13/01/2023
Sama-Sayang Balita!
2 Timoteo 4:7
Pinagbuti ko ang aking pakikipaglaban, natapos ko na ang dapat kong takbuhin, at nanatili akong tapat sa pananampalataya.
Talaga namang ngiting TAGUMPAY ang Tropang Sama-Saya nang masungkit nila ang pagkapanalo bilang BEST DIRECTOR sa kanilang isinagawang Film Showing na naganap sa araw ng January 13, 2022, sa Function Hall ng Gordon College, Olongapo City.
Ang tropa ay gumawa ng documentary-film na tampok ang mga naisagawang mga aktibidad para sa mga Senior Citizens ng Barangay Banicain. Sa katunayan, lahat ng miyembro ng grupo ay nabigla sa anunsyo ng kanilang pagkapanalo sa kadahilanang hindi ito inaasahan. Ang titulo at pagkapanalo bilang BEST DIRECTOR ay para sa lahat ng miyembro ng BANICAIN:SAMA-SAYA na iniaalay naman nila sa TUNAY NA MAHALAGANG SENIOR CITIZENS.
Ang Documentary Film ay ating abangan ngayong January, na maipapalabas sa aming FB Page.