10/07/2026
๐ฝ๐ช๐ ๐๐จ ๐ฃ๐ ๐๐๐๐๐ข ๐ฅ๐๐ฉ๐ช๐ฃ๐๐ ๐ค๐ก ๐จ๐ ๐๐-๐๐๐ก๐๐ฎ ๐ฃ๐ ๐ผ๐๐ ๐๐ช๐ฅ๐ฅ๐ก๐ฎ
Nakatanggap ang Pinoy Plus ng impormasyon patungkol sa limitadong suplay ng ARV sa ilang healthcare facilities at treatment hubs. Ang ARV supply delays ay nagbunga ng pangamba, takot, at kalituhan lalo na sa mga kapatฤฑd naming PLHIV. Ang inyong nararamdaman ay valid at kami ay nakikiisa sa mga panahong ito. Nais rin namin hikayatin ang publiko na maging kalmado at mapagpatyag sa kondisyon ng HIV related commodities sa Pilipinas.
Ayon sa Department of Health (Philippines), ibinigay nila ang kontrata sa PhilPharmawealth noong Marso 2026. Ang unang batch ng 600,000 bote ng ARV ay dapat dumating noong 23 Mayo 2026, ngunit humiling ang supplier ng pagpapalawig para sa 455,217 bote ng ARV noong 5 Hulyo 2026 dahil sa gulo sa Middle East. Ang kabuuang 1,164,879 bote ng ARV ay sapat para sa 97,000 PLHIV, at mahigpit pa ring binabantayan ng DOH ang supplier at siniguro ang publiko na gagawin nito ang lahat para tiyaking tuloy-tuloy ang suplay ng ARV.
Kami sa Pinoy Plus ay agad na humingi ng dialogo sa DOH at Philippine National AIDS Council - PNAC kasama ang iba pang stakeholders upang malinawan sa kasalukuyang proseso ng supply chain management para sa ARV at iba pang HIV commodities; masuri ang epekto ng mga pagkaantala at paghahatid ng serbisyo, at sa karapatan ng mga Taong Namumuhay ng may HIV; at pagbuo ng mga rekomendasyon upang matugunan ang mga kasalukuyang kakulangan at maiwasan ang mga panganib sa suplay sa hinaharap. Ang dialogo na ito ay inaasahan sa susunod na linggo.
Sa kasalukuyan, nagbigay ng update ang DOH na dumating na ang TLD supplies at ngayon ay iniinspeksyon ng DOH sa kanilang warehouse. Ito ay inaasahang maideliver sa mga DOH - Center for Health Development at facilities na mag uumpisa sa susunod na linggo. Manatiling makipag ugnayan sa DOH CHDs at treatment hubs para sa pag antabay ng TLD supplies at iba pang commodities sa inyong lugar.
Ito ay hindi lamang usapin ng pagkaantala ng ARV supply delivery. Ito ay may mas malalim na usapin nang pananagutan, at ang kakayahan ng Estado, mga social hygiene clinics at treatment hubs na makapagbigay ng tuloy-tuloy na serbisyo partikular ang ARV bilang life-saving and essential drug. Mananatili ang Pinoy Plus sa kanyang Misyon na aktibong pakikibahagi at pagsubaybay sa mga bagong impormasyon patungkol sa HIV commodities.
Patuloy namin hinihikayat ang publiko na gamitin ang ibaโt ibang platform katulad ng Pinoy Plus - PLHIV Response Center upang i-report ang kasalukuyang lagay ng ARV at iba pang HIV commodities sa inyong lugar.
# # #