Sangguniang Kabataan - Tawiran

Sangguniang Kabataan - Tawiran Official page of Sangguniang Kabataan of Tawiran, Obando, Bulacan.

๐Ÿ“ง [email protected]

12/06/2026
10/06/2026

๐‘ป๐‘ผ๐‘ณ๐‘ถ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ซ๐‘ผ๐‘ต๐‘ถ๐‘ต๐‘ฎ: ๐‘บ๐‘ช๐‘ฏ๐‘ถ๐‘ณ๐‘จ๐‘น๐‘บ๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ท ๐‘ท๐‘น๐‘ถ๐‘ฎ๐‘น๐‘จ๐‘ด ๐‘ญ๐‘ถ๐‘น ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ช๐‘ถ๐‘ด๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฎ 4๐‘ป๐‘ฏ ๐’€๐‘ฌ๐‘จ๐‘น ๐‘ช๐‘ถ๐‘ณ๐‘ณ๐‘ฌ๐‘ฎ๐‘ฌ

Kung ikaw ay incoming 4th year College para sa taong 2026-2027, may general average na 85% pataas, walang kasalukuyang scholarship at naninirahan sa Lungsod ng Meycauayan, Bayan ng Marilao at Bayan ng Obando, mag-register na sa link o i-scan ang QR Code para sa Tulong-Dunong scholarship Program handog ni Cong. Linabelle Villarica!

Registration Link: https://forms.gle/oJMSZtF1HFdqdxjk8

Paalala: Limitado lamang ang bilang ng mga slot at susundin ang patakarang FIRST COME, FIRST SERVED.

Siguraduhin din na tama ang School Year (2026-2027) na ia-upload sa form.

Deadline ng pagpaparehistro: Hunyo 12, 2026, Biyernes (12:00 NN)

Huwag palampasin ang oportunidad na maging LV Scholar, apply na!

Malugod na pagbati sa ating nagtapos mula sa Arellano University - Jose Rizal Campus, Mr. Harvey Y. Francisco!๐ŸŽ“โœจAng iyon...
10/06/2026

Malugod na pagbati sa ating nagtapos mula sa Arellano University - Jose Rizal Campus, Mr. Harvey Y. Francisco!๐ŸŽ“โœจ

Ang iyong tagumpay ay patunay ng iyong sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-abot ng iyong mga pangarap. Sa kabila ng mga pagsubok, nanatili kang matatag at hindi sumuko.

Lubos ang pasasalamat ng Sangguniang Kabataan ng Tawiranโ€“sa pangunguna ni SK Chairman Mon Dela Cruz sa iyong patuloy na pagbibigay inspirasyon sa ating kabataan at komunidad. Ipinagmamalaki namin ang iyong tagumpay at ang iyong patuloy na pagsusumikap para sa mas magandang kinabukasan.

Nawaโ€™y magsilbi itong panibagong simula sa mas marami pang oportunidad at tagumpay na darating sa iyong buhay.

Muli, pagbati sa iyo. Padayon! ๐Ÿ’™

Malugod na pagbati sa ating mga nagsipagtapos mula sa Bulacan Polytechnic College - Obando Campus!๐ŸŽ“โœจAng inyong tagumpay ...
10/06/2026

Malugod na pagbati sa ating mga nagsipagtapos mula sa Bulacan Polytechnic College - Obando Campus!๐ŸŽ“โœจ

Ang inyong tagumpay ay patunay ng inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-abot ng inyong mga pangarap. Sa kabila ng mga pagsubok, nanatili kayong matatag at hindi sumuko.

Lubos ang pasasalamat ng Sangguniang Kabataan ng Tawiranโ€“sa pangunguna ni SK Chairman Mon Dela Cruz sa inyong patuloy na pagbibigay inspirasyon sa ating kabataan at komunidad. Ipinagmamalaki namin ang inyong tagumpay at ang patuloy ninyong pagsusumikap para sa mas magandang kinabukasan.

Nawaโ€™y magsilbi itong panibagong simula sa mas marami pang oportunidad at tagumpay na darating sa inyong buhay.

Muli, pagbati sa ating mga graduates. Padayon! ๐Ÿ’™

Buong pusong binabati ng Sangguniang Kabataan ng Tawiran si Mr. Franz Jerby Delos Santos sa matagumpay na pagpasa sa Lic...
10/06/2026

Buong pusong binabati ng Sangguniang Kabataan ng Tawiran si Mr. Franz Jerby Delos Santos sa matagumpay na pagpasa sa Licensure Examination for Professional Teachers (LPT)! ๐Ÿง‘โ€๐Ÿซ

Ang iyong dedikasyon, pagsisikap, at tiyaga ay tunay na nagbunga. Nawaโ€™y magsilbi kang inspirasyon sa mga kabataang Tawireรฑos na patuloy na mangarap, magsumikap, at maniwala sa kanilang kakayahan.

Nawaโ€™y maging simula ito ng mas marami pang tagumpay sa iyong propesyon at bokasyon bilang isang g**o.

Muli, taos-pusong pagbati at mabuhay ka, Mr. Franz Jerby! ๐ŸŽ“โœจ

Malugod na pagbati sa ating mga nagsipagtapos mula sa Bulacan State University - Meneses Campus!๐ŸŽ“โœจAng inyong tagumpay ay...
10/06/2026

Malugod na pagbati sa ating mga nagsipagtapos mula sa Bulacan State University - Meneses Campus!๐ŸŽ“โœจ

Ang inyong tagumpay ay patunay ng inyong sipag, tiyaga, at dedikasyon sa pag-abot ng inyong mga pangarap. Sa kabila ng mga pagsubok, nanatili kayong matatag at hindi sumuko.

Lubos ang pasasalamat ng Sangguniang Kabataan ng Tawiranโ€“sa pangunguna ni SK Chairman Mon Dela Cruz sa inyong patuloy na pagbibigay inspirasyon sa ating kabataan at komunidad. Ipinagmamalaki namin ang inyong tagumpay at ang patuloy ninyong pagsusumikap para sa mas magandang kinabukasan.

Nawaโ€™y magsilbi itong panibagong simula sa mas marami pang oportunidad at tagumpay na darating sa inyong buhay.

Muli, pagbati sa ating mga graduates. Padayon! ๐Ÿ’™

Maligayang Kaarawan po, Kap. Manuel Valeda! ๐ŸŽ๐ŸŽ‚Buong pusong pagbati mula sa Sangguniang Kabataan ng Tawiran. Nawaโ€™y patul...
10/06/2026

Maligayang Kaarawan po, Kap. Manuel Valeda! ๐ŸŽ๐ŸŽ‚

Buong pusong pagbati mula sa Sangguniang Kabataan ng Tawiran. Nawaโ€™y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, lakas, at karunungan sa inyong paglilingkod sa ating barangay. Maraming salamat po sa inyong dedikasyon at pagmamahal sa ating komunidad.

Muli, maligayang kaarawan po at nawaโ€™y maging masaya at makabuluhan ang inyong espesyal na araw! ๐ŸŽ‰๐ŸŽ‚

03/06/2026

TULONG-DUNONG SCHOLARSHIP PROGRAM

Magandang balita para sa mga kabataang nangangarap makapagtapos ng kolehiyo!

Handog ni Cong. Linabelle Ruth Villarica ang Tulong-Dunong Scholarship Program para sa mga kwalipikadong mag-aaral na naninirahan sa Lungsod ng Meycauayan, Bayan ng Marilao at Bayan ng Obando.

Kung ikaw ay 1st year College para sa taong 2025-2026, may general average na 85% pataas at walang kasalukuyang scholarship, mag-register na sa link na ito o i-scan ang QR Code:
https://forms.gle/HH5vhvFAG5v7V6iV6

Paalala: Limitado lamang ang bilang ng mga slot at susundin ang patakarang FIRST COME, FIRST SERVED.

Deadline ng pagpaparehistro: Hunyo 5, 2026, Biyernes (12:00 NN)

Huwag palampasin ang oportunidad na maging LV Scholar, apply na!

02/06/2026

๐Ÿ“ข ROAD UPDATE | Tawiran Savanna

Magandang balita po sa ating mga motorista at residente. Naisaayos na po ang mga poste na nagdulot ng abala at pagbagsak kahapon sa Savanna, Tawiran.

Maaari na pong makadaan ang mga sasakyan sa nasabing kalsada.

Maraming salamat po sa inyong pang-unawa at pakikiisa habang isinasagawa ang pag-aayos. Patuloy po tayong mag-ingat sa pagbiyahe para sa kaligtasan ng lahat.

Address

Tawiran, Bulacan
Obando

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Sangguniang Kabataan - Tawiran posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Sangguniang Kabataan - Tawiran:

Share