08/04/2026
Every week, tumataas ang presyo ng diesel at gasolina, at tayo ang direktang naaapektuhan. Pamasahe, pagkain, pang-araw-araw na gastos …. lahat sabay-sabay na bumibigat.
Hindi dapat tayo manahimik. Hindi normal na patuloy tayong nag-aadjust habang parang walang sapat na aksyon para protektahan ang mamamayan. May karapatan tayong magtanong, mag-demand, at magpahayag ng hinaing.
Hindi lang ito tungkol sa galit ito ay tungkol sa paninindigan.
Panahon na para makialam, makinig, at magsalita.
Dahil kung hindi tayo kikilos, sino? At kung hindi ngayon, kailan?