11/05/2026
Sa makulay at matagumpay na pagdiriwang ng Kapistahan ng Brgy. Tanza noong May 9, 2026, taos-puso po kaming nagpapaabot ng aming pinakamalalim na pasasalamat sa lahat ng nagbigay ng tulong, suporta, oras, at pakikiisa upang maging tunay na masaya at makabuluhan ang okasyong ito.
Navotas City Cong. Toby Tiangco
Navotas City Mayor. John Rey Tiangco
Brgy. Tanza 1 kap. Solomon Noel B. Homoroc and brgy. kagawads..
Sa bawat ngiti ng mga bata, sigawan sa mga palaro, saya sa bawat aktibidad, at pagkakabuklod ng bawat isa, napatunayan nating buhay na buhay ang diwa ng bayanihan at pagmamahal sa ating komunidad.
Buong galak din naming kinikilala sa pangunguna ng aming kapatiran na Tau Gamma Phi, sa pakikipagtulungan ng "Jasmin Community Chapter", "Tanza Marikit Community Chapter", "Tanza Kaliwa Community Chapter", at "Navotas Polytechnic College Chapter" , na nagsama-sama upang makapaghatid ng saya at serbisyo sa mamamayan ng Brgy. Tanza Navotas City..
Sa lahat ng tumulong, sumuporta, nakiisa, at naging bahagi ng araw na ito—maraming maraming salamat po sa inyo, Ang tagumpay ng kapistahang ito ay tagumpay nating lahat.
Hanggang sa susunod na selebrasyon, sama-sama pa rin sa pagkakaisa, paglilingkod, at pagmamahal sa komunidad . Mabuhay ang Brgy. Tanza! Mabuhay ang mga Batang Navotas !!