05/01/2025
ANNOUNCEMENT ๐ฃ
MODIFIED LIST OF REQUIREMENTS:
1. PROOF OF ENROLLMENT, any of the following:
โ School ID for A.Y 2024-2025
โ COR/COE for A.Y 2024-2025
2. PROOF OF GRADES, any of the following:
โ Class Card
โ Certificate of Grades
Note: For A.Y. 2024-2025. Certified True Copies are not required. At least 85%, without failing grades.
3. BARANGAY CERTIFICATE OF INDIGENCY
4. 2 PCS ECO-BRICKS, 1.5 or 1.75 plastic bottles
Ang online pre-registration forms ay ipopost po sa January 7, upang hindi na po ninyo kaagad kailangan magpunta sa aming tanggapan dahil batid po namin na karamihan sa atin ay balik na sa eskuwela. Yung 50 students po naming mapipili ay aming icocontact para ipasa na ang kanilang physical copies of requirements. No reservations po ito, ang forms po ay magsasara kapag na-reach na ang 50 students.
FAQs:
1. What if hindi pa po enrolled sa 2nd Sem this academic year?
A: Tatanggapin po namin yung COE/COR ninyo ng 1st semester, basta this academic year din (2024-2025).
2. Paano po kapag wala pang grade this sem?
A: Grades po ninyo ng 2nd semester last academic year ay maaari pong ipasa.
3. What if wala po kaming photocopy ng class card ko!
A: If SHS po kayo, if may nai-save po kayong JPEG copy ng card ay i-print po ito, basta ito ay updated at hindi tampered o altered.
4. Kailan po ipapasa yung Eco-bricks?
A: Sa araw po na itatalaga namin, maaaring sa mismong araw po ng payout o pagpapasa ng physical copies ng requirements.
5. Pwede po bang magkapatid ang sumali?
A: Paumanhin po, pero hindi po. Isang miyembro lamang po ng pamilya ang maaaring sumali. Maaari po silang mag-apply para sa mga susunod na release ng assistance.
PAUNAWA: Limited slots lamang po ang nakalaan para sa ating educational assistance para sa batch na ito, kaya hinihiling po namin na kumpletuhin ang inyong requirements. Paumanhin din po sa mga pagbabago, ito po ay upang mas mapabilis ang proseso at paghahanda ng inyong mga papel. Muli po, kung kayo po ay makapagsagot sa Google Forms na aming ilalabas ito po ay hindi nangangahulugan agad na kasali kayo sa listahan ng ating mga mabibigyan, iba-validate pa po ang inyong mga ipinasa upang makasiguro na ang lahat ay Tama at kumpleto.
Hiwalay na anunsiyo ay ilalabas para sa listahan ng mga mapipiling kabataan. Maraming salamat po.