01/04/2026
Sa aking mga G10 na kadete:
Parang kailan lang, naka tuck in lang kayo. Naka proper everyday bilang ICO. Parang nakakakita pa nga kayo ng multo kapag nakakasalubong ako sa court o sa corridor. Halos hndi kayo mapakali bago mag salute.
Dumaan ang mga araw at buwan, naging official kayong mga GHNHS CAT Officersโฆ
Lumabas lalo ang inyong potentials
Yung mahiyain, naging dragon๐
Yung tahimik, naging tunay na leader.
Sobrang proud ako sa inyo.
Hindi ko kasi kayo sinanay sa lambing.
Hindi ko kayo sinanay sa sweet words.
Sanay kayo sa sigaw, sa sermon, sa pangaral.
Hindi naman nawalan ng saysay ang lahat, dahil naging matino, responsible, at mapagmahal kayo sa ating organisasyon.
Nagtapos lahat kahapon, ang huling araw nyo bilang aking mga officers.
Malungkot ako. Hindi lang halata.
Pero naniniwala ako na sa pag-alis nyo, baon baon nyo ang lahat ng natutunan nyo sa organisasyon natin.
Kaya sa inyong mga kadete ko. Maraming salamat, ha?
Maraming salamat sa malasakit sa HQ.
Maraming salamat sa pagmamahal sa GHNHS
CAT.
Maraming salamat sa pagpupuno sa naging kakulangan ko.
Maraming salamat sa pagiging mabuti at masipag na kadete.
At lalong lalo na, maraming salamat sa respeto. Hindi nyo tinignan ang kasarian ko, bagkus tinuring nyo akong isang pangalawang magulang nyo.
Maraming salamat din sa inyong mga magulang.
Naging mas madali ang school year na โto dahil sa suporta nila sa akin.
Sa huling pagkakataon, congratulations aking mga kadete! Mahal kayo ni Sir Edu. Wag kayong makakalimot.
At sa mga maiiwan.
Muli tayong magpapatuloy. Galingan nyo pa at sipagan. Hindi sila nawala. Mananatili sila sa ating organisasyon saan man sila dalhin ng kapalaran.
Kaya GHNHS CAT CORPS , hanggang sa susunod na school year.
Batch 2025-2026 is now signing off.