20/11/2025
๐๐๐ค๐๐๐ฒ ๐๐ฎ๐ง๐ ๐จ ๐ฌ๐ ๐๐ฉ๐๐ค๐ญ๐ข๐๐จ๐ง๐ ๐๐๐ฆ๐ฎ๐ฆ๐ฎ๐ง๐จ: ๐๐-๐๐๐ ๐๐๐ง๐๐ก๐ฆ๐๐ซ๐ค๐ข๐ง๐ ๐๐๐ญ๐ข๐ฏ๐ข๐ญ๐ฒ
Sa layuning mapagtibay ang adhikain para sa sangkaestudyantehan, ang ๐๐ผ๐ฟ๐ฑ๐ผ๐ป ๐๐ผ๐น๐น๐ฒ๐ด๐ฒ - ๐ฆ๐๐ฝ๐ฟ๐ฒ๐บ๐ฒ ๐ฆ๐๐๐ฑ๐ฒ๐ป๐ ๐๐ผ๐๐ป๐ฐ๐ถ๐น (๐๐-๐ฆ๐ฆ๐) ay nagsagawa ng isang benchmarking activity. Ang aktibidad na ito ay naglalayon na matutunan ang mga pinakamahuhusay na kasanayan, patakaran, at istruktura ng ibaโt ibang Student Council o Student Government sa Central Luzon.
Kabilang sa mga paaralang binisita ng ๐๐-๐ฆ๐ฆ๐ ay ang ๐พ๐๐ฃ๐ฉ๐ง๐๐ก ๐๐ช๐ฏ๐ค๐ฃ ๐๐ฉ๐๐ฉ๐ ๐๐ฃ๐๐ซ๐๐ง๐จ๐๐ฉ๐ฎ (๐พ๐๐๐). Dito, nagbigay ang mga lider-estudyante mula sa ๐๐ฃ๐๐ซ๐๐ง๐จ๐๐ฉ๐ฎ ๐๐ช๐ฅ๐ง๐๐ข๐ ๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ ๐พ๐ค๐ช๐ฃ๐๐๐ก (๐๐๐๐พ) ng mga impormasyon ukol sa kanilang mga programa at aktibidad na isinasagawa para sa mga estudyante. Kasama rin sa diskusyon ang mga partikular na tungkulin ng bawat opisyal ng konseho, ang mga mekanismo ng ugnayan sa mga lokal o College Councils at mga organisasyon, at pagbisita sa opisina ng kanilang konseho. Sa pangunguna nina ๐๐ผ๐ป. ๐๐น๐ท๐ผ๐ป๐ฒ ๐ฉ๐ถ๐๐ฒ๐ฟ๐ฏ๐ผ (CLSU-USSC Chairperson) at ๐๐ผ๐ป. ๐๐ฟ๐ถ๐๐๐ฎ๐ป ๐๐ฎ๐บ๐ฒ๐ ๐๐ผ๐ฟ๐ป๐ฒ๐น (CLSU-USSC Vice Chairperson), naging makabuluhan ang talakayan sa pagitan ng ๐พ๐๐๐-๐๐๐๐พ at ๐๐-๐ฆ๐ฆ๐ sa unang bahagi ng aktibidad na ito.
Sa kabilang banda, ibinida ng ๐๐๐ง๐ก๐๐ ๐๐ฉ๐๐ฉ๐ ๐๐ฃ๐๐ซ๐๐ง๐จ๐๐ฉ๐ฎ - ๐๐ช๐ฅ๐ง๐๐ข๐ ๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ ๐พ๐ค๐ช๐ฃ๐๐๐ก (๐๐๐-๐๐๐พ) ang kanilang mga programa, proyekto, at aktibidad na kinagigiliwan ng mga mag-aaral sa kanilang pamantasan. Kabilang dito ang ibaโt ibang income generating projects na nagsisilbing karagdagang pinagmumulan ng badyetโbukod sa taunang alokasyon ng konsehoโupang makapagpatupad ng mas marami pang proyekto sa unibersidad. Kasama sa naging diskurso ang mismong University President ng TSU na si ๐๐ฟ. ๐๐ฟ๐ป๐ผ๐น๐ฑ ๐. ๐ฉ๐ฒ๐น๐ฎ๐๐ฐ๐ผ at ang TSU-SSC Adviser na si ๐๐ฟ. ๐๐ฒ๐
๐๐ฒ๐ฟ ๐. ๐ ๐ฎ๐ป๐๐ฎ๐ป๐ผ, kasama ang iba pang miyembro at senador ng konseho sa pangunguna ni ๐๐ผ๐ป. ๐๐ฟ๐ถ๐
๐๐ฒ๐ฟ ๐. ๐ ๐ถ๐น๐น๐ผ (TSU-SSC President at Student Regent).
Huling binisita ng ๐๐-๐ฆ๐ฆ๐ ang ๐ฝ๐ช๐ก๐๐๐๐ฃ ๐๐ฉ๐๐ฉ๐ ๐๐ฃ๐๐ซ๐๐ง๐จ๐๐ฉ๐ฎ (๐ฝ๐ช๐ก๐๐) sa sumunod na araw kung saan naghanda ng isang komprehensibong programa ang ๐ฝ๐ช๐ก๐๐ - ๐๐ฉ๐ช๐๐๐ฃ๐ฉ ๐๐ค๐ซ๐๐ง๐ฃ๐ข๐๐ฃ๐ฉ (๐ฝ๐ช๐ก๐๐-๐๐). Mainit na tinanggap ng BulSU-SG sa pangunguna ng kanilang Pangulo na si ๐๐ผ๐ป. ๐ฅ๐ผ๐๐ต๐ฎ๐ป ๐ฅ๐ฒ๐๐ฒ๐, na nagsisilbi ring Rehente ng Mag-aaral, kasama ang mga senador at iba pang miyembro ng gobyerno. Kabilang din sa pagtanggap ang ilang opisyal ng unibersidad, sina ๐. ๐๐ผ๐๐ฒ๐ฝ๐ต ๐ฅ๐ผ๐ ๐๐ฒ๐น๐ฒ๐๐๐ถ๐ป๐ผ (Dean of Student Affairs for Main Campus) at ๐๐ฟ. ๐๐ถ๐บ๐ฒ๐ฒ ๐๐ฟ๐ฎ๐ฐ๐ฒ ๐ ๐ฎ๐ฑ๐น๐ฎ๐ป๐ด๐ฏ๐ฎ๐๐ฎ๐ป (Dean of Student Affairs for External Campuses), ang delegasyon ng Gordon College.
Sa panimulang sesyon, inihalad ni ๐ฆ๐ฒ๐ป. ๐๐ฒ๐ฟ๐ผ๐น๐ฏ๐ฒ ๐๐ฎ๐ฝ๐๐น๐ฒ ang ibaโt ibang programa ng ๐ฝ๐ช๐ก๐๐-๐๐ na kanilang isinasagawa at kung paano nakikipag-ugnayan ang ๐ฝ๐ช๐ก๐๐-๐๐ sa mga organisasyon ng kanilang institusyon. Ibinahagi naman ni ๐ฆ๐ฒ๐ป. ๐๐ ๐๐๐๐ฟ๐ฒ๐น๐น๐ฎ ang ibaโt ibang aktibidad na naglalayong paigtingin ang kakayahan ng mga lider-estudyante at ang balangkas ng kanilang gobyerno, kasama ang pinagtibay na ๐๐ฐ๐ฏ๐ด๐ต๐ช๐ต๐ถ๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ข๐ฏ๐ฅ ๐๐บ-๐ญ๐ข๐ธ๐ด, ๐๐ฆ๐ฅ๐ฆ๐ณ๐ข๐ต๐ช๐ฐ๐ฏ ๐ฐ๐ง ๐๐ต๐ถ๐ฅ๐ฆ๐ฏ๐ต ๐๐ฐ๐ถ๐ฏ๐ค๐ช๐ญ ๐๐ฐ๐ฅ๐ฆ, ๐ข๐ต ๐๐ข๐จ๐ฏ๐ข ๐๐ข๐ณ๐ต๐ข ๐ฐ๐ง ๐๐ต๐ถ๐ฅ๐ฆ๐ฏ๐ต๐ด ng ๐ฝ๐ช๐ก๐๐. Sa pagtatapos ng programa, inilahad ni ๐๐ผ๐ป. ๐ฅ๐ผ๐๐ต๐ฎ๐ป ๐ฅ๐ฒ๐๐ฒ๐ ang istruktura ng kanilang pamahalaan, kabilang ang tungkulin ng tatlong (3) sangay ng gobyerno ng ๐ฝ๐ช๐ก๐๐-๐๐. Nagbigay din ng ibaโt ibang rekomendasyon ang ๐ฝ๐ช๐ก๐๐-๐๐ kung paano mapapaigting ang kapangyarihan ng konseho upang protektahan at pangalagaan ang karapatan ng bawat mag-aaral sa dalubhasaan.
Ang mga natutunan sa tatlong (3) unibersidad ay magsisilbing batayan ng kasalukuyang konseho sa pagreporma at pagpapaigting ng istruktura at polisiya para sa mga mag-aaral.
๐๐ต๐ฐ ๐ข๐บ ๐ฎ๐ข๐จ๐ด๐ช๐ด๐ช๐ญ๐ฃ๐ช๐ฏ๐จ ๐ด๐ข๐ฏ๐จ๐จ๐ถ๐ฏ๐ช๐ข๐ฏ ๐ด๐ข ๐ฑ๐ข๐จ๐ฃ๐ข๐ฃ๐ข๐จ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ฌ๐ฐ๐ฏ๐ด๐ต๐ช๐ต๐ถ๐ด๐บ๐ฐ๐ฏ ๐ฏ๐จ ๐ฑ๐ช๐ฏ๐ข๐ฌ๐ข๐ฎ๐ข๐ต๐ข๐ข๐ด ๐ฏ๐ข ๐ฌ๐ฐ๐ฏ๐ด๐ฆ๐ฉ๐ฐ ๐ฏ๐จ ๐ข๐ต๐ช๐ฏ๐จ ๐ฅ๐ข๐ญ๐ถ๐ฃ๐ฉ๐ข๐ด๐ข๐ข๐ฏ.
โ
๐: Anthony Sabusap, SSC Secretary
๐ธ: John Rei Estrella, SSC Public Information Officer & Roner Tros Umadhay, SSC CAHS Representative