Holy Spirit Guided Church - Pagbilao

Directions

Holy Spirit Guided Church - Pagbilao Win Souls & Make Disciples

05/09/2026

Kids Care Saturday.

Isang masayang araw na puno ng pagmamahal, pagkakaibigan, at pagkatuto tungkol sa Diyos! 🙏

Lord, sa gitna ng kalungkutan, Ikaw lamang ang aming pag-asa. Ikaw ang aming tanging sandigan. Sa Iyo kami kumakapit, sa...
02/09/2026

Lord, sa gitna ng kalungkutan, Ikaw lamang ang aming pag-asa. Ikaw ang aming tanging sandigan. Sa Iyo kami kumakapit, sa Iyo kami nagtitiwala, at sa Iyo namin ipinagkakatiwala ang aming buhay. 🙏

Lord, patawarin Mo kami sa mga panahong kami ay lumalayo sa Iyo at umaasa lamang sa sarili naming lakas.Tulungan Mo kami...
01/09/2026

Lord, patawarin Mo kami sa mga panahong kami ay lumalayo sa Iyo at umaasa lamang sa sarili naming lakas.

Tulungan Mo kaming manatili sa Iyong presensiya sa pamamagitan ng panalangin, Iyong Salita, at pagsunod sa Iyong kalooban. Bigyan Mo kami ng pusong may pagsunod sa layunin ng aming simbahan, naglilingkod, at nagpapalakas sa isa’t isa. 🙏

Gamitin Mo ang aming buhay para sa Iyong kaluwalhatian.

Hindi lamang tayo nagpapalaki ng mabubuting anak. Bilang mga magulang, tinatawag tayo ng Diyos na magpalaki ng mga anak ...
30/08/2026

Hindi lamang tayo nagpapalaki ng mabubuting anak. Bilang mga magulang, tinatawag tayo ng Diyos na magpalaki ng mga anak na nakakakilala kay Hesus, umiibig sa Kanya, at handang gamitin ang kanilang buhay para sa Kanyang kaharian.

Kawikaan 22:6
Ituro sa bata ang tamang pag-uugali, at hindi niya ito malilimutan hanggang sa kanyang pagtanda.

Huwag mong hintayin na maging “perfect” ka bago ka maglingkod. Magsimula ka sa kung ano ang mayroon ka at ipagkatiwala m...
29/08/2026

Huwag mong hintayin na maging “perfect” ka bago ka maglingkod. Magsimula ka sa kung ano ang mayroon ka at ipagkatiwala mo ito sa Diyos, maaari itong maging kasangkapan upang maabot at ma-disciple mo ang iba.

“Ano iyang hawak mo?” tanong sa kanya ni Yahweh. “Tungkod po,” sagot ni Moises. -Exodo 4:2

29/08/2026

Loming Batangas goes to Pagbilao Quezon!

Nawa’y sa bawat pagkaing aming ibinahagi, bawat ngiting ipinakita, at bawat taong ating nakasalamuha, ay makita nila ang kabutihan at pagmamahal ng Diyos.

Thank you Lord, sa pagkakataong makapaglingkod at maging pagpapala sa iba. Hallelujah! 🙏

Ngayong araw, naging isang magandang pagkakataon ang pagbabahagi namin ng Loming Batangas dito sa Pagbilao, Quezon. Hind...
29/08/2026

Ngayong araw, naging isang magandang pagkakataon ang pagbabahagi namin ng Loming Batangas dito sa Pagbilao, Quezon. Hindi natin alam kung sino ang nangangailangan ng isang simpleng kabutihan na maaaring maging daan upang maramdaman nila ang pagibig ng Diyos.

Thank you Lord, sa pagkakataong makapaglingkod kami bilang ilaw ng Iyong pagibig at maging pagpapala sa iba. Nawa’y bawat pagkaing aming ibinahagi at bawat taong aming nakausap ay maging salamin ng Iyong pagibig na aming mararanasan sa aming buhay.

Lord, pagpalain Mo ang aming mga pagsisikap at gamitin Mo ang aming buhay para sa Iyong kaluwalhatian. Nawa’y hindi nami...
28/08/2026

Lord, pagpalain Mo ang aming mga pagsisikap at gamitin Mo ang aming buhay para sa Iyong kaluwalhatian.

Nawa’y hindi namin hanapin ang tagumpay nang wala Ka, kundi ang tagumpay na nagmumula sa pagsunod sa Iyong kalooban.

Sa Iyo kami umaasa, sa Iyo kami nagtitiwala, at sa Iyo namin iniaalay ang lahat. 🙏

Mga magulang, inaanyayahan namin ang inyong mga anak na sumali sa Kids Care ngayong Sabado!Dito, matututo sila tungkol s...
28/08/2026

Mga magulang, inaanyayahan namin ang inyong mga anak na sumali sa Kids Care ngayong Sabado!

Dito, matututo sila tungkol sa Diyos habang nagsasaya kasama ang ibang mga bata.

- Bible Reading – Sama-samang babasa ng Salita ng Diyos
- Bible Stories – Makikinig sa mga kwento tungkol kay Jesus
- Arts and Crafts – Gagawa ng mga art na may aral
- Fun Activities – Maglalaro, tatawa, at makikipagkaibigan

Ang aming hangarin ay matulungan ang mga bata na makilala si Hesus, mahalin ang Salita ng Diyos, at matutong mamuhay ayon sa Kanyang Salita.

See you ngayong Sabado sa HSGC Kids Care!

Ang tunay na kaligtasan ay nagdudulot ng kagalakan dahil ang isang taong dating naliligaw ay nakatagpo ng kapatawaran, p...
28/08/2026

Ang tunay na kaligtasan ay nagdudulot ng kagalakan dahil ang isang taong dating naliligaw ay nakatagpo ng kapatawaran, pag-asa, at bagong buhay ating Panginoong Hesus.

Ngayong Linggo, sama-sama nating ipagdiwang ang biyaya ng Diyos at ang kaligtasang hindi natin kayang makamit sa sariling lakas, kundi sa pamamagitan ng pananampalataya.

See you this Sunday! 9:00AM at HSGC Pagbilao!

Address

Brgy. Mapagong, Sitio Ilaya
Pagbilao
4302

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Holy Spirit Guided Church - Pagbilao posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share