YIFI-Amatong

YIFI-Amatong Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from YIFI-Amatong, Youth Organization, Amatong, Odiongan.

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—ฌ๐—œ๐—™๐—œ ๐—–๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿญ๐Ÿญ๐˜๐—ต ๐—–๐—ผ๐—ผ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฑ๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ปMarch 31, 2026Ngayong Marso 31, 2026, g...
31/03/2026

๐—ฃ๐—ฎ๐—ฑ๐—ฎ๐˜†๐—ผ๐—ป ๐—ž๐—ฎ๐—ฏ๐—ฎ๐˜๐—ฎ๐—ฎ๐—ป: ๐—ฃ๐—ฎ๐—ด๐—น๐—ฎ๐—ต๐—ผ๐—ธ ๐—ป๐—ด ๐—ฌ๐—œ๐—™๐—œ ๐—–๐—ฎ๐˜๐—ต๐—ฒ๐—ฑ๐—ฟ๐—ฎ๐—น ๐˜€๐—ฎ ๐Ÿญ๐Ÿญ๐˜๐—ต ๐—–๐—ผ๐—ผ๐—ธ๐—ถ๐—ป๐—ด ๐—™๐—ฒ๐˜€๐˜๐—ถ๐˜ƒ๐—ฎ๐—น ๐—ป๐—ด ๐—ข๐—ฑ๐—ถ๐—ผ๐—ป๐—ด๐—ฎ๐—ป
March 31, 2026

Ngayong Marso 31, 2026, ginanap ang 11th Year Cooking Festival sa Bayan ng Odiongan bilang bahagi ng pagdiriwang ng Town Fiesta. Ang nasabing aktibidad ay pinangunahan ng LGU Odiongan sa pamamagitan ng Municipal Nutrition Office na pinamumunuan ni G. Nigel David, katuwang ang Local Youth Development Office na pinamumunuan ni Engr. Reden Escarilla, ang Local Youth Development Officer ng Odiongan.

Bandang alas-5 ng hapon hanggang gabi noong Marso 30, naging abala ang lahat ng Sangguniang Kabataan at mga opisyal ng barangay sa paggawa ng kani-kanilang mga dekorasyon para sa festival. Ang bawat barangay at youth organization ay binigyan ng tig-dalawang mesa upang pagandahin at lagyan ng mga palamuting yari sa niyog, bilang pagbibigay-diin sa niyog na pangunahing produkto ng Odiongan.

Ngayong araw, ganap na alas-8 ng umaga, pormal na sinimulan ang 11th Year Cooking Festival. Ang tampok na laban ngayong taon ay nakatuon sa dalawang kategorya: Ginataang Manok at Buko Salad. Ang bawat koponan ay binubuo ng apat na kalahok sa bawat kategorya.

Bilang pakikiisa at pagpapakita ng aktibong partisipasyon sa mga gawaing pangkomunidad, nakiisa ang mga kabataan mula sa IFI Cathedral โ€“ Odiongan. Para sa Ginataang Manok Category, ang mga kalahok ay sina Bro. Sanny Fajutrao, Bro. Rowyhen Flores, Bro. Juel Gayeta, at Sis. Andrea Mae Ferrancullo. Samantala, para sa Buko Salad Category, ang mga kalahok ay sina Bro. Reymark Pastrana, Sis. Shaina Jane Faa, Sis. Aleah Teologo, at Sis. Angelica Famaran.

Mahusay na ginampanan ng mga kalahok mula sa YIFI Cathedral Odiongan ang kanilang mga tungkulin sa bawat kategorya. Sa huli, itinanghal silang ikatlong puwesto (3rd Place) sa Ginataang Manok Category, samantalang hindi pinalad sa Buko Salad Category.

Gayunpaman, ang pangunahing layunin ng YIFI Cathedral โ€“ Odiongan ay hindi l

NOTOAN CLUSTER MONTHLY BIBLE STUDY ๐Ÿ—“๏ธMARCH 22,2026๐Ÿ“ BATIANO CHAPEL Theme: โ€œHumility as Strengthโ€๐Ÿ“– Philippians 2:1โ€“11Isan...
22/03/2026

NOTOAN CLUSTER MONTHLY BIBLE STUDY
๐Ÿ—“๏ธMARCH 22,2026
๐Ÿ“ BATIANO CHAPEL
Theme: โ€œHumility as Strengthโ€
๐Ÿ“– Philippians 2:1โ€“11

Isang mapagpalang pagtitipon muli ang ating naranasan sa ating Monthly Notoan Cluster Bible Study! ๐Ÿ’› Tunay ngang ipinakita sa atin na ang kababaang-loob ay hindi kahinaan, kundi isang tunay na lakas na nagmumula sa Panginoon.

Lubos po kaming nagpapasalamat kay Bro. Jonas Falogme sa pagiging tagapagsalita at sa pagbibigay-buhay sa ating tema. Ang kanyang mensahe ay nagsilbing gabay at inspirasyon upang mas maunawaan natin ang kahalagahan ng pagpapakumbaba sa ating buhay bilang kabataan. ๐Ÿ™

Maraming salamat din sa lahat ng kabataan ng Amatong na dumalo at nakiisa. Ang inyong presensya at pakikiisa ay patunay ng inyong patuloy na paglago sa pananampalataya. ๐Ÿค

Patuloy tayong magtulungan,at lumakad kasama ang Diyos sa bawat araw.

โœจ โ€œDAHIL SA NOTOAN, HINDI KA NAG IISA.โ€

PADAYON YIFI NOTOAN
PADAYON YIFI CATHEDRAL

๐—ฌ๐—œ๐—™๐—œ ๐—ก๐—ข๐—ง๐—ข๐—”๐—ก ๐—–๐—Ÿ๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›๐—Ÿ๐—ฌ ๐—•๐—œ๐—•๐—Ÿ๐—˜ ๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—ฌMarch 22, 2026, 1:00 PMSan Gabriel the Archangel Chapel, BaitoKanina, Marso 22, 2...
22/03/2026

๐—ฌ๐—œ๐—™๐—œ ๐—ก๐—ข๐—ง๐—ข๐—”๐—ก ๐—–๐—Ÿ๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐— ๐—ข๐—ก๐—ง๐—›๐—Ÿ๐—ฌ ๐—•๐—œ๐—•๐—Ÿ๐—˜ ๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—ฌ
March 22, 2026, 1:00 PM
San Gabriel the Archangel Chapel, Baito

Kanina, Marso 22, 2026 ganap na ika-1 ng hapon, matagumpay na isinagawa ng mga kabataan ng Cluster ng NOTOAN ang kanilang Bible Study sa Kapilya ni San Gabriel the Archangel sa Baito. Nagsimula ang pagtitipon sa isang masiglang Praise and Worship na pinangunahan ng YIFI Baito, na nagbigay ng masiglang awit at papuri bilang paghahanda sa gawain. Pagkatapos nito ay nagkaroon ng maiikling pananalita bilang welcome message para sa mga kabataang dumalo, na nagbigay ng mainit na pagtanggap sa lahat ng naroroon.

Kasunod nito, nagbahagi ang mga kabataan ng kanilang mga Bible verses at nagbigay ng sariling pagpapaliwanag kung paanong ang Diyos ay buhay at patuloy na nakikipamuhay sa kanila. Ang pagbabahagi ay naging makabuluhan sapagkat naipakita ng bawat isa ang kanilang pananampalataya at karanasan sa Diyos. Pagkatapos ng pagbabahagi, nagbigay ng words of challenge si Bro. Sanny Fajutrao, PYEC Cathedral President, kung saan hinamon niya ang mga kabataan ng NOTOAN Cluster na mas maging aktibo pa sa paglilingkod sa kabila ng mga kaguluhan sa bansa at sa mundo. Ipinahayag niya na hindi dapat tayo matinag, bagkus ay mas maging matatag at malakas sa pananampalataya.

Matapos nito, nagbigay ng pagsasabuhay sa tema ang panauhing pandangal na si Bro. Jonas Falogme, isang lider kabataan sa Katedral na nagsilbi bilang PYEC Vice President noong 2022โ€“2025 at kasalukuyang PYEC Assistant Treasurer para sa taong 2025โ€“2028. Siya ay isang YIFI professional na kasalukuyang nagtatrabaho sa SUWECO Inc. sa Tablas. Sa kanyang pagbabahagi, binigyang-buhay niya ang temang โ€œHumility as Strengthโ€ mula sa Filipos 2:1โ€“11, na nagpaalala sa lahat na ang pamumuno ay hindi kapangyarihan kundi tunay na paglilingkod.

Sa kabuuan, naging matagumpay ang Bible Study na dinaluhan ng 42 kabataan. Ang pagtitipon ay nagbigay ng inspirasyon, hamon, at pag-asa sa mga kabataan n

Join us for a meaningful and spirit-filled gathering at our Notoan Cluster Bible Study! ๐ŸคโœจLetโ€™s take this time to pause ...
17/03/2026

Join us for a meaningful and spirit-filled gathering at our Notoan Cluster Bible Study! ๐Ÿคโœจ
Letโ€™s take this time to pause from our busy lives and come together as one community to reflect, learn, and grow in Godโ€™s Word.

With the theme โ€œHumility as Strength,โ€ we are reminded that true leadership is not about power, but about serving others with love, compassion, and grace. As it says in Philippians 2:1โ€“11, we are called to follow Christโ€™s example of humility and selflessness in everything we do.

See youu, YIFI NOTOAN!๐Ÿฉต

01/03/2026
๐—ก๐—ข๐—ง๐—ข๐—”๐—ก ๐—–๐—Ÿ๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—•๐—œ๐—•๐—Ÿ๐—˜ ๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—ฌ๐˜“๐˜ฆ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฑ ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜“๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ (๐˜—๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข-๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ)โ€ 1 ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด 13:4February 22, 2026 - ...
22/02/2026

๐—ก๐—ข๐—ง๐—ข๐—”๐—ก ๐—–๐—Ÿ๐—จ๐—ฆ๐—ง๐—˜๐—ฅ ๐—•๐—œ๐—•๐—Ÿ๐—˜ ๐—ฆ๐—ง๐—จ๐——๐—ฌ
๐˜“๐˜ฆ๐˜ข๐˜ฅ๐˜ฆ๐˜ณ๐˜ด๐˜ฉ๐˜ช๐˜ฑ ๐˜ช๐˜ฏ ๐˜“๐˜ฐ๐˜ท๐˜ฆ (๐˜—๐˜ข๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฎ๐˜ถ๐˜ฏ๐˜ฐ ๐˜ฏ๐˜ข ๐˜ฏ๐˜ข๐˜ฌ๐˜ข-๐˜ถ๐˜จ๐˜ข๐˜ต ๐˜ด๐˜ข ๐˜ฑ๐˜ข๐˜จ-๐˜ช๐˜ฃ๐˜ช๐˜จ)โ€ 1 ๐˜Š๐˜ฐ๐˜ณ๐˜ช๐˜ฏ๐˜ต๐˜ฉ๐˜ช๐˜ข๐˜ฏ๐˜ด 13:4
February 22, 2026 - Amatong Chapel

Ngayong ika-22 ng Pebrero 2026, ganap na ika-1 ng hapon, isinagawa ang Cluster Bible Study ng NOTOAN Cluster sa Amatong Chapel. Dinaluhan ito ng 43 kabataan mula sa ibaโ€™t ibang kapilyang sakop ng Cluster.

Sa nasabing Bible Study, nabigyang-buhay ang mga baon na Bible verses ng mga kabataan na sinundan ng kanilang mga life testimonies. Ang mga kabataan ay masayang nagsalita sa harap at buong tapang na nagpahayag kung gaano kabuti ang Diyos at kung paanong kumilos Siya sa kanilang mga buhay. Ang mga life sharing o testimonies ay naging mahalagang bahagi ng gawain sapagkat dito higit na naipapahayag ang kadakilaan at kabutihan ng Diyos sa lahat ng tao.

Pagkatapos ng testimonies, binigyang-diin ni Bro. Sanny Fajutrao ang tema ng Bible Study na โ€œLeadership in Love (Pamumuno na naka-ugat sa pag-ibig)โ€ mula sa 1 Corinthians 13:4. Sa kanyang pagbabahagi, ipinaalala niya sa mga kabataan na ang pamumuno ay hindi nasusukat sa kung gaano kagaling ang isang tao, kundi sa kung gaano siya nagmamahal.

Padayon YIFI - Notoan Cluster

Magandang araw/gabi po sa lahat. Isa sa ating kapwa kabataan, Nerlyn Gabute, ay kasalukuyang humihingi ng tulong pinansy...
11/11/2025

Magandang araw/gabi po sa lahat. Isa sa ating kapwa kabataan, Nerlyn Gabute, ay kasalukuyang humihingi ng tulong pinansyal para sa kanyang operasyon sa gallstone (bato sa apdo) na kailangang maisagawa sa lalong madaling panahon sa Maynila.

Kahit maliit na halaga po ay napakalaking tulong na para sa kanya. Sama-sama nating ipakita ang pagmamalasakit at pagmamahal sa kapwa sa pamamagitan ng pagtulong sa kanya sa abot ng ating makakaya. ๐Ÿ™๐Ÿ’–

๐Ÿ“ฑ GCash Number: 0970 839 3167
Recipient: Nerlyn Gabute

Maraming salamat po sa lahat ng magbibigay ng tulong at dasal. Nawaโ€™y gantimpalaan po kayo ng Diyos nang higit pa sa inyong kabutihan. ๐Ÿ™๐Ÿ’›

Address

Amatong
Odiongan

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when YIFI-Amatong posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Share