04/06/2025
๐ World Environment Day 2025! ๐ฟ
Halinaโt ipagdiwang ang World Environment Day sa makabuluhang paraan! Sa darating na Hunyo 6, 2025, tayo'y magkakaisa para sa kalinisan at kalikasan sa pamamagitan ng isang sabayang aktibidad:
"Tayo Na Pakilinis โ PakilATAG!" ๐งน๐ช
Ito ay isang panawagan sa bawat isa โ mga kabataan, g**o, magulang, barangay, at buong komunidad โ na magsama-sama upang linisin ang mga ilog at kapaligiran, itaguyod ang disiplina, at ipakita ang tunay na malasakit sa Inang Kalikasan. ๐ณ๐
๐ฆ Kasabay ng pagdiriwang na ito, layunin din nating labanan ang dengue!
Ang malinis na kapaligiran ay hindi lang maganda sa paningin, kundi mahalaga rin upang maiwasan ang mga sakit tulad ng dengue. Sa pamamagitan ng pag-aalis ng mga stagnant water at mga basurang maaaring pamugaran ng lamok ay mapoprotektahan natin ang ating mga tahanan at komunidad laban sa sakit. ๐ง๐ซ๐ฆ
Hindi lang ito simpleng paglilinis โ ito ay simbolo ng ating pagkakaisa at responsibilidad bilang isang mamamayan ng Pakil, Laguna.
Maliit man ang hakbang, malaki ang epekto kung tayoโy magkakapit-bisig. ๐โจ
๐๏ธ Kailan: Hunyo 6, 2025 ( biyernes)
๐ Saan: Poblacion, Pakil, Laguna
Tayo na, makiisa! Sama-sama nating ipakita na ang pagbabago ay nagsisimula sa sarili, sa tahanan, at sa komunidad.