06/04/2026
TAOS-PUSONG PASASALAMAT!
Ang Lokal na Pamahalaan ng Bayan ng Pagbilao, sa pangunguna ni Mayor Angelica “Ate Gigi” Portes-Tatlonghari at ni OIC-MDRRMO Jane M. Luce, ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi ng matagumpay na pagpapatupad ng Oplan Lakbay Alalay 2026.
Ang tagumpay ng operasyong ito ay bunga ng sama-samang pagkilos, dedikasyon, at walang sawang paglilingkod ng iba’t ibang ahensya ng pamahalaan, mga katuwang na organisasyon, barangay, volunteer groups, at iba pang stakeholders. Sa inyong walang pag-iimbot na pagbibigay ng oras, lakas, at suporta, natiyak natin ang kaligtasan, kaayusan, at maayos na paglalakbay ng ating mga kababayan at mga turistang bumisita sa ating bayan sa panahon ng Semana Santa.
Mula sa pagsasagawa ng traffic management, pagbibigay ng agarang responde sa mga insidente, hanggang sa tuloy-tuloy na pagbabantay sa mga pangunahing lansangan at baybaying dagat—ipinakita ninyo ang tunay na diwa ng bayanihan at malasakit sa kapwa.
Nawa’y magsilbi itong inspirasyon upang patuloy nating pag-ibayuhin ang ating pagtutulungan para sa mas ligtas, maayos, at handang komunidad.
Maraming salamat po at mabuhay ang bayan ng Pagbilao! 🫡🫡🫡