad (saw) and orphans? The Prophet (saw) said, ‘The one who cares for an orphan and myself will be together in Paradise like this’, and he (saw) held his two fingers together to illustrate. [Bukhari]

sponsoring an orphan brings you closer to the Prophet (saw), gives you ‘the best house’, and is a righteous action; it also blesses your wealth and is a great way to pay Zakat monthly; furthermore, you will be called through the gate of Joy into Jannah and enjoy the (literally) heavenly luxuries; in addition, it is a Sadaqah Jariyah which contains incredible barakah; on top of all this, it saves lives!

Your donation can bring hope and a brighter future to orphaned children. Please consider giving generously to support their basic needs and education. Every little bit counts!

Sharing is one of the important virtues that brings happiness into our lives.Not only does sharing bring us joy, it teac...
29/01/2025

Sharing is one of the important virtues that brings happiness into our lives.
Not only does sharing bring us joy, it teaches us the importance of taking care of others.
Sharing does not mean that we require materialistic things to give to other people that makes them happy .
It can be as simple as sharing something you feel with someone, like a compliment.

Caring for orphans is a central part of the faith and is considered a great good deed.

“Whoever caresses the head of an orphan (in affection), solely for the sake of Allah, a good deed will be written to his account for every hair over which he passed his hand, and whoever treated an orphan (boy or girl) with goodness and kindness, he and I will be close to each-other in Heaven as these two fingers.”

Hadith | Sahih al-Bukhari

JANUARY - 28 -2025Every child deserves a full plate and a full heart. But for many orphans, hunger is a constant reality...
28/01/2025

JANUARY - 28 -2025

Every child deserves a full plate and a full heart. But for many orphans, hunger is a constant reality. Let's change that together.

love_the_orphans_

Join us in feeding the future of our precious orphans. Every meal counts, and every donation brings us closer to a hunger-free tomorrow for these deserving children.

Donate now and help us serve a plate of hope and love!

January 25- 2025jazakallah khair Sister marivic & bro. Jay arFor the donations of  mix vegetables  for the orphans…May A...
25/01/2025

January 25- 2025

jazakallah khair

Sister marivic & bro. Jay ar

For the donations of mix vegetables for the orphans…

May Allah reward you with goodness..

Alhamdulillah alhamdullillah

🙏🙏🙏🙏🙏🙏

January 25 - 2025jazakallah khair to brother  mark  for giving us free 2  extra tray  of eggs for the orphans…🙏🙏🙏🙏🙏🙏
25/01/2025

January 25 - 2025

jazakallah khair to brother mark for giving us free 2 extra tray of eggs for the orphans…
🙏🙏🙏🙏🙏🙏

Address

001 Sitio Crossing Barangay Burgos
Paniqui
2307

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Lady Fatima Al-Jarah Society INC. posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share