GABAY GARAY

Directions

GABAY GARAY Contact information, map and directions, contact form, opening hours, services, ratings, photos, videos and announcements from GABAY GARAY, Non-Governmental Organization (NGO), Bigte, Norzagaray.

VISION

"To be inclusive and empowered group of volunteers that will implement programs and activities to community that is driven by compassion, empathy, equity and collective progress." MISSION

"We commit ourselves to uplift the community by providing inclusive and people-centered program in education, health, livelihood, environmental care, social justice and disaster response - regardless of gender, age, and social status which could be our way of helping Norzagaray."

πŸ’™ MULA SA ISANG MAINit na pagtanggap, HATID AY NUTRISYON, PAG-ASA, AT MALASAKIT! 🍲✨Maraming salamat po, DepEd Caimino El...
04/09/2026

πŸ’™ MULA SA ISANG MAINit na pagtanggap, HATID AY NUTRISYON, PAG-ASA, AT MALASAKIT! 🍲✨

Maraming salamat po, DepEd Caimino Elementary School, sa inyong mainit na pagtanggap at makabuluhang mensahe. πŸ₯ΉπŸ’™

Sa pamumuno ng ating Pangalawang Punong Bayan, Hon. VM Giulius Samson, patuloy ang GABAY GARAY Volunteers sa pagdadala ng mga programang tunay na may puso para sa ating mga kabataan.

Sa Kusina ni G, bawat mainit na pagkain ay may kasamang malasakit, pag-asa, at mensaheng: β€œHindi kayo nag-iisa.” πŸ²πŸ’™

Dahil ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nasusukat sa dami ng naihahatid, kundi sa dami ng pusong naaabot at pangarap na napapalakas. 🧑

Gabay ngayon. Pag-asa para bukas. KARAMAY SA BAWAT LAKBAY! πŸ’™πŸ§‘

πŸŽ’πŸ’™πŸ§‘ GABAY SA PAGKATUTO, GABAY SA PANGARAP! πŸ§‘πŸ’™πŸŽ’Naniniwala ang GABAY GARAY na ang bawat bata ay nararapat magkaroon ng sap...
29/08/2026

πŸŽ’πŸ’™πŸ§‘ GABAY SA PAGKATUTO, GABAY SA PANGARAP! πŸ§‘πŸ’™πŸŽ’

Naniniwala ang GABAY GARAY na ang bawat bata ay nararapat magkaroon ng sapat na gamit, masustansyang pagkain, at suporta mula sa komunidad upang mas maging handa silang matuto at mangarap. πŸ“š

Kasama ang Pangalawang Punong Bayan Hon. Vice Mayor VM Giulius Samson sa paghahatid ng PagbaBAGo: A Million Learners sa ating mga mag-aaral mula sa Baraka, Bangkal, Matictic Coral, at Matictic Integrated School. πŸŽ’at isang malaking karangalan para sa Gabay Garay Volunteers na maging parte ng napakagandang proyekto na eto.

Kasabay ng school bags at school supplies, raincoat, at dental kits, patuloy ding umaalalay ang Kusina ni G sa pamamagitan ng mainit at masustansyang pagkain. πŸ²πŸ’™

Muli po Maraming Salamat sa Office of the Vice President of the Philippines sa programang The PagbaBAGo: A Million Learners at sa tiwala na maging bahagi kami ng misyong ito. πŸ€πŸ‡΅πŸ‡­

Dahil ang bawat bag na ating naiaabot ay hindi lamang naglalaman ng school supplies, dala nito ang pag-asa, pagkakataon, at mensaheng may mga taong naniniwala sa pangarap ng bawat bata. πŸ’™πŸŒŸ

GABAY GARAY Karamay sa Bawat Lakbay. πŸ§‘πŸ’™









Maraming salamat po, DepEd Tayo - Bitungol Elementary School, sa inyong mainit na pagtanggap at sa napakagandang mensahe...
29/08/2026

Maraming salamat po, DepEd Tayo - Bitungol Elementary School, sa inyong mainit na pagtanggap at sa napakagandang mensahe. πŸ₯ΉπŸ’™

Sa pamumuno ng ating Pangalawang Punong Bayan Hon. VM Giulius Samson, ang GABAY GARAY Volunteers ay patuloy na magiging KARAMAY SA BAWAT LAKBAY! lalo na sa paghahatid ng nutrisyon, pag-asa, at pagkakataon para sa ating mga kabataan. πŸ²πŸ“šπŸ’™

Ang bawat ngiti, pasasalamat, at munting yakap ng ating mga mag-aaral ay malaking inspirasyon para ipagpatuloy ang mga programang may malasakit at tunay na nakatutulong sa ating komunidad.

Hindi lamang pagkain ang nais naming ihatid, kundi ang mensaheng hindi kayo nag-iisa, may mga taong naniniwala at handang umalalay sa inyong mga pangarap.

Maraming salamat, DepEd Tayo - Bitungol Elementary School
Hanggang sa susunod na Gabay at G sa serbisyo! πŸ’™πŸ§‘







🌧️ Sa kabila ng patuloy na masamang panahon, patuloy ang paglilingkod! πŸ₯£β€οΈ sa pangunguna ng ating Pangalawang Punong Bay...
10/08/2026

🌧️ Sa kabila ng patuloy na masamang panahon, patuloy ang paglilingkod! πŸ₯£β€οΈ sa pangunguna ng ating Pangalawang Punong Bayan, Vice Mayor VM Giulius Samson tayo po ay muling nakibahagi sa pagtulong para sa ating mga kababayan sa pamamagitan ng pamamahagi ng mainit at masustansyang arroz caldo sa Brgy. Minuyan Sitio MBR at Brgy. San Mateo Sitio Ipo

Sa ganitong panahon, isang mainit na pagkain ay hindi lamang pantawid-gutom, ito ay simpleng paraan ng pagpaparamdam na may mga taong handang umalalay at kumalinga. 🀝❀️

Maraming salamat sa lahat ng volunteers at karamay na patuloy na naglalaan ng oras, lakas at malasakit para sa ating mga kababayan.

Karamay sa bawat pagsubok. Tulong sa bawat pagkakataon.
Dahil sa panahon ng pangangailangan, hindi tayo nag-iiwanan. πŸ‡΅πŸ‡­β€οΈ








Sa ngalan ng buong Gabay Garay Society Inc., kami po ay taos-pusong nakikiramay sa aming minamahal na Pangulo Bb. Karen ...
22/07/2026

Sa ngalan ng buong Gabay Garay Society Inc., kami po ay taos-pusong nakikiramay sa aming minamahal na Pangulo Bb. Karen Viola at sa kanyang buong pamilya sa pagpanaw ng kanyang mahal na Ama Hepe Bruno Viola.

Sa panahon ng pagdadalamhati, nawa'y inyong matagpuan ang lakas, kapayapaan, at pag-asa sa gitna ng kalungkutan. Ang alaala ng isang mabuting ama ay mananatiling buhay sa puso ng kanyang mga mahal sa buhay at magsisilbing gabay magpakailanman.

Kaisa ninyo kami sa panalangin para sa kanyang kaluluwa. Nawa'y pagkalooban siya ng Panginoon ng walang hanggang kapahingahan.

πŸ•ŠοΈ Rest in Peace.

07/06/2026

Isang makabuluhang araw ng Linggo ang ating ginugol sa pakikiisa sa diwa ng bayanihan at malasakit para sa edukasyon, Sa Brigada Eskwela 2026 : DepEd Tayo - Timoteo Policarpio Memorial Elementary School

Ang aktibidad na ito ay pangungunahan ng Guardian GFCI Chairman Mr. Menzi Villanueva sa pakikipagtulungan ng SerVICE Caravan: Kusina ni G na handog ng ating Pangalawang Punong Bayan na si VM Giulius Samson , kasama ang GABAY GARAY sa Komunidad.

🍲 Maghahandog ng mainit na lugaw para sa mga volunteers, at mga kababayang makikibahagi sa paghahanda ng paaralan para sa panibagong taon ng pag-aaral.

πŸ’™πŸ§‘ Sama-sama nating ipakita ang tunay na diwa ng pagkakaisa at bayanihan para sa mas maayos, mas ligtas, at mas handang paaralan para sa ating mga mag-aaral.



πŸ’™πŸ§‘πŸ“š

πŸ“šπŸ’™πŸ§‘ MAKABULUHANG PAGSISIMULA NG BUWAN NG HUNYO! πŸ§‘πŸ’™πŸ“šSa pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026, isang makabuluhang pagsisimula ...
02/06/2026

πŸ“šπŸ’™πŸ§‘ MAKABULUHANG PAGSISIMULA NG BUWAN NG HUNYO! πŸ§‘πŸ’™πŸ“š

Sa pakikiisa sa Brigada Eskwela 2026, isang makabuluhang pagsisimula ng buwan ng Hunyo ang ating naipamalas sa pamamagitan ng bayanihan at sama-samang pagkilos para sa kapakanan ng ating mga mag-aaral.

Kasama ang ating Pangalawang Punong Bayan na si VM Giulius Samson, naghatid tayo ng mainit na lugaw mula sa SerVice Caravan: Kusina ni G bilang munting handog at pasasalamat sa mga g**o, magulang, volunteers, at iba pang kababayang buong pusong nakiisa sa paglilinis at paghahanda ng ating mga paaralan para sa panibagong taon ng pag-aaral.

πŸ“ Mga paaralang ating binisita:
🏫 DepEd Tayo - Norzagaray National High School
🏫 DepEd Tayo - Timoteo Policarpio Memorial Elementary School
🏫 DepEd Tayo - Apugan Elementary School

Ang simpleng handog na ito ay sumasalamin sa diwa ng pagkakaisa, malasakit, at pagtutulungan na siyang pundasyon ng isang matagumpay na Brigada Eskwela.

πŸ’™πŸ§‘ Sama-sama para sa edukasyon. Sama-sama para sa kinabukasan ng ating kabataan. πŸ§‘πŸ’™





πŸ™πŸ’™πŸ§‘ 𝗠𝗔π—₯π—”π— π—œπ—‘π—š π—¦π—”π—Ÿπ—”π— π—”π—§ 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—‘π—š π— π—”π—§π—”π—šπ—¨π— π—£π—”π—¬ 𝗑𝗔 π— π—˜π——π—œπ—–π—”π—Ÿ π— π—œπ—¦π—¦π—œπ—’π—‘! πŸ§‘πŸ’™πŸ™Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ...
31/05/2026

πŸ™πŸ’™πŸ§‘ 𝗠𝗔π—₯π—”π— π—œπ—‘π—š π—¦π—”π—Ÿπ—”π— π—”π—§ 𝗦𝗔 π—œπ—¦π—”π—‘π—š π— π—”π—§π—”π—šπ—¨π— π—£π—”π—¬ 𝗑𝗔 π— π—˜π——π—œπ—–π—”π—Ÿ π— π—œπ—¦π—¦π—œπ—’π—‘! πŸ§‘πŸ’™πŸ™

Isang taos-pusong pasasalamat sa lahat ng naging bahagi ng ating Gabay sa Kalusugan Medical Mission na ginanap sa Munuyan Covered Court, Brgy. Minuyan, Norzagaray, Bulacan.

Sa pamamagitan ng pagtutulungan ng Board of Trustees of the Veterans of World War II , Office of the Vice Mayor VM Giulius Samson, GABAY GARAY Society Inc., mga volunteer doctors, medical staff, at mga masisipag na volunteers, at mga biyayang ibinahagi ng ating mga sponsors, Matagumpay nating naihatid ang libreng serbisyong medikal, mga gamot at 10 piraso ng walker sa ating mga kababayang nangangailangan.

Hindi matatawaran ang kasiyahang makita ang mga ngiti at pasasalamat ng ating mga kababayan na nabigyan ng pagkakataong makapagpatingin at makatanggap ng tulong medikal. Ito ay patunay na kapag nagkakaisa ang komunidad, mas marami tayong buhay na naaabot at natutulungan.

Maraming salamat din sa Pamunuan ng Barangay Minuyan Norzagaray Bulacan sa pangunguna ni Hon. Marcelo R. Marcial Jr., sa kanilang suporta at pakikiisa upang maging maayos at matagumpay ang programang ito.

Lubos din naming pinasasalamatan ang Kusina Ni G sa mainit at masarap na lugaw na nagsilbing dagdag-lakas ng ating mga kababayan at volunteers at taos-puso rin ang aming pasasalamat sina Ms. Saira P. Borja ( Casa de Borja, Patar, Bolinao, Pangasinan) para sa masarap na tanghalian ng ating volunteers, at kay Kag. Xyrus Wynztr Nicolas Silvestre para sa inuming tubig na nagbigay-ginhawa sa lahat ng dumalo at naglingkod.

Patuloy nating isabuhay ang malasakit, pagkakaisa, at paglilingkod para sa kapwa. Hangad namin na mas marami pang ganitong programa ang maihatid sa iba't ibang komunidad.

❀️ Ang tunay na serbisyo ay hindi lamang nakikita sa salita, kundi sa pagkilos para sa kapakanan ng iba.

Address

Bigte
Norzagaray
3013

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when GABAY GARAY posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share