AGHAM Southern Tagalog

AGHAM Southern Tagalog A community of scientists, engineers, researchers, science workers, and STEM educators in Southern Tagalog!

Hindi matatawag na "malinis" na enerhiya ang isang proyektong yumuyurak sa kalikasan at bumubura sa daan-daang taong kul...
24/08/2026

Hindi matatawag na "malinis" na enerhiya ang isang proyektong yumuyurak sa kalikasan at bumubura sa daan-daang taong kultura ng isang bayan.

Imbes na pag-ahon, paglubog sa kumunoy ng pagkasira ang dala ng Ahunan Dam sa Pakil, Laguna. Sa pamamagitan nga mga pananaliksik, napatunayan na ang proyektong ito ay pumapatag sa kabundukan ng Sierra Madre, sumisira sa dalisay na katubigan, at inaagaw sa sagradong Mt. Ping-as ang sentro ng kultura ng mga Pakileรฑo.

by Jethro Joshel Rumbaoa

POSTPONEMENT ANNOUNCEMENTDue to inclement weather this week  and unforeseen circumstances, the โ€œBeyond the Chip: A Forum...
20/08/2026

POSTPONEMENT ANNOUNCEMENT

Due to inclement weather this week and unforeseen circumstances, the โ€œBeyond the Chip: A Forum on Pax Silicaโ€ scheduled for August 24 will be postponed and rescheduled.

๐Ÿ—“๏ธ September 7, 2026
โฐ 5:00 PM
๐Ÿ“ CAS A2, UPLB

Same time, same venue. See you there!

Pax Silica has become a hot topic in recent conversations about advanced technology opportunities in the Philippines. It...
15/08/2026

Pax Silica has become a hot topic in recent conversations about advanced technology opportunities in the Philippines. It promises new jobs and a place at the top of the global semiconductor supply chainโ€“but what does that promise really mean for Filipinos?

๐—”๐—š๐—›๐—”๐—  (๐—”๐—ฑ๐˜ƒ๐—ผ๐—ฐ๐—ฎ๐˜๐—ฒ๐˜€ ๐—ผ๐—ณ ๐—ฆ๐—ฐ๐—ถ๐—ฒ๐—ป๐—ฐ๐—ฒ ๐—ฎ๐—ป๐—ฑ ๐—ง๐—ฒ๐—ฐ๐—ต๐—ป๐—ผ๐—น๐—ผ๐—ด๐˜† ๐—ณ๐—ผ๐—ฟ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—ฃ๐—ฒ๐—ผ๐—ฝ๐—น๐—ฒ) was among the first groups to release a technical analysis exposing how the Pax Silica Initiative may not actually serve the interests of the Filipino People.

๐—”๐—š๐—›๐—”๐—  ๐—ฆ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ฟ๐—ป ๐—ง๐—ฎ๐—ด๐—ฎ๐—น๐—ผ๐—ด and ๐—”๐—ด๐—ต๐—ฎ๐—บ ๐—ฌ๐—ผ๐˜‚๐˜๐—ต ๐—จ๐—ฃ ๐—Ÿ๐—ผ๐˜€ ๐—•๐—ฎรฑ๐—ผ๐˜€ invite you to โ€œ๐—•๐—ฒ๐˜†๐—ผ๐—ป๐—ฑ ๐˜๐—ต๐—ฒ ๐—–๐—ต๐—ถ๐—ฝ: ๐—” ๐—™๐—ผ๐—ฟ๐˜‚๐—บ ๐—ผ๐—ป ๐—ฃ๐—ฎ๐˜… ๐—ฆ๐—ถ๐—น๐—ถ๐—ฐ๐—ฎโ€ an in-depth discussion through three critical lenses: Environmental Impact, Economic Impact, and U.S. Imperialism.

Join us as we go ๐˜ฝ๐™š๐™ฎ๐™ค๐™ฃ๐™™ ๐™ฉ๐™๐™š ๐˜พ๐™๐™ž๐™ฅ and unravel a technological project with no clear plan for technology transfer through an in-depth discussion of the lenses mentioned above and the effects of being under neocolonialism.

๐Ÿ—“๏ธ Date: August 24, 2026
โฐ Time: 5:00 PM
๐Ÿ“ Venue: CAS A2, UPLB

Register here:
tinyurl.com/AGHAM-PAX-SILICA-ED
tinyurl.com/AGHAM-PAX-SILICA-ED
tinyurl.com/AGHAM-PAX-SILICA-ED


โ€Ž

โ€Ž

TIMOG KATAGALUGAN, SUMABAY SA HAGUPIT! โœŠ๐ŸฝMula Hulyo 25 hanggang 27, 2026, nakiisa ang AGHAM Southern Tagalog sa Hagupit ...
31/07/2026

TIMOG KATAGALUGAN, SUMABAY SA HAGUPIT! โœŠ๐Ÿฝ

Mula Hulyo 25 hanggang 27, 2026, nakiisa ang AGHAM Southern Tagalog sa Hagupit ng Timog Katagalugan Caravan, serye ng mga pagkilos at kilos-protesta sa ibaโ€™t ibang ahensya at tanggapan ng pamahalaan sa Metro Manila, kasama ang kabataan, manggagawa, magsasaka, siyentista, environmental defenders, at iba pang progresibong organisasyon. Dinala sa mga pagkilos ang mga usapin sa development aggression at pagkawasak ng kalikasan, kabilang ang 1,400-MW Ahunan Pumped-Storage Hydropower Project, 100.8-MW Kalayaan 2 Wind Power Project, Laguna Lakeshore Road Network Project, mapaminsala at iligal na quarrying, pagmimina at iba pang extractive activities. Itinaas din ang krisis sa lupa at kabuhayan, mataas na singil sa enerhiya, krisis sa agrikultura at trabaho, mga flood-control at iba pang proyektong pampubliko, korapsyon at anomalya sa paggamit ng pondo ng bayan, krisis sa edukasyon at siyensya, militarisasyon, pagpaslang, red-tagging, sapilitang pagkawala, at iba pang paglabag sa karapatang pantao.

Mariing iginiit ng AGHAM Southern Tagalog na ang agham at teknolohiya ay dapat magsilbi sa mamamayan, kalikasan, at pambansang kasarinlan. Kinondena ng organisasyon ang mga patakarang lalong naglalagay sa likas-yaman, enerhiya, paggawa, at teknolohiya sa interes ng dayuhang kapital, kabilang ang Pax Silica, at iginiit ang pambansang industriyalisasyon, makabayang agham at teknolohiya, at siyentipikong pananaliksik para sa bayan. Sa Hagupit ng Timog Katagalugan Caravan, itinampok ang panawagan para sa tunay na repormang agraryo, makatarungan at abot-kayang enerhiya, proteksyon sa kalikasan at kabuhayan, sapat na suporta sa edukasyon at pananaliksik, pananagutan sa korapsyon, at pagtatanggol sa karapatang pantao. Mula Timog Katagalugan, nagpapatuloy ang pag-oorganisa at pagkilos para sa agham na para sa bayan, pambansang industriyalisasyon, at isang bansang tunay na malaya at nagsasarili. โœŠ๐Ÿฝ๐Ÿ”ฌ๐ŸŒฑ

Isang Siyentipikong Pagbati sa Ika-27 Taon ng AGHAM! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‰Ngayong Hulyo 24, ipinagdiriwang natin ang ika-27 anibersaryo ng ...
24/07/2026

Isang Siyentipikong Pagbati sa Ika-27 Taon ng AGHAM! ๐Ÿฅณ๐ŸŽ‰

Ngayong Hulyo 24, ipinagdiriwang natin ang ika-27 anibersaryo ng AGHAM: Advocates of Science and Technology for the People.

Sa loob ng 27 taon, nananatiling matatag ang AGHAM sa pagsusulong ng makabayan, makamasa, at siyentipikong pananaliksik at pagpapaunlad. Mula sa iilang progresibong siyentista na nagtipon upang hamunin ang kolonyal, komersyalisado, at elitistang direksyon ng siyensya sa bansa, lumawak ang AGHAM bilang pambansang samahan ng mga siyentista, mananaliksik, g**o, estudyante, at mga propesyunal na nakikiisa sa pakikibaka ng mamamayan.

Sa gitna ng lumalalang krisis sa edukasyon, pananaliksik, kalikasan, kabuhayan, at pambansang soberanya, higit kailanman ay nananatiling mahalaga ang panawagang gawing kasangkapan ng pambansang pag-unlad at paglaya ang agham at teknolohiya, sa halip na magsilbi sa tubo, pandarambong, at makadayuhang interes.

Mula sa AGHAM Southern Tagalog, taos-puso naming binabati ang buong kasapian ng AGHAM sa ika-27 taon ng paglilingkod at pakikibaka para sa sambayanan.

Ipaglaban ang Agham para sa Sambayanan! Isulong ang makabayan, makamasa, at siyentipikong pananaliksik at pagpapaunlad!



โจโจ๐“๐ˆ๐†๐๐€๐ | ๐๐š๐ -๐ฎ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐š๐ ๐ง๐š ๐„๐’๐‚๐ˆ๐Œ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ค๐ข๐ฅ, ๐‹๐š๐ ๐ฎ๐ง๐šAng mga mananaliksik na naglunsad ng Environmental and Socio-...
23/07/2026

โจโจ
๐“๐ˆ๐†๐๐€๐ | ๐๐š๐ -๐ฎ๐ฎ๐ฅ๐š๐ญ ๐ง๐  ๐ˆ๐ง๐ข๐ฅ๐ฎ๐ง๐ฌ๐š๐ ๐ง๐š ๐„๐’๐‚๐ˆ๐Œ ๐ฌ๐š ๐๐š๐ค๐ข๐ฅ, ๐‹๐š๐ ๐ฎ๐ง๐š

Ang mga mananaliksik na naglunsad ng Environmental and Socio-cultural Impact Mission (ESCIM) noong Hunyo 27-28 na pinangunahan ng AGHAM Southern Tagalog, Kalikasan Timog Katagalugan, Propel - Pro - People Engineers and Leaders, AGHAM - Advocates of Science and Technology for the People ay bumalik sa mga residente ng Pakil, Laguna upang iulat ang mga inisyal na datos at resulta sa isinagawang pananaliksik.

Batay sa inisyal na pag-aaral ng mananaliksik at volunteers ng Biodiversity, Hydrology, at Socio-cultural clusters, kanilang napatunayan ang mayamang saribuhay, malinis na katubigan at mga implikasyon nito sa kalikasan at kabuhayan ng Pakileรฑo. Nagkaroon ng pagbabahagian ang mga propesyonal, boluntaryo, at mga lokal patungkol sa tunay na kalagayan ng Pakil. Sa kasalukuyan ay lalong nanganganib ang lupa ng mga Pakileรฑo dahil sa banta ng proyekto na pagmamay-ari ni Enrique Razon, dagdag pa ang pagbawi ng NHCP ng Cease-and-Desist Order na mas nagpapadali sa pagkasira sa kabundukan ng Mt. Ping-as.

At para kanino ang sinasabing pag-unlad na ito? Hindi para sa ordinaryong mamamayan kundi para lamang sa mga kapitalista tulad ni Razon at kasabwat nitong pamahalaan ang nakikinabang.

Hanggang ngayon, nagpapatuloy pa rin ang laban sa proyektong ito na nakasisira sa kalikasan, kultura, at kabuhayan ng mga Pakileรฑo. Naninindigan kami kasama ang mamamayan ng Pakil sa pagpapanawagang itigil ang mapanirang Ahunan Dam at sa patuloy na pagsulong sa makamasa, siyentipiko at makakalikasang solusyon na tumutugon sa pangangailangan ng taumbayan.

Lahat ng sangkot sa pandarambong sa kalikasan ay dapat managot!

Umantabay para sa susunod na mas komprehensibong resulta na ilalabas sa mga susunod na buwan.

PROTECT SIERRA MADRE!
SAVE PAKIL!
NO TO AHUNAN DAM!



Last June 27-28 2026, AGHAM along with AGHAM Southern Tagalog, Kalikasan Timog Katagalugan and partner organizations con...
11/07/2026

Last June 27-28 2026, AGHAM along with AGHAM Southern Tagalog, Kalikasan Timog Katagalugan and partner organizations conducted an Environmental and Socio-Cultural Impact Mission (ESCIM) in Pakil, Laguna to to carry out an independent assessment of the environmental and socio-cultural impacts of the proposed 1,400-MW Ahunan Pumped-Storage Hydropower Project of Ahunan Power Inc.

The mission brought together volunteer scientists, engineers, community researchers, and student volunteers who conducted rapid biodiversity assessments and water quality monitoring in areas directly affected by the project, in order to help document its possible impacts on local ecosystems and nearby communities.

Pakileรฑos and environmental advocates have strongly opposed the project because of its threatened effects on the environment, local livelihoods, and the cultural and historical importance of Mt. Ping-as.

AGHAM believes that energy development should genuinely serve the interests of the Filipino people. When we talk about development, we should always be critical of whom will these projects serve, and whom and how will they affect the people and the environment. Under a privatized, oligarch-controlled power sector, environmental and socio-cultural impact is waived off as industry outputs are channeled towards profit generation and private sector interests instead of answering the common Filipinoโ€™s basic needs. We stand firm with the people of Pakil in opposing this destructive project and call for an energy industry that genuinely addresses public needs.




Are you a science and technology for the people advocate? Join AGHAM-ST! ๐ŸŒพโšก Makilahok sa talakayan at alamin ang papel n...
11/07/2026

Are you a science and technology for the people advocate? Join AGHAM-ST! ๐ŸŒพ

โšก Makilahok sa talakayan at alamin ang papel ng agham, mga siyentista, at mamamayan sa pagsusulong ng tunay na makatarungang transisyon sa enerhiya at hustisyang pangklima!

๐Ÿ“… Petsa: July 12, 2026 (Linggo)
๐Ÿ•‘ Oras: 2:00 PM
๐Ÿ’ป Platform: Zoom
๐Ÿ”— Magrehistro: https://tinyurl.com/JoinAGHAM-ST


10/07/2026

Address

Pakil

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when AGHAM Southern Tagalog posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to AGHAM Southern Tagalog:

Shortcuts

Share