22/12/2025
๐๐จ๐ญ๐๐ซ๐๐๐ญ ๐๐ฅ๐ฎ๐ ๐จ๐ ๐๐๐ค๐ข๐ฅ ๐๐๐ฒ๐๐๐ฒ ๐๐ซ๐๐ฆ๐ข๐๐ซ | ๐๐จ๐ฆ๐ข๐ง๐๐๐จ ๐ฌ๐ ๐๐๐ฐ๐๐ ๐๐๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ค๐จ๐-๐๐๐ง๐ ๐ข๐ง๐ ๐๐ซ๐ ๐๐ง๐ข๐ฌ๐๐ฌ๐ฒ๐จ๐ง๐ ๐๐๐ง๐ ๐ค๐๐๐๐ญ๐๐๐ง ๐ง๐ ๐๐๐ ๐ฎ๐ง๐ ๐๐๐๐
Muli na namang pinarangalan ang Rotaract Club of Pakil Baybay Premier bilang isa sa mga Namumukod-Tanging Organisasyong Pangkabataan ng Laguna 2025 ng Gawad Laguna Inc. Ito na ang ikalawang sunod na taon ng nominasyong ito sa ilalim ng masipag at committed na pamumuno nina Immediate Past President Arra De Leon Pagaraga at ang kasalukuyang presidente Tristan Jenesis Abues.
Bagamat Mag dadalawang taon pa lamang simula nang maitatag ang organisasyon, pinapatunayan ng Pakil Baybay Premier ang matibay nitong pangako sa tunay na aktibong pakikibahagi ng pamayanan, serbisyong may malasakit, at programang tumutugon sa pangangailangan ng kabataan at komunidad, mula sa volunteerism, empowerment activities, capacity-building, livelihood awareness, hanggang environmental stewardship initiatives.
Ang nominasyong ito at ang seed grant ay magsisilbing pundasyon para sa mga susunod pang proyektong pangkabatang mas palalawakin ang abot ng serbisyo ng Rotaract. Maaaring hindi man hiranging pinakaโNamumukodโTangi, patuloy pa rin naming isasabuhay ang prinsipyo, ideolohiya, at diwa ng Gawad Laguna, na ang pagiging "Namumukod-Tangi" ay nasusukat sa puso ng paglilingkod, malasakit, at patuloy na paghubog sa makabuluhang pagbabago.
Maraming salamat sa lahat ng suporta mula sa aming rotary President Ronald Slavador na wlanag sawang sumusuporta sa amin. sa aming LYDO Office Mam Lairene Chicote and SK Karylle Danielle Mendoza Vivar at sa aming butihing Mayor Ronald Jame Unad Hidalgo, Maraming Maraming Salamat po.
Patuloy kaming magiging katuwang para sa bayan at kabataan, hindi para sa parangal, kundi para sa pangmatagalang epekto ng serbisyo. ๐โจ