20/08/2026
IN PHOTOS: | August 19, 2026
Muling naglunsad ang aming organisasyon ng pamamahagi ng hot meal at tinapay para sa mga residente ng Matictic Riverside, Norzagaray, Bulacan, isang simpleng meryenda na nagsilbing pampainit ng sikmura at pampalakas ng loob sa gitna ng malamig at maulang panahon.
Sa mga nagnanais pong magpaabot ng tulong kahit nasa sariling tahanan nyo po kayo ay maaari po kayong makipag-ugnayan sa aming page. Ang inyong suporta ang susi upang maging tuloy-tuloy ang pag-aabot ng tulong at ngiti sa bawat Garayeño ng ating bayan. Maraming salamat po sa inyong pakikiisa! 🩷💙
Kaunting Paalala:
Kung kayo po ay naapektuhan o nangangailangan ng saklolo dahil sa walang tigil na ulan dulot ng Bagyong Neneng, huwag po sanang mahiyang lumapit sa aming organisasyon. Handa kaming makinig at umalalay upang maiparating agad ang inyong mga pangangailangan sa kinauukulan.
Stay safe and keep dry, everyone!🙏