11/06/2026
MALIGAYANG ARAW NG KALAYAAN, PILIPINAS! ๐ต๐ญ
Ngayong ika-12 ng Hunyo 2026, ginugunita ng sambayanang Pilipino ang ika-128 anibersaryo ng Proklamasyon ng Kalayaan ng Pilipinas mula sa pananakop ng mga dayuhan.
Sa araw na ito, ating inaalala ang katapangan, sakripisyo, at pagmamahal sa bayan ng mga Pilipinong nagbigay-daan upang makamit ang kalayaan na tinatamasa natin ngayon. Nawa'y magsilbi itong paalala ng ating tungkulin na pangalagaan ang demokrasya, pagkakaisa, at kapakanan ng bansa para sa susunod na henerasyon.
Mabuhay ang sambayanang Pilipino. Mabuhay ang Republika ng Pilipinas.
Maligayang Araw ng Kalayaan!