28/05/2026
Ngayong araw ay dumalo si Ginoong Bj Roxas sa Shrine of St. Faustina of Divine Mercy upang makiisa sa blessing at ribbon cutting ceremony ng bagong bell ng simbahan.
Kasabay rin nito ang pagdiriwang ng ika-58 kaarawan at farewell party ni Rev. Fr. Ricky Barayoga bilang pagkilala at pasasalamat sa kanyang tapat na paglilingkod at dedikasyon sa simbahan at komunidad. Nawa’y patuloy siyang pagpalain at gabayan ng Poong Maykapal sa kanyang susunod na yugto ng misyon at bokasyon.