21/07/2026
YL: "BLOCKED" 🚫📱
Ang bilis nating mag-block ng tao kapag nasaktan tayo o kapag naging "ex" natin. Pero bakit pagdating sa kasalanan at maling gawi, ang hirap nating i-block? Madalas, binibigyan pa natin ng VIP pass sa buhay natin.
Tandaan natin ito: "You cannot defeat what you continue to entertain."
Hindi gagana ang gamot kung ayaw mong alisin ang sanhi ng sakit.
Hindi mo pwedeng ipagdasal na alisin ng Diyos ang temptation kung ikaw mismo ang lumalapit dito. Ang tunay na repentance ay pagtalikod—ang pagsasara ng access sa kasalanan.
Sabi sa James 4:7:
"Submit yourselves, then, to God. Resist the devil, and he will flee from you."
Surrender comes first before victory.
Bago mo kayang labanan ang tukso, kailangan mo munang isuko ang puso mo sa Diyos. The more we surrender to Him, mas hihina ang hila ng mali.
Gusto mo ba ng tunay na kalayaan?
Freedom is not found in running away from church. Freedom is found in running toward Jesus daily.
Oras na para mag-Permanent Block sa mga bagay na naglalayo sa atin sa Kanya. Turn on the "Open Access" for Jesus today!