01/09/2026
๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐๐
Ang Local Youth Development Office, kasama ang Sangguniang Kabataan Federation ng Odiongan, ay taos-pusong nagpapasalamat sa lahat ng naging bahagi at katuwang sa matagumpay na pagdaraos ng Municipal Linggo ng Kabataan 2026.
Lubos ang aming pasasalamat sa Pamahalaang Lokal ng Odiongan, sa pamumuno ng ating mahal na Mayor, Hon. Roger Q. Fodra, Jr., kasama ang Sangguniang Bayan ng Odiongan, sa pamumuno ni Hon. Michael Arevalo, sa kanilang patuloy na suporta sa programa ng kabataan.
Taos-puso rin kaming nagpapasalamat kina Congressman Budoy Madrona, Governor Trina Firmalo-Fabic, sa presensya din ni SP Ricmel Falqueza, at sa Municipal Child Protection Council, Odiongan Public Information Office, Odiongan Municipal Police Station, Odiongan Health Unit sa kanilang mahalagang suporta at pakikiisa. Sa ating mga Indak Sayaw participants at Candidates, maraming salamat sa pagbibigay kulay sa ating programa.
Maraming salamat din sa Odiongan North Central Elementary School, Barangay Batiano, at SK Batiano sa kanilang mainit na pagtanggap at pagiging bahagi.
Sa aming mga Local Youth Development Council, mga youth organisasyon sa paaralan at community at sa lahat ng 25 barangay ng Odiongan, maraming salamat sa inyong masigla at buong-pusong pakikiisa. Sa ating LNK Committee, sa lahat ng SK Chairperson, kayo ang nagbigay-kulay, sigla, at buhay sa ating mga gawain.
Sa ating mga door prize sponsors, tagapagsalita, hurado, katuwang, at partners, maraming salamat sa inyong oras, talento, suporta, at walang sawang pagtulong. Kayo ay mahalagang bahagi ng tagumpay ng Municipal Linggo ng Kabataan 2026.
Ang tagumpay na ito ay hindi lamang tagumpay ng isang tanggapan o organisasyon, kundi tagumpay ng buong kabataan at buong pamayanan ng Odiongan.
Muli, maraming, maraming salamat sa inyong lahat!
Sa Diyos ang pinakamataas na papuri at kapurihan. ๐๐