16/05/2025
Ipinapaabot ng Plan International Pilipinas ang taos-pusong pasasalamat at pagbati sa pagpasa ng Republic Act No. 12199 o ang Early Childhood Care and Development (ECCD) System Act—isang makabuluhang tagumpay para sa karapatan at kapakanan ng bawat batang Pilipino.
Pinagtitibay ng batas na ito ang matagal na nating alam: Mahalaga ang mga unang taon ng isang bata.
Mula pagkasilang hanggang walong taong gulang, may karapatan silang lumaki sa ligtas, pantay, at mapag-arugang kapaligiran kung saan sabay na naibibigay ang pangangalaga, proteksyon, at de-kalidad na maagang edukasyon.
Malaking ambag ang RA 12199 sa katuparan ng pangarap na ito, dahil layunin nitong:
✅ Palakasin ang mga programa sa early childhood care and development (ECCD)
✅ Patibayin ang mandato ng mga LGU sa pagtatayo ng Child Development Center (CDC) offices para mas madaling maabot ang mga importanteng serbisyo ng mga nangangailangang sektor
✅ Siguruhin ang sapat na training at sertipikasyon ng mga child development teachers at workers
Nanawagan kami ng inklusibo, gender-responsive, at sapat na pondo sa pagpapatupad ng batas na ito, katuwang ang mga komunidad at civil society organizations. Dahil kapag namumuhunan tayo sa mga bata, namumuhunan tayo sa isang mas makatarungan at mas pantay na kinabukasan para sa lahat.