Mamamayang Nagmamahal sa Pakil

Mamamayang Nagmamahal sa Pakil Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from Mamamayang Nagmamahal sa Pakil, Environmental conservation organisation, Pakil.

Wala pa mang ulan, kabi-kabilang pagguho na ang nagaganap nitong mga nakaraang araw. Kagabi lamang ay may bahay na tinam...
27/04/2026

Wala pa mang ulan, kabi-kabilang pagguho na ang nagaganap nitong mga nakaraang araw. Kagabi lamang ay may bahay na tinamaan ng gumulong na bato mula sa hinahawan at kinakalbong bundok. Lalo ring pinalala ng pinapanot na kabundukan ang matinding sikat ng araw, dahilan para magsimula ang sunog sa iba't-ibang bahagi ng Sierra Madre lalo sa mga nakapaligid sa kabundukan ng Pakil.

Muli namang ipinaaalam na mariing tinututulan ng Mamamayang Nagmamahal sa Pakil (Manapak) ang konstruksyon ng Ahunan Dam.

Isang panawagan sa kinauukulan na tuparin ang inyong sinumpaang tungkulin: protektahan ang bayan, ang kabuhayan, ang kalikasan, ang kultura, ang mamamayan laban sa mga mapagsamantala.

A Sacred Festival at Risk: Why Ahunan Power Has No Place in TurumbaThe Turumba Festival of Pakil is a vital religious an...
14/04/2026

A Sacred Festival at Risk: Why Ahunan Power Has No Place in Turumba

The Turumba Festival of Pakil is a vital religious and cultural celebration that reflects the community’s faith, history, and identity. In this light, the decision of the Pakil LGU to accept Ahunan Power Inc as a sponsor is deeply concerning, given the company’s projects that pose risks to the environment.

We strongly oppose this decision. The Turumba Festival is not merely a festivity, but a sacred tradition that must be protected. It is inappropriate to associate it with a company whose projects run counter to the community’s values of environmental stewardship and collective well-being.

The irony is clear: a company linked to environmentally harmful projects is supporting a celebration rooted in respect for nature. This raises serious concerns about prioritizing financial interests over public welfare and undermines the ethical responsibility of the local government.

Moreover, the Ahunan Power Dam project threatens ecosystems and local livelihoods. Instead of safeguarding natural resources, such decisions create space for potentially destructive developments.
This also erodes public trust. The government is expected to represent the people’s interests with transparency, accountability, and responsiveness to community voices.

We therefore call on the Pakil LGU to reconsider and revoke its partnership with Ahunan Power Inc, to listen to its constituents, and to uphold the integrity of the Turumba Festival. We also urge the community to remain vigilant in defending its culture, environment, and faith.

Ultimately, a celebration of faith should not be supported by actions that contradict its very essence.

SAVE PAKIL!
NO TO DAMS!

12/04/2026
https://www.facebook.com/share/14a2NEEGZbG/
11/04/2026

https://www.facebook.com/share/14a2NEEGZbG/

PINAGSAMANG PAHAYAG NG LIBERAL PARTY OF THE PHILIPPINES AT ML PARTYLIST LAGUNA

Mariing kinokondena ng LP at ML Partylist Laguna ang naging hakbang ng Lokal na Pamahalaan ng Pakil sa pagtanggap ng sponsorship mula sa Ahunan Power Inc. para sa pagdiriwang ng Turumba Festival. Ang Turumba ay hindi lamang isang karaniwang pista ng sayawan at kantahan. Ito ay isang sagradong pagdiriwang ng pananampalataya sa Nuestra Señora de los Dolores de Turumba—isang pagpapahayag ng debosyon at paggalang sa Diyos at sa Kanyang nilikhang kalikasan.

Sa gitna ng malinaw na panawagan ng mamamayan na ipagtanggol ang kanilang kabundukan at lawa, lubhang nakababahala na ang mismong pamahalaang inaasahang mangangalaga sa kapakanan ng komunidad ay tumatanggap ng suporta mula sa kumpanyang itinuturong sumisira sa kanilang likas-yaman. Ang ganitong hakbang ay hindi lamang kawalan ng sensibilidad—ito ay isang tahasang pagtalikod sa tiwalang ipinagkaloob ng mamamayan at sa sinumpaang tungkulin na pangalagaan ang kapaligiran.

Kaisa ng LP at ML Partylist Laguna ang mamamayan ng Pakil sa kanilang laban para sa kalikasan at kinabukasan. Hindi namin hahayaang mabahiran ng interes ng mapanirang proyekto ang isang pagdiriwang na dapat ay sumasalamin sa paggalang sa buhay, pananampalataya, at kalikasan.

ANG TURUMBA AY HINDI PARA SA MGA KUMPANYANG SUMISIRA RITO.Mariing kinokondena ng mga mamamayang nagmamahal sa Pakil, sam...
11/04/2026

ANG TURUMBA AY HINDI PARA SA MGA KUMPANYANG SUMISIRA RITO.
Mariing kinokondena ng mga mamamayang nagmamahal sa Pakil, sampu ng mga deboto ng Mahal na Birhen ng Turumba ang desisyon ng lokal na pamahalaan sa pangunguna ng punong bayan at ng Pakil Tourism Culture and the Arts na tanggapin ang Ahunan Power Inc bilang sponsor ng ating taunang pagdiriwang ng Turumba Festival. Ang Turumba ay hindi lamang isang pista—ito ay isang banal na pagpapahayag ng pananampalataya at pagkilala kay Nuestra Señora Dolores de Turumba bilang tagapangalaga ng ating kalikasan at kabuhayan. Ang debosyon at pananampalataya ng bawat isang Pakilenyo ay nakadikit sa pagpapahalaga sa Kalikasan- ang Birhen ng Turumba na Ina ng Lawa ng Laguna, ang Turumba Springs na nakapagpapagaling ng spirituawal at pisikal na karamdaman, at ang higt ng tatlong daang Ahunan sa Ping-as na debosyon sa Mahla na Krus at pakikipag isa sa kalikasan. Ang pagpayag sa isang kumpanyang may proyektong sumisira sa ating kapaligiran ay isang tahasang paglapastangan sa diwa ng ating debosyon.

Paano natin maipagdiriwang ang proteksyon ng kalikasan kung ang ating mga lider mismo ang nagbubukas ng pintuan sa mga proyektong magdudulot ng pagkasira ng ating kabundukan, kagubatan, at yamang tubig? Ang planong pagtatayo ng dam ng Ahunan Power Inc ang sumisira sa ating likas na yaman at sa kinabukasan ng susunod na henerasyon. Hindi ito kaunlaran—ito ay pagkawasak na binalot sa pangakong progreso.

Ang pagtanggap ng sponsorship mula sa ganitong uri ng korporasyon ay nagpapakita ng malinaw na pagsasantabi sa kapakanan ng kalikasan at ng mamamayan kapalit ng panandaliang pakinabang. Ito ay isang anyo ng pagtataksil sa ating kultura, pananampalataya, at responsibilidad bilang tagapangalaga ng kalikasan.

Kami ay nananawagan sa lokal na pamahalaan ng Pakil: pakinggan ninyo ang tinig ng mamamayan. Igalang ninyo ang sagradong diwa ng Turumba Festival. Ipinanawagan namin ang agarang pagbasura sa ugnayan sa Ahunan Power Inc at ang tunay na pakikiisa sa laban para sa kalikasan. Sapagkat ang tunay na debosyon ay hindi lamang nasa dasal at selebrasyon—ito ay nasusukat sa ating paninindigan para sa buhay, kalikasan, at kinabukasan.



Address

Pakil
4017

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Mamamayang Nagmamahal sa Pakil posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Mamamayang Nagmamahal sa Pakil:

Share