31/12/2025
No-Kill, All Care: Angeles City Dog Pound Hailed as Central Luzon Model
Patuloy na tumatatak ang Angeles City No-Kill Dog Pound bilang huwarang pasilidad sa gitna ng mainit na usapin tungkol sa tamang pagtrato sa stray animals.
Muli itong kinilala, ngayong tinanghal bilang Model Dog Pound or Shelter sa buong Central Luzon. Nauna itong purihin ng Bataan Animal Welfare, bago pa man sundan ng iba pang animal welfare groups at ilang government agencies na kumilala sa makatao at maayos nitong sistema.
Ayon sa Bataan Animal Welfare, namumukod-tangi ang pasilidad dahil sa malasakit, mahusay na pamamahala, at mataas na respeto sa mga stray animals. Patunay umano ito na sa tamang proseso at tunay na intensyon, hindi kailangan ng pagpatay upang masolusyunan ang problema sa mga asong gala.