15/06/2026
πππ‘π’π π’π β±πππ π’ππ’π§π’ππ’π ππ² π¬π π¦π π ππ¨π§π π«ππ¬π’π¬ππ π€ππ‘π’π π°ππ₯ππ§π π«ππ¬π’ππ¨
Ang ibang mga Kongresista ay makakatanggap ng mahigit β±20M na βbonusβ ngayong taon, o karagdagang pondo mula sa Maintenance and Other Operating Expenses (MOOE), bukod pa sa β±1M kada buwan. Ito ay dapat para sa kanilang mga distrito.
Ngunit, ang mga tseke ay nakapangalan mismo sa mga Kongresista, at hindi nila kailangang magbigay ng resibo β kailangan lang nilang pumirma ng βLiquidation by Certificationβ, isang espesyal na polisiya para sa Kongreso at Senado. Nilitrato ko rito ang certification na pinapirma sa akin para sa β±1M kada buwan ng aking opisina, ngunit hindi ko ito dineposito dahil hindi ako sang-ayon sa polisiyang ito.
Naniniwala po ako na mahigit dito ang gastusin ng isang Kongresista para sa kanilang distrito. Ngunit bakit kailangang nakapangalan sa Kongresista ang tseke, na walang resibo at hindi pantay-pantay ang halaga? Bakit ito patago, at tinatrato parang βbonusβ?
Nananawagan ako sa Kongreso na isapubliko kung paano natin ginagastos ang pondo ng bayan, at kung maaari, idiretso na lang ito sa tulong para sa mga mamamayan at huwag nang idaan sa mga tseke sa mga Kongresista.