30/05/2026
Grabe... WE DID IT! 🥹
From weeks of planning, meetings, preparations, puyat, pagod, at mga unexpected challenges along the way, successful nating nairaos ang Oasis Fest 2026!
Muli po kaming nagpapasalamat kina Kgwd. Mildred Perez at Kapitan Rufino Aragon sa suportang ipinakita nila sa amin, sa mga tanod na sinabayan kaming magpuyat para masiguradon ligtas ang lahat, kay Mayor Gigi Portes sa pagpapahiram sa amin ng led wall, lights and sound system, kay PMAJ Nemecio Calipjo para sa pagpapadala ng kapulisan para masiguradong maayos na mairaos ang event, and to our Oasis Homeowners, dahil sa inyong tulong, mas napaganda pa natin ang event, mas na-improve ang mga bagay na kailangan pang ayusin, at mas naging masaya at memorable ang experience para sa lahat. Mula sa mas maayos na setup hanggang sa mas magandang tugtugan at programa.
At higit sa lahat, maraming salamat miyembro ng Oasistrive. Sa hindi matatawarang suporta, sa paglalaan ng oras kahit may trabaho at may ginagawa pa ang iba, sa sakripisyo, dedikasyon, at pagtutulungan ang naging susi upang maisakatuparan ang pagdiriwang na ito.
At sa bawat taong naniwala sa vision ng Oasistrive. Kayo ang dahilan kung bakit naging possible ang Oadis Fest. 🤍
Hindi man naging madali ang lahat behind the scenes, seeing everyone smile, enjoy, and create memories together made everything worth it.
This is more than just an event. Isa itong patunay na kapag nagtutulungan ang isang komunidad, may mga bagay na kayang lampasan at maabot nang sama-sama.
Sa lahat ng naging bahagi ng Oasis Fest 2026, thank you for being part of this journey. ✨
Hanggang sa mga susunod na event! 🫶🏻