14/02/2025
Valentine's Day Special:
"Sulyap"
Siguro nga'y hindi para sa lahat ang araw na 'to
Hanggang "sana all" na lamang sa mga binigyan ng bulaklak, liham, tsokolate, at mga taong sineryoso
Sa tinagal-tagal kong nag-antay at nalumbay,
'Di ko na namalayang saakin ay nawalay,
Ang diwa ng reyalidad at kung ano ang tunay.
Bakit hanggang ngayo'y narito parin akong naghihintay?
Hindi magawang maitanggi na wala nang iba,
Mula noon hanggang ngayon,
Ikaw parin ang sigaw ng puso kong nag-iisa,
Sa magkakaibang panahon at pagkakataon, sayo at sayo lamang nahuhulog,
Paulit-ulit na Ikaw ang nagugustuhan,
paulit-ulit kang nasa aking isipan,
Wala nang ibang sigaw ang puso kong ligaw,
Ikaw lamang at tanging Ikaw,
Ang nais makasama sa lahat ng Araw.
Bakit ba hindi kita magawang kalimutan?
Bakit palagi kang tinitignan?
Kahit pa alam kong sa huli'y mas lalu lang masasaktan,
Kailan mo ba mararamdaman,
Kailan mo mapagtatanto,
Na sa dinami na ng taong nag daan,
Hindi kita magawang pakawalan.
Sa kabila ng paulit-ulit mong kasawian,
Palagi kang tumatangis sa maling tao,
Palaging nasasaktan,
Bakit dimo makitang ako'y andito naman?
Bakit dimo madama sakin ang pangako ng walang hanggan?
Hindi moba nadarama?
Sa hangin nalang kita mahahagkan,
Sa tingin nalang kita mayayakap,
Sa panaginip ka nalang mapapasakin,
Hanggang kailan ko papangarapin na ika'y mapa sakin?
Wala nang ibang magawa,
Mag-aantay at mag-aantay pa,
Sana'y umabot sa panahon na 'di ko na kaya,
Hindi kona kayang hindi ka bitawan,
Nakalimutan ko nang kakalimutan pa kita.
__________
Tula ni: reyn on me