21/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐๐๐๐๐ ๐๐ ๐๐๐๐๐ ๐๐๐ ๐๐๐-๐๐๐๐๐
Sa Buong Pamayanan ng GHNHS:
Nais naming ipabatid sa lahat ang opisyal na pahayag ng Gordon Heights National High School (GHNHS) hinggil sa natanggap na banta ng pamamaril (shooting threat) na napag-alaman na ang sangkot na bata ay galing sa ibang lugar/dibisyon.
Agad na nakipag-ugnayan ang pangasiwaan ng paaralan sa Philippine National Police (PNP) at sa pamahalaan ng barangay upang maisagawa ang mabilisang imbestigasyon. Sa kasalukuyan, may natukoy nang sangkot sa insidenteng ito ngunit ito ay patuloy pa ring isinasailalim sa masusing imbestigasyon ng mga awtoridad.
Ayon sa opisyal na pahayag ng PNP matapos ang pakikipag-ugnayan sa Schools Division Office (SDO) ng Olongapo, ๐บ๐ฎ๐ด๐ฝ๐ฎ๐ฝ๐ฎ๐๐๐น๐ผ๐ ๐ฎ๐ป๐ด ๐ธ๐น๐ฎ๐๐ฒ ๐ฏ๐๐ธ๐ฎ๐. Upang matiyak ang kaligtasan ng bawat isa, magpapatupad ang PNP at ang barangay ng mas pinaigting na seguridad sa loob at paligid ng paaralan.
Kasabay nito, agad na inaktibo ng pangasiwaan ang Psychological First Aid (PFA) Team na binubuo ng ating Guidance Counselor, mga nakatalagang Guidance Advocates, at Mental Health Advocates. Handa silang magbigay ng suporta para sa kaisipan at emosyonal na kalagayan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani.
Nais naming tiyakin sa publiko na ang lahat ng kinakailangang hakbang batay sa mga protocol at guidelines na ibinigay ng DepEd ay maayos na naipatupad at nakahanda upang matiyak ang kaligtasan ng lahat hinggil sa insidenteng ito. Hinihiling namin ang buong kooperasyon at pagkakaisa ng buong pamayanan para sa kapakanan at seguridad ng ating mga mag-aaral.
Mananatiling pangunahing prayoridad ng GHNHS ang kaligtasan at kapakanan ng ating mga mag-aaral, g**o, at kawani. Patuloy naming ipatutupad ang lahat ng karagdagang hakbang upang mapanatili ang isang ligtas at maayos na kapaligiran sa pag-aaral.
Sama-sama at tulong-tulong tayo para sa ating paaralan at komunidad.
Maraming salamat po.
PAMUNUAN NG GORDON HEIGHTS NATIONAL HIGH SCHOOL