21/07/2025
📢 PAALALA MULA SA BARANGAY CARANGLAAN
Isang malakas na ulan ang kasalukuyang nararanasan sa ating lugar. Pinapaalalahanan po ang lahat ng residente ng Barangay Caranglaan na:
⚠️ Manatiling nasa loob ng inyong mga tahanan hangga’t maaari.
⚠️ I-secure ang mga gamit na maaaring liparin ng hangin.
⚠️ Maghanda ng flashlight, pagkain, tubig, at first aid kit.
⚠️ Iwasan ang paglabas lalo na sa mga mabababang lugar at tabing-ilog.
⚠️ Makinig sa mga opisyal na anunsyo mula sa LGU o Barangay.