05/01/2026
UNANG ARAW NG TRABAHO SA 2026
Hindi pa man ako nagsisimula bilang Regional Director ng Philippines Union of Rights for Person with Disabilities (PURPWD)napag utusan na hahaha TRABAHO NA TAYO ! para sa PWD
50 Members mula sa hanay ng mga may kapansanan sa Olongapo ang posibleng makatanggap ng LIVELIHOOD PROGRAM na Burger at Fishball Kikiam Store , binubuo po ito ng 10 groups katumbas ng limang miyembro kada grupo na tatanggap ng mga nasa larawan :) mula sa sa Programang HANAPBUHAY AT KABUHAYAN para sa mga may Kapansanan (HAKKAP) Hindi panandaliang Social Pension lang" na iminungkahi ng inyong lingkod. Gusto ko kc hanapbuhay ang ibigay para maitayo ng may kapansanan ang kanyang dignidad bilang tao at mamuhay ng hindi nanlilimos sa kalsada higit sa lahat makapag hanap buhay siya ng marangal ng may maibili ng gamot at pagkain ng hindi aasa sa Social Pension ng Gobyerno.
Isasagawa ang evaluation sa susunod na linggo. ANG KIKITAIN ng Grupo ay para sa Grupo Hindi para sa akin oh sa kanino man, tuturuan tayo sa simpleng financial management at paraan ng pagnenegosyo
PAALALA : Hindi po TANGGAPAN ng Gobyerno ang PUR-PWD at OFPWD mga SEC Registered po ang mga yan NGO o Non Government Organzation kung maituturing :)
Ang lahat ng pangangailangan ay ibibigay sa ma aaproved base saaming evaluation or assessment FIRST FIFTY MEMBERS muna po tayo ang counterpart ng Grupo at ang pwesto kung saan sila mag nenegosyo pwde sa harap ng School, Brgy Hall or sa mismo nilang kabahayan :)
JESSIE SIBUG GONZALES
Director