22/06/2026
| ๐ฆ๐ฎ ๐๐ถ๐ธ๐ผ๐ฑ ๐ป๐ด ๐ฃ๐ฎ๐บ๐๐ป๐ฎ๐
๐ ๐ฎ๐ ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐บ๐ฎ๐ฏ๐๐ฏ๐๐ฟ๐ฎ, mga kulay na ipinagpipilitan ng ilan na pansamantala lamangโmga guhit na maaari raw bahiran, takpan, at kalimutan. Sa bawat dampi ng pamunas sa bahaghari, tila napapawi rin ang mga kwentong nakasilong sa bawat kulay nito. Ngunit tulad ng isang bahagharing iginuhit sa pisara, ang tunay na kulay ay hindi basta nawawala sa isang bura. Higit pa man ang gunita nito sa alaala.
Habang may mga taong abala sa pagpawi ng mga tinta, may mga pusong tahimik na nagpupunas ng sariling luha. Luha ng mga taong patuloy na nagtatago sa anino ng kanilang sariling pagkatao, sapagkat sa mundong mabilis magdikta, ang pagiging totoo sa sarili ay nagiging dahilan ng paghusga. At sa bawat pagtatangkang sila ay patahimikin, lalo lamang umiigting ang pagnanais na makilala at matanggap.
Ang pagguhit ng bahaghari sa pisara ay hindi nagpapahiwatig ng pagkakaiba, hindi lang para maglagay ng linya. Ito ay isang protestaโisang sigaw ng mga sirena na sanaโy makitaโt marinig ang kanilang panig.
๐๐ฎ๐ป๐ผ๐ผ๐ป ๐ฑ๐ถ๐ป ๐ฎ๐ป๐ด ๐ป๐ด๐ฎ ๐๐ถ๐ป๐ถ๐ด ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐๐ฎ๐ด๐ฎ๐น ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐๐ถ๐ป๐๐๐๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐๐ฎ๐ต๐ถ๐บ๐ถ๐ธ๐ถ๐ป; sa bawat pagpunas ay may mga tanda pa ring naiiwanโmga patunay ng tapang, pag-asa, at ng mga taong patuloy na pinipiling nabuhay nang may kulay kahit paulit-ulit silang pinabubura.
Ang hindi nila nauunawaan ay hindi nagsimula ang mga kulay sa pisara. Matagal na silang naroon bago pa man may humawak ng tisa.
Sapagkat ang bahaghari ay hindi lamang guhit sa pisara; ito ay buhay na matagal nang umiiral, mga pusong matagal nang tumitibok, mga tinig na matagal nang naghihintay na marinig.
Sa huli, ang buhay ay hindi isang tuwid na guhit; ito ay isang sining ng ibaโt ibang emosyon at karanasan. Ang pagiging bahagi ng komunidad ay hindi sumpa o pansamantalang yugto, kundi isang malalim na pagpapatunay na ang pag-ibig at pagkatao ay walang iisang anyo.
Paghugpa ng mga hiyaw sa parada at pagkaubos ng kislap ng mga palamuti, ang natitira ay ang unawaโisang unawa na sa bawat tibok ng puso, anuman ang kulay nito, ang tanging hinahangad natin ay makita, kilalanin, at mahalin nang buong-buo.
๐ฆ๐ฎ๐ป๐ฎโ๐ ๐บ๐ฎ๐บ๐๐น๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐น๐ฎ๐ต๐ฎ๐ ๐๐ฎ ๐ธ๐ฎ๐๐ผ๐๐ผ๐ต๐ฎ๐ป๐ฎ๐ป๐ด ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ป๐ฎ๐ธ๐ฎ๐ธ๐ฎ๐๐ถ๐น๐ฎ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ด ๐ฏ๐ฎ๐ต๐ฎ๐ด๐ต๐ฎ๐ฟ๐ถ. Kailangan lamang nating matutuhang tingnan ito nang walang pag-aalinlangan, walang panghuhusga, walang pagkakaiba. Dahil kahit ano pa ang sabihin ng iba, walang sinuman ang gugustuhing mamuhay sa mundong walang tinta.
At hindi kailanman maipagkakaila na ang mundo ay mas maganda kapag puno ng kulay ang nagdadala nitoโ๐บ๐ด๐ฎ ๐ธ๐๐น๐ฎ๐ ๐ป๐ฎ ๐บ๐ฎ๐ฎ๐ฎ๐ฟ๐ถ๐ป๐ด ๐ฝ๐ฎ๐ต๐ถ๐ฟ๐ถ๐ป, ๐ป๐ด๐๐ป๐ถ๐ ๐ต๐ถ๐ป๐ฑ๐ถ ๐ธ๐ฎ๐ถ๐น๐ฎ๐ป๐บ๐ฎ๐ป ๐ธ๐ฎ๐๐ฎ๐ป๐ด ๐ฏ๐๐ฟ๐ฎ๐ต๐ถ๐ป.
๐ช๐ข๐ฅ๐๐ฆ | Lyncel Gonzales, Alexy Garanganao, Lorenzo Madriaga, Cane Villar
๐๐ฅ๐๐ฃ๐๐๐๐ฆ | Lorenzo Madriaga