25/04/2026
Minsan ba nakararanas ka na naging komportable ka na sa routine mo, pero deep down alam mo na may mas maganda pang plano si God para sa’yo? Madali kasing mahulog sa sitwasyon na “sakto lang” ang ginagawa at sumusunod lang sa kung ano ang kailangan, ginagawa lang ang pinakamadali, at nananatili lang kung nasaan ka na ngayon. Pero ngayon, gusto naming itanong sa’yo: Bakit ka makukuntento sa “sakto lang” o bare minimum, kung gusto naman ni God na lumago ka at huwag manatiling nakatigil o stagnant?
Ang stagnation ay ang pagkakaroon ng kaunti o walang paglago, pag-unlad, o paggalaw—kadalasan ay dahil sa kawalan ng aktibidad o pagiging tamad. At ito ay kabaligtaran ng plano ni God para sa atin. Mula pa noong una, ginawa niya tayo para umunlad, palalimin ang ating relasyon sa kanya, maging katulad ni Kristo, at makapagbigay ng magandang epekto sa mga tao sa paligid natin. Kapag pinipili nating ibigay lang ang pinakamababa o sapat lang, napapalampas natin ang layunin, ligaya, at pagbabagong handa niyang ibigay sa bawat isa sa atin. Hindi laging madali ang paglago, at madalas ay kailangan nating lumabas sa ating comfort zone, pero ito ang daan patungo sa buhay na inilaan niya para sa atin.✨
💬WHAT TO EXPECT:
• Discover the kind love that God gives us and has given us.
• Engage in fun, meaningful, and real conversations
• Connect with youth who encourage and support each other.
• Learn how God-centered relationships can truly make you feel loved and appreciated.
❌ No filters
❌ No fake friends
❌ No bullies
✅ God-centered friendships
📌 DON’T FORGET:
🗓 April 27 (Monday)
⏰ 9:00 PM ONWARDS
🎯 Exclusive: Youth (Ages 14–22 only)
💻 How to join: Simply click the Google Meet Link:
👉 meet.google.com/uuw-vsap-ufn
Huwag palampasin ang ating youthtalk series para ma-refresh ang ating pananaw at puso. Sama-sama tayong lumago at kilalanin ang tunay na halaga na ibinigay ng Diyos sa atin.