21/05/2026
Muling haharap sa laban, muling magpapakitang gilas.
Si Lance Lyam A. Bartolome ay muling sasabak sa Palarong Pambansa 2026 โ ๐ฉ๐๐ฃ๐๐๐ฃ ๐๐ฃ๐ ๐ฉ๐๐ฅ๐๐ฃ๐, ๐๐๐จ๐๐ฅ๐ก๐๐ฃ๐, ๐๐ฉ ๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐ง๐๐ฅ ๐ฃ๐ ๐ข๐๐๐๐๐๐๐ฎ ๐ ๐๐ง๐๐ฃ๐๐๐ก๐๐ฃ.
Padayon, kampeon!
Wave High, Pagudpud High!!๐
๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐ฟ
๐๐๐๐๐๐๐๐๐ | ๐ท๐๐๐๐๐, ๐๐๐ ๐๐๐๐!?
Maraming nagsasabi na upang makagawa ng kasaysayan, kailangan mo munang dumaan sa butas ng karayom para makamit ang pinakaunang ginto, o kaya naman ang pagkamit ulit ng kampeonato pagkatapos ng napakahabang panahon. May mga nagsasabi rin na kailangang magsimula nang maaga upang mahasa ang talento at kakayahan, upang handang makapagtala ng pinakamaraming puntos sa isang laban.
Sa isang payapang pamayanan sa bayan Pagudpud, kung saan hinahaplos ng malamig na hanging Amihan ang malalawak na palayan at kabundukan, mayroong isang bata na nagsimulang mangarap na balang araw ang kaniyang pangalan ay tatatak sa larangan ng gymnastics.
Nasa ikalawang baitang noon si ๐๐ฎ๐ป๐ฐ๐ฒ ๐๐๐ฎ๐บ ๐. ๐๐ฎ๐ฟ๐๐ผ๐น๐ผ๐บ๐ฒ nang tinawag siya ng blue mats, vault, at pommel horse. Tinugon niya ang hamong ito, buong-loob na hinarap, at pinaghirapan nang husto.
Hindi nagsimula ang kaniyang kuwento ng tagumpay sa ilalim ng nakasisilaw, malalaking istadyum o sa mga pasilidad na makabago at kumpleto. Tulad ng maraming atletang Pilipino, ang kaniyang unang lugar ng pagsasanay ay ang bukas na bakuran ng kanilang paaralan at ang makikitid na kalsada sa kanilang komunidad.
Taglay ang matinding determinasyon, nagsanay siya nang walang humpay, nakatuon ang paningin sa hinaharap, dala-dala ang pusong handang lumaban hindi lang para sa paaralan at sarili, kundi para sa kaniyang pamilya. Tinagurian si Lance bilang โ๐๐ผ๐น๐ฑ๐ฒ๐ป ๐๐ผ๐โ dahil sa kaniyang sunod-sunod na paglahok sa Palarong Pambansa taon-taon. Palagi siyang naghahatid ng pambihirang pagtatanghal sa bawat kompetisyon. Sa tuwing hahakbang siya sa blue mats, ramdam ng lahat na makasasaksi sila ng pambihirang performans.
Pinatunayan ni Lance na ang mga kampeon ay hinuhubog ng kasipagan, katatagan, at matibay na paniniwala sa kanilang pangarap. Muling handang mamayagpag, lumaban ngayong ๐ฃ๐ฎ๐น๐ฎ๐ฟ๐ผ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐ฏ๐ฎ๐ป๐๐ฎ ๐ฎ๐ฌ๐ฎ๐ฒ, at mag-uwi ng ginto si Lance Lyam A. Bartolome. Sapagkat ang tunay na kampeon ay hindi lamang nasusukat sa medalya, ๐ธ๐๐ป๐ฑ๐ถ ๐๐ฎ ๐๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ฎ ๐บ๐๐น๐ถ๐ป๐ด ๐๐๐บ๐ฎ๐ฏ๐ฎ๐ธ.
Coach: Miss Jannah Ponce
School Sports Coordinator: Mr. Aries N. Espiritu
School Principal: Mr. Neil Ericson T. Acob
Head Teacher: Mrs. Karen Jane C. Maniego
โ Ram Clarence J. Manegdeg
๐ธ Lance Lyam A. Bartolome, Miss Jannah Ponce
๐จJuneil Andrei A. Mameng
๐๐๐๐ ๐๐๐
ถ๐, ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐