Villa Lois Homeowners Association - VLHOA -Pandi Bulacan

Villa Lois Homeowners Association - VLHOA -Pandi Bulacan Dating AFP-PNP Housing Project sa Pandi.
(2)

Pakikiisa sa pahayag ng Hugpong Obrero! Mabuhay ang Uring Manggagawa! HAKAPin ang Kapayapaan hindi digmaang bayan!
01/05/2026

Pakikiisa sa pahayag ng Hugpong Obrero! Mabuhay ang Uring Manggagawa! HAKAPin ang Kapayapaan hindi digmaang bayan!

PAHAYAG NG HUGPONG OBRERO INC.
MAYO UNO, 2026

MABUHAY ANG URING MANGGAGAWA!
HAKAPin ang Kapayapaan, hindi armadong karahasan!

Tunay na nagbibigay-pugay ang Hugpong Obrero sa mga manggagawang Pilipino na patuloy na naglilingkod para sa kapakanan ng kapwa manggagawa at ng buong bayan.

Kaugnay ng pagdiriwang ng Araw ng Paggawa, nakikiisa ang Hugpong Obrero sa isang mapayapang pamamaraan ng paggunita, na may layuning itaguyod ang pagkakaisa, katatagan, at kapayapaan sa hanay ng mga manggagawa.

Ang Hugpong Obrero ay isang samahan ng mga manggagawa—dating kasapi ng RCTU-CPP—na nagsusulong ng kapakanan ng mga manggagawa sa loob ng mga pagawaan at kumpanya.

Layunin nitong itaguyod ang industrial peace at pangalagaan ang kabuhayan ng mga manggagawa upang maiwasan ang mga sigalot na maaaring humantong sa welga, pagsasara ng mga kumpanya, at pagkawala ng hanapbuhay, gayundin ang posibleng pagsasamantala ng ilang grupong nagrerekrut tungo sa armadong karahasan.

Patuloy na isinusulong ng Hugpong Obrero ang adhikain ng industrial peace at maayos na ugnayan ng manggagawa at pamunuan upang mapanatili ang trabaho, kabuhayan, at katatagan ng industriya, at maiwasan ang pagsasamantala ng ilang grupong naghihikayat ng armadong karahasan.

Nakikiisa ang Hugpong Obrero, bilang isa sa mga founding member ng Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP) Pederasyon Inc., at ng mga samahang kasapi nito, sa lahat ng manggagawang Pilipino. Kinikilala namin ang mahalagang papel ng bawat manggagawa bilang sandigan ng isang matatag at maunlad na bansa tungo sa Bagong Pilipinas.

Sanggunian:

CRISPIN A. TANDOG JR.
Pangulo, Hugpong Obrero
Tagpagtatag na Pangulo ng
Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP) Pederasyon Inc.












Nasa comment section ang opisyal na pahayag ng Hugpong Obrero Inc.

22/04/2026

Mabuhay ang mga tagapagtaguyod at haligi ng kapayapaan!

HAKAP Nakikiisa sa Paggunita ng 84th Araw ng Kagitingan; 16,003 Former Rebels, nag-aplay para sa Amnestiya
09/04/2026

HAKAP Nakikiisa sa Paggunita ng 84th Araw ng Kagitingan; 16,003 Former Rebels, nag-aplay para sa Amnestiya

PRESS RELEASE
HAKAP Nakikiisa sa Paggunita ng 84th Araw ng Kagitingan; 16,003 Former Rebels, nag-aplay para sa Amnestiya

Caloocan, Abril 9, 2026 — Nakikiisa ang Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP) sa pag-alala ng ika-84 taong anibersaryo ng Araw ng Kagitingan, bilang pagpupugay sa mga beterano at bagong bayani na nag-alay ng buhay para sa kalayaan at kapayapaan ng bansa.

Ayon sa HAKAP-NCR Federation, na kinabibilangan ng mga Former Rebels' People's Organizations (FRPOs), NGOs, at sektoral at advocacy groups, patuloy silang kaisa ng mamamayan sa pagtataguyod ng kapayapaan at pagkakaisa, laban sa karahasan at terorismo ng CPP-NPA-NDF sa mga komunidad.

Sa ilalim ng programang reporma at amnestiya, 16,003 former rebels at ex-combatants ang nag-aplay – isang malaking milestone sa kapayapaan sa bansa, ayon sa Facebook post ng OPAPRU.
(Link: https://www.facebook.com/share/p/17LkKaKjgz/ )

Hinihikayat ng HAKAP ang natitirang kasapi ng CPP-NPA-NDF na magbalik-loob sa pamahalaan at sama-samang isulong ang kapayapaan, katatagan, at kaunlaran ng Pilipinas.

SGD.
Crispin A. Tandog Jr.
Pangulo



Sa pagkakaisa, may pag-asa. Piliin at HAKAPin ang Kapayapaan!Suportahan natin ang HAKAP para sa pagtataguyod ng kapayapa...
03/04/2026

Sa pagkakaisa, may pag-asa. Piliin at HAKAPin ang Kapayapaan!
Suportahan natin ang HAKAP para sa pagtataguyod ng kapayapaan at paghikayat sa iba pa na magbalik-loob nasa pamahalaan!

Mensahe ng Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP)
para sa Good Friday

Sa banal na araw na ito ng paggunita sa sakripisyo ni Hesus Kristo, kami sa Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas (HAKAP)—isang pederasyon sa NCR na binubuo ng mga dating kadre, rebelde, lider, kanilang mga pamilya at tagasuporta, katuwang ang iba’t ibang NGOs, People’s Organizations, sectoral at advocacy groups—ay muling naninindigan para sa kapayapaan, katotohanan, at pagkakaisa ng sambayanang Pilipino.

Bilang mga naging saksi at bahagi ng mga karanasang dulot ng armadong tunggalian, mariin naming tinututulan ang patuloy na karahasan sa kanayunan, gayundin ang mga mapanlinlang na pamamaraan tulad ng deceptive recruitment, spy-tagging, at terror grooming na naglalagay sa panganib, lalo na sa ating mga kabataan.

Sa gitna ng mga hamon na kinakaharap ng ating bansa—kabilang ang pagtaas ng presyo ng langis—hinihikayat namin ang bawat Pilipino na piliin ang pagkakaisa, kapayapaan, at sama-samang pagtutulungan—hindi armadong karahasan, kundi pagkakaisa para sa kabutihang panlahat.

Nawa’y magsilbing inspirasyon ang halimbawa ni Hesus Kristo upang patuloy nating tahakin ang landas ng pagbabago, paghilom, at tunay na kapayapaan para sa ating bayan.

Sa pagkakaisa, may pag-asa.
PILIIN at HAKAPin ang kapayapaan para sa magandang kinabukasan tungo sa kaunlaran. 🇵🇭✊

Sanggunian:
Crispin A. Tandog Jr.
Pangulo



ISULONG AT ISABATAS!
18/01/2026

ISULONG AT ISABATAS!

Isulong ang agarang pagpasa ng panukalang Anti-Terrorist Grooming Act upang magkaroon ng malinaw na batas na magbibigay-proteksyon laban sa mapanlinlang na recruitment ng CPP-NPA-NDF sa hanay ng kabataan patungo sa armadong pakikibaka.

Kailanman ay hindi sinusuportahan at mariing itinatakwil ng mamamayang Pilipino ang ganitong uri at pamamaraan ng pagkakamit ng pagbabago—reporma at hustisya ang dapat isulong sa loob ng balangkas ng batas at demokratikong proseso.

Protektahan ang kabataan laban sa panlilinlang.
Isulong ang agarang pagpasa ng Anti-Terrorist Grooming Act.
Reporma at hustisya—hindi armadong pakikibaka

HAKAPin ang Kapayapaan, hindi ang Armadong Karahasan!






Sanggunian: https://www.facebook.com/share/p/17thASbuA3/

HAKAP maintained its stance that the NTF-ELCAC should not be abolished. Instead, they argue that its institutionalizatio...
05/12/2025

HAKAP maintained its stance that the NTF-ELCAC should not be abolished. Instead, they argue that its institutionalization in Congress should be pursued due to the successful programs under the National Action Plan for Unity, Peace and Development and the Barangay Development Plan for geographically isolated and disadvantaged communities.

Source: Haligi ng Kapayapaan ng Pilipinas - HAKAP Facebook Post

Pagpupugay mga kasama!
15/11/2025

Pagpupugay mga kasama!

Pamamahagi ng bigas sa pangunguna ni Nanaylolit "KaPsy" De Jesus-Samakka
07/07/2025

Pamamahagi ng bigas sa pangunguna ni Nanaylolit "KaPsy" De Jesus-Samakka

Maligayang Araw ng Kalayaan! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!
12/06/2025

Maligayang Araw ng Kalayaan! Mabuhay ang Pilipinas! Mabuhay ang sambayanang Pilipino!

ARAW NG KALAYAAN | Ngayong ika-127 Araw ng Kalayaan, kinikilala natin ang sakripisyo ng ating mga bayani at ang patuloy na pag-aalay ng sarili ng mga sundalo ng Sandatahang Lakas ng Pilipinas para sa isang malaya at matatag na bansa.

Patuloy ang AFP sa pagtatanggol sa ating kalayaan, pagtataguyod ng kinabukasan ng susunod na henerasyon, at pagpapanatili ng ating makasaysayang pamana.

Mabuhay ang ating Kalayaan!
Mabuhay ang Pilipinas!





Address

Villa Lois AFP-PNP Housing Project, Brgy. Siling Bata
Pandi
3014

Telephone

+639956545554

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Villa Lois Homeowners Association - VLHOA -Pandi Bulacan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Villa Lois Homeowners Association - VLHOA -Pandi Bulacan:

Share