Tubo-tubo Fisherfolks Association

Directions

Tubo-tubo Fisherfolks Association Samahan na nangangalaga sa kalikasan at bakawanan ng Orani

19/10/2026

Crime-fighting era? Yes! Nature-loving era? DOUBLE YES! πŸ˜ŽπŸ’šπŸŒ± Mga tunay na hero, may malasakit sa lahat even Mother Nature! 🌍

16/10/2026
03/10/2026

Isang masayang karangalan para sa aming samahan ang maging bahagi ng Pagoda 2026 ng Mahal na Birheng Milagrosa ng Orani. πŸ’™πŸŒŠ

Sa paglalayag ng Mahal na Ina sa ating katubigan, kaisa kami sa panalangin para sa masaganang ani, patuloy na kabuhayan, ligtas na karagatan, at biyayang ipinagkakaloob ng Poong Maykapal sa ating mga mangingisda, magsasaka, at buong pamayanan.

Bilang mga tagapangalaga ng ating bakawan at baybayin, patuloy naming pinahahalagahan ang katubigan na nagbibigay-buhay at kabuhayan sa ating mga pamilya. Nawa’y manatiling luntian at masagana ang ating mga bakawan, tahanan ng yamang-dagat at panangga ng ating pamayanan.

Nawa’y sa bawat alon ay sumabay ang pag-asa, sa bawat bakawan ay manatili ang buhay, at sa bawat paglalayag ay ang gabay at pagpapala ng ating Mahal na Ina.

Viva La Virgen! πŸ’™πŸ™πŸŒ±πŸŒŠ

02/10/2026

At the Orani Mangrove Conservation and Protection Area, discover a thriving ecosystem through its 500-meter boardwalk, five watchpoints, and diverse marine life.

But conservation here goes beyond planting. Carbon stock and sequestration measurements help show just how much these mangroves contribute to our environment.

Want to visit? For schedules and assistance, message the Tubo-tubo Fisherfolks Association directly through their page.

Ano tara?
Tara sa Tubo-tubo!πŸƒ

Isang karangalan ang muling maging bahagi ng taunang Pagoda ng ating Mahal na Birhen. Bilang pasasalamat sa Kanyang patu...
28/09/2026

Isang karangalan ang muling maging bahagi ng taunang Pagoda ng ating Mahal na Birhen. Bilang pasasalamat sa Kanyang patuloy na paggabay at sa mga biyayang ipinagkakaloob, lalo na sa ating baybayin ng Orani na nagbibigay kabuhayan at buhay sa maraming pamilya.

Inaanyayahan po namin ang lahat na makiisa at samahan kami sa banal na pagdiriwang na ito. Sama-sama tayong manalangin, magpasalamat, at magbigay-pugay sa ating Mahal na Birhen.

Samahan natin ang Birheng Milagrosa, Ina, Reyna at Patrona ng Peninsula ng Bataan, sa isang maringal na pagbaybay sa karagatan.

Sa pamamagitan ng Pagoda, ating iluluhod ang ating mga panalangin at pasasalamat, at hihilingin ang pagpapala at pagbabasbas ng karagatan para sa masaganang ani, ligtas na paglalayag, at patuloy na biyaya para sa ating mga mangingisda at buong pamayanan.

Sa ilalim ng kanyang maka-inang paggabay, nawa’y manatili tayong nagkakaisa sa pananampalataya, umaasa sa Diyos, at nagpapasalamat sa bawat biyayang ipinagkakaloob Niya.

Oktubre 03, 2026 | 7:00 ng umaga
Pantalan Bago

🌊 International Coastal Cleanup 2026 🌱Sama-sama nating linisin at pangalagaan ang ating mga baybayin! Sa tulong ng 48 vo...
23/09/2026

🌊 International Coastal Cleanup 2026 🌱

Sama-sama nating linisin at pangalagaan ang ating mga baybayin!

Sa tulong ng 48 volunteers, nakalikom tayo ng 73 sako ng basura na may kabuuang 925 kg, gamit ang 10 bangka, at nalinis ang tinatayang 4 km ng baybayin.

Bawat kamay na tumulong ay may ambag. Maliit na hakbang, malaking epekto.

Para sa malinis na dagat, malusog na komunidad, at mas magandang kinabukasan. πŸŒŠβ™»οΈ πŸ’™

16/09/2026

1, 2, 3, GO! πŸŒŠπŸ‘€ Kanya-kanya na… ng pangongolekta ng basura!♻️

Pero this time, hindi tayo kanya-kanyaβ€”SAMA-SAMA TAYO! πŸ€πŸ’™
Tara, mga ka-ICC! Makisabay sa Coastal Clean-Up at sama-sama nating linisin ang ating karagatan.

Kung araw-araw nating kayang makita ang basura, kaya rin nating gumawa ng paraan para mabawasan ito. 🫢🌱

πŸ“… September 19, 2026
⏰ 6:00 AM
πŸ“ Orani Mangrove Area

Clean Seas for Resilient Communities.

1, 2, 3… G?
MAG-ICC TAYO! πŸ—£οΈπŸ”₯

Address

Sitio Pulo, Kabalutan
Orani
2112

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Tubo-tubo Fisherfolks Association posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share