09/11/2025
Panawagan sa Bawat Pagbilaoin
Magkaisa sa Panalangin! 🙏
Mga minamahal naming kababayang Pagbilaoin,
Habang humahagupit ang Super Typhoon , at dahil sa mga pag-iingat at suspensyon na ipinatutupad, hinihimok po namin ang lahat na maglaan ng oras para sa isang 🚨 PRAYER BRIGADE (ngayon din)🚨, sa inyong mga tahanan at kinaroroonan.
Ito ang panahon para tayo ay magkaisa, hindi lamang sa paghahanda, kundi maging sa pananampalataya.
Ipanalangin po natin
Para sa Kaligtasan ng Lahat:
Na protektahan ang bawat pamilyang Pagbilaoin laban sa matinding hangin, baha, at anumang pinsalang maidudulot ng bagyo.
Para sa mga Responders:
Na bigyan ng lakas, talino, at proteksyon ang ating mga kawani at volunteers na nasa unahan ng disaster response.
Para sa Kapayapaan: Na maghari ang kapanatagan sa ating mga puso at maging kalmado tayo sa gitna ng pagsubok.
Para sa Mabilis na Pagbangon:
Na pagkatapos ng bagyo, tayo ay mabilis na makabangon at maghilom bilang isang komunidad.
Tumigil sandali, yumuko, at magdasal.
Ang ating pagkakaisa sa panalangin ay isang malaking lakas na hindi matutumbasan.
Nawa'y gabayan at iligtas tayo ng Poong Maykapal. Manatiling ligtas, kalmado, at maging mapagmatyag!