08/09/2026
Isang malaking karangalan at oportunidad para sa lalawigan ng Quezon ang pagiging NATIONAL FINALIST nito sa gaganaping 2026 ATOP Pearl Awards sa Oktubre 12, 2026 sa Ormoc City.
Sa pamamagitan ng Provincial Tourism Office, kinilala ang Lalawigan ng Quezon bilang isa sa mga natatanging lalawigan sa Pilipinas na kabilang sa mga sumusunod na kategorya:
🏆Best Tourism-Oriented LGU
🏆Most Outstanding Provincial Tourism Officer – Mr. Nesler Louies C. Almagro, MMPA
🏆Best Tourism Event – Cultural: Festival – Niyogyugan Festival
🏆Best Practices on Sustainable Tourism – Semana Santa 2025: Observance Pre-evaluation and Monitoring Activity to SAMATOQuezon
🏆Most Outstanding Tourism Officers Organization – SAMATOQuezon
Ito ay patunay ng patuloy na pagsisikap ng Lalawigan ng Quezon na isulong ang makabuluhang turismo, pangalagaan ang mga likas at kultural na yaman, at higit pang mapaunlad ang mga destinasyon at inisyatiba para mas mayabong na turismo sa Quezon.