General Lim Ngayon Newsletter

General Lim Ngayon Newsletter Current Information and update within General Lim community

Isang taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng mga kabarangay na tumulong po  sa paglilinis at pagbubukas ng baradong kana...
22/07/2025

Isang taos-pusong pasasalamat po sa lahat ng mga kabarangay na tumulong po sa paglilinis at pagbubukas ng baradong kanal! 🙌💧

Dahil po sa inyong sipag at malasakit, naging maayos ang agos ng tubig, lalo na ngayong walang tigil ang ulan. 🌧️

👏 Saludo kami sa inyong boluntaryong pagtulong at pakikiisa para sa kalinisan at kaligtasan ng ating komunidad!

Tunay ngang ang pagkakaisa ay sandigan ng kaayusan.
đź’™ Maraming salamat po!





Ngayong araw sa Brgy. General Lim, muling pinatunayan na buhay na buhay pa rin ang diwa ng Bayanihan!Ngayong mismong ara...
22/07/2025

Ngayong araw sa Brgy. General Lim, muling pinatunayan na buhay na buhay pa rin ang diwa ng Bayanihan!

Ngayong mismong araw, isang nakakatuwang pangyayari ang naganap — ang mag-asawang Rosel at Sonny ay kusang-loob na nagluto ng dalawang kalderong goto para sa aming mga kabarangay. Isang kaldero ang inihanda para sa mga kapitbahay, at ang isa naman ay para sa ating mga kasamahan sa Barangay Hall.

Nang inanunsiyo naming may libreng goto, agad nagsidatingan ang mga tao. Masarap ang goto, pero mas masarap sa pakiramdam ang pagkakaisa, ang pagtutulungan, at ang malasakit na nangingibabaw sa aming komunidad.

Maraming salamat po, Rosel at Sonny Tabuzo, sa inyong kabutihang loob. Ang ginawa ninyo ay isang paalala na sa panahon ng pangangailangan, may mga puso pa ring handang maglingkod at magbahagi. Mabuhay ang Barangay General Lim!


Isang taos-pusong pasasalamat kay Maam Cherry Ann Tejada na nakapulot at nagbalik ng wallet ni Tatay Ruben. Ang inyong k...
15/01/2025

Isang taos-pusong pasasalamat kay Maam Cherry Ann Tejada na nakapulot at nagbalik ng wallet ni Tatay Ruben. Ang inyong katapatan at malasakit ay tunay na inspirasyon sa ating Barangay. Nawa’y pagpalain kayo ng mas maraming biyaya at kabutihan. Sana po ay dumami pa ang mga taong katulad ninyo na handang tumulong at gumawa ng tama. Muli, maraming salamat po! 💖

GENERAL LIM, ORION, BATAAN — Isang demonstrasyon kung paano gamitin ang automated voting machine ang isinagawa ngayong h...
06/01/2025

GENERAL LIM, ORION, BATAAN — Isang demonstrasyon kung paano gamitin ang automated voting machine ang isinagawa ngayong hapon sa ganap na alas-dos. Pinangunahan ito ng Commission on Elections (COMELEC) upang gabayan ang mga mamamayan sa tamang proseso ng pagboto gamit ang makabagong teknolohiya.

Layon ng aktibidad na ipaliwanag ang tamang paraan ng paggamit ng makina upang masigurong mabilis, maayos, at ligtas ang halalan. Ang mga dumalo ay nagkaroon din ng pagkakataong magtanong at subukan ang proseso ng pagboto.

Ayon sa COMELEC, mahalaga ang ganitong mga pagsasanay upang maiwasan ang anumang pagkalito sa araw ng halalan at mapanatili ang integridad ng boto ng bawat mamamayan.

Para sa iba pang impormasyon tungkol sa eleksyon, maaaring makipag-ugnayan sa lokal na opisina ng COMELEC.

FUN RUN & WALK ACTIVITY (NOVEMBER 27, 2024)Route: Barangay Plaza to Manggahan Street TO Main Road to Barangay Plaza
16/12/2024

FUN RUN & WALK ACTIVITY (NOVEMBER 27, 2024)
Route: Barangay Plaza to Manggahan Street TO Main Road to Barangay Plaza

2nd SEMESTER OF CY 2024 BARANGAY ASSEMBLY (OCTOBER 20, 2024)“Talakayan sa Barangay: Aktibong Diskusyon ng Pamayanan Tung...
16/12/2024

2nd SEMESTER OF CY 2024 BARANGAY ASSEMBLY (OCTOBER 20, 2024)
“Talakayan sa Barangay: Aktibong Diskusyon ng Pamayanan Tungo sa Masigla at Maunlad na Bagong Pilipinas”
• Progress/Accomplishment Report
• Action Plan
• Implementation of Executive Orders and/or ordinance/s
• Raffle Draw

FLAG RAISING CEREMONY | Sept. 02, 2024Sa gitna ng maulang panahon ay muling isinagawa ang pagtataas ng ating bandila sa ...
03/09/2024

FLAG RAISING CEREMONY | Sept. 02, 2024

Sa gitna ng maulang panahon ay muling isinagawa ang pagtataas ng ating bandila sa ating covered court na nilahukan ng Sangguniang Barangay, Barangay Tanod at iba pang mga sektor ng ating komunidad.

Kasunod nito ay kinilala rin ang ating bagong board passer na si Engr, Antonio R. Jacobo, Jr., REE— mula sa Sangguniang, kami ay proud sa iyo. Congratulations, Engr!🎉

Road Clearing led by the Sangguniang Barangay headed by Kapitana Jesusa "Susan Vargas" Bungcasan along with her counsilo...
03/09/2024

Road Clearing led by the Sangguniang Barangay headed by Kapitana Jesusa "Susan Vargas" Bungcasan along with her counsilors: Konsi Julio Baldiviano and Konsi Ben Lozano, and with the assistance of the Barangay Tanod.

Orion All 23 Barangay Participation In Katarungan Pambarangay Orientation Seminar (August 30, 2024)
01/09/2024

Orion All 23 Barangay Participation In Katarungan Pambarangay Orientation Seminar (August 30, 2024)


LINE CLEARING & TREE PLANTING | August 20, 2024(led by PENELCO)🌱1000 seedlings• PENELCO Employees • Ms. Medilyn Oliveria...
25/08/2024

LINE CLEARING & TREE PLANTING | August 20, 2024
(led by PENELCO)

🌱1000 seedlings
• PENELCO Employees
• Ms. Medilyn Oliveria (Supervisor, OSC)
• Dir. Danilo Raymundo (VP, BOD)
• Dir Diana Jeane Cajucom (Pres, BOD)
• Kap. Jesusa “Susan Vargas” Bungcasan (Punong Barangay ng General Lim)
• Ms. Marivic Santos (CENR Officer)
• Mr. Jerome Gumpad (Forester, DENR)
• Mr. Joey Bantugan (Overall Chairman of “Line Clearing & Tree Planting)
• ESD Construction Crew
• PSSD Construction Crew
• Sangguniang Barangay ng General Lim

Address

Purok 5 General Lim
Orion
2102

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when General Lim Ngayon Newsletter posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share