20/09/2026
TINGNAN: Sa muling pagpapatuloy ng Youth Formation, tinalakay ni Reberendo Padre Jhoen Buenaventura, OFS, sa mga kabataan ng Basilika ang tungkol sa iba't ibang uri ng “boundaries” at kung paano nila ito pahahalagahan—sa kanilang sarili at sa ibang tao—habang sila ay nasa murang edad.
Ginanap ang nasabing pulong nitong Sabado, ika-19 ng Setyembre 2026, sa Bulwagan ni Maria ng Minor Basilica at Dambanang Parokya ng Mahal na Birhen ng Santo Rosaryo sa Orani, Bataan.
Mainit namang tinanggap ng Parish Youth Ministry (PYM) ang mga bagong miyembro nito matapos ang Formation at nagkaroon ng maikling pagpupulong.
Samantala, nananatiling bukas ang PYM para sa mga kabataang nagnanais maglingkod. Bukas ito sa edad 12 pataas, binyagang Katoliko, at residente ng Bayan ng Orani. Mangyaring makipag-ugnayan lamang sa page na ito.