DepEd Navotas National High School Buklat Dalumat

Directions

DepEd Navotas National High School Buklat Dalumat Opisyal na Pamanuan sa Asignaturang Filipino ng Navotas National High School

SAYSAY WIKA Blg. 3PINAGMULAN NG WIKA Ang pinagmulan ng wika ay isa sa mga pinakamalaking misteryo sa kasaysayan ng tao. ...
14/08/2026

SAYSAY WIKA Blg. 3
PINAGMULAN NG WIKA

Ang pinagmulan ng wika ay isa sa mga pinakamalaking misteryo sa kasaysayan ng tao. Dahil walang naiwang pormal na rekord ang mga sinaunang tao ukol dito, ang mga dalubhasa at siyentipiko ay bumuo ng iba't ibang teorya batay sa pangkasaysayan, relihiyon, at siyentipikong pag-aaral.

Maaaring hatiin ang pinagmulan ng wika sa tatlong pangunahing kategorya:
โœ…Mitolohiya at Banal na Paniniwala,
โœ…Mga Teoryang Siyentipiko, at
โœ…Mga Teoryang Ginagaya sa Paligid.

1. Banal na Paniniwala (Divine Origin)
Ayon sa pananampalataya at mitolohiya ng iba't ibang kultura, ang wika ay ipinagkaloob ng isang Mataas na Nilalang o Diyos.

Biblya (Genesis 11:1-9 - Ang Tore ng Babel): Noong una ay iisa lamang ang wika ng tao. Dahil sa paghahangad ng tao na magtayo ng mataas na tore upang pantayan ang Diyos, binago at pinag-iba-iba ng Diyos ang kanilang mga wika upang hindi sila magkaintindihan, dahilan upang maghiwa-hiwalay sila sa buong mundo.

Mitolohiyang Hindu: Naniniwala silang ang wika ay ibinigay ng diyosang si Sarasvati (diyosa ng karunungan).

Mitolohiyang Ehipyo: Ipinagkaloob daw ng diyos na si Thoth ang wika at pagsusulat.

2. Mga Teoryang Ginagaya sa Paligid (Likas na Tunog)
Ang mga teoryang ito ay batay sa haka-haka na ang unang salita ng tao ay nagmula sa paggaya sa mga naririnig at nararamdaman sa paligid:

Teoryang Bow-Wow: Ang wika ay nagmula sa paggaya sa mga tunog ng kalikasan at hayop.

Halimbawa: "Tuktak" ng manok, "Aww-aww" ng a*o, "Tiktak" ng orasan.

Teoryang Ding-Dong: Nagmula sa paggaya sa mga tunog ng mga bagay na gawa ng tao o kapaligiran.

Halimbawa: "Klang-klang" ng kampana, "Broom-broom" ng sasakyan.

Teoryang Pooh-Pooh: Nagmula sa mga serye ng tunog na kusang naipapahayag ng tao kapag nakararamdam ng matinding emosyon (saya, sakit, takot, gulat).

Halimbawa: "Aray!" kapag nasaktan, "Aha!" kapag may naisip, "Ouch!"

Teoryang Yo-He-Ho: Ang wika ay nabuo mula sa tunog na nalilikha ng tao habang gumagamit ng pisikal na pwersa o lakas sa pagtatrabaho.

Halimbawa: Ang pag-ungal o pagbuntong-hininga kapag nagbubuhat ng mabigat.

Teoryang Ta-Ta: Nagmula sa paggaya ng dila at labi sa mga galaw ng kamay o kumpas ng katawan (mimetics).

Teoryang Ta-Ra-Ra-Boom-De-Ay: Nagmula sa mga tunog na nililikha sa mga ritwal, pagdarasal, o pag-aawitan ng mga sinaunang tao.

3. Teoryang Siyentipiko at Evolusyonaryo (Evolutionary View)
Sa larangan ng Linguistics at Anthropology, naniniwala ang mga siyentipiko na ang wika ay dumaan sa mahabang proseso ng ebolusyon:

Ebolusyon ng Katawan: Kasabay ng pag-unlad ng utak ng sinaunang tao (Homo sapiens), lumitaw din ang tamang hugis ng kanilang vocal tract (babagtingan, dila, labi) na nagbigay-daan upang makalikha ng mga komplikadong tunog.

Pangangailangan sa Sosyalisasyon: Dahil kailangang magtulungan ng mga sinaunang tao sa paghahanap ng pagkain (hunting and gathering) at pagtatanggol sa sarili, kailangan nilang bumuo ng pormal na sistema ng komunikasyon.

Walang iisang teorya ang ganap na nakapagpapatunay kung paano eksaktong nagsimula ang wika. Gayunpaman, pinaniniwalaan ng karamihan na ito ay pinagsamang pisyolohikal na kakayahan ng tao at pangangailangang panlipunan upang magkaintindihan.




PABATID I CANCELLED IN-PERSON CLASSES AND WORK-FROM-HOME FOR GOVERNMENT OFFICESAlinsunod sa Memorandum Circular No. 123 ...
09/08/2026

PABATID I CANCELLED IN-PERSON CLASSES AND WORK-FROM-HOME FOR GOVERNMENT OFFICES
Alinsunod sa Memorandum Circular No. 123 ng Office of the President, bukas, 10 AUGUST 2026 (Lunes), ALL LEVELS sa lahat ng pampubliko at pribadong paaralan sa Lungsod ng Navotas.
Ito po ay dahil sa maaaring tuloy-tuloy na pag-ulan dahil sa pinalakas na Southwest Monsoon o Habagat.
Lilipat po ang lahat sa alternative delivery mode (ADM), online/asynchronous o modular learning.
Samantala, ang mga tanggapan ng pamahalaan, kabilang ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas, ay magpapatupad ng work-from-home bukas. Ibig sabihin, sarado po ang mga opisina sa Navotas City Hall bukas bukod sa mga may kinalaman sa emergency services.
PAALALA | Narito po ang ating emergency numbers:
Hotline: 8281-1111
TXT JRT
Globe: 0917 521 8578
Smart: 0908 886 8578
Sun: 0922 888 8578
Mag-ingat po tayong lahat at manatiling alerto.
*ok

See less

๐–๐Ž๐‘๐Š-๐…๐‘๐Ž๐Œ-๐‡๐Ž๐Œ๐„ ๐…๐Ž๐‘ ๐†๐Ž๐•๐„๐‘๐๐Œ๐„๐๐“ ๐Ž๐…๐…๐ˆ๐‚๐„๐’, ๐€๐‹๐“๐„๐‘๐๐€๐“๐ˆ๐•๐„ ๐‹๐„๐€๐‘๐๐ˆ๐๐† ๐Œ๐Ž๐ƒ๐„๐’ ๐…๐Ž๐‘ ๐’๐‚๐‡๐Ž๐Ž๐‹๐’ ๐Ž๐ ๐€๐”๐†๐”๐’๐“ ๐Ÿ๐ŸŽ

Pursuant to Memorandum Circular No. 123, work-from-home arrangements in government offices shall be implemented in the National Capital Region and the following provinces on August 10, 2026. ๐”๐ง๐ฅ๐ž๐ฌ๐ฌ ๐จ๐ญ๐ก๐ž๐ซ๐ฐ๐ข๐ฌ๐ž ๐๐ข๐ซ๐ž๐œ๐ญ๐ž๐ ๐›๐ฒ ๐ญ๐ก๐ž๐ข๐ซ ๐ซ๐ž๐ฌ๐ฉ๐ž๐œ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐‹๐จ๐œ๐š๐ฅ ๐‚๐ก๐ข๐ž๐Ÿ ๐„๐ฑ๐ž๐œ๐ฎ๐ญ๐ข๐ฏ๐ž๐ฌ, ๐š๐ฅ๐ญ๐ž๐ซ๐ง๐š๐ญ๐ข๐ฏ๐ž ๐ฅ๐ž๐š๐ซ๐ง๐ข๐ง๐  ๐ฆ๐จ๐๐ž๐ฌ ๐Ÿ๐จ๐ซ ๐œ๐ฅ๐š๐ฌ๐ฌ๐ž๐ฌ ๐š๐ญ ๐š๐ฅ๐ฅ ๐ฅ๐ž๐ฏ๐ž๐ฅ๐ฌ ๐ข๐ง ๐ฉ๐ฎ๐›๐ฅ๐ข๐œ ๐š๐ง๐ ๐ฉ๐ซ๐ข๐ฏ๐š๐ญ๐ž ๐ฌ๐œ๐ก๐จ๐จ๐ฅ๐ฌ ๐ฌ๐ก๐š๐ฅ๐ฅ ๐ฅ๐ข๐ค๐ž๐ฐ๐ข๐ฌ๐ž ๐›๐ž ๐ข๐ฆ๐ฉ๐ฅ๐ž๐ฆ๐ž๐ง๐ญ๐ž๐ ๐ข๐ง ๐ญ๐ก๐ž๐ฌ๐ž ๐š๐ซ๐ž๐š๐ฌ ๐จ๐ง ๐ญ๐ก๐ž ๐ฌ๐š๐ฆ๐ž ๐๐š๐ญ๐ž:

๐Ÿ“ National Capital Region (NCR)
๐Ÿ“ Ilocos Sur
๐Ÿ“ La Union
๐Ÿ“ Zambales
๐Ÿ“ Bataan
๐Ÿ“ Rizal
๐Ÿ“ Cavite
๐Ÿ“ Batangas
๐Ÿ“ Occidental Mindoro
๐Ÿ“ Benguet
๐Ÿ“ Pangasinan
๐Ÿ“ Abra
๐Ÿ“ Tarlac
๐Ÿ“ Pampanga
๐Ÿ“ Oriental Mindoro
๐Ÿ“ Bulacan

Agencies involved in the delivery of basic and health services, disaster preparedness and response, and other vital services shall continue their operations and render the necessary services.

The suspension of work or adoption of alternative work arrangements for private companies and offices is left to the discretion of their respective heads.

09/08/2026

SAYSAY WIKA Blg. 2
Yugto sa Pagbabago ng Wikang Pambansa

TAGALOG (Batayan ng Wikang Pambansa)
1935 โ€“ Saligang Batas ng 1935 (Artikulo XIV, Seksyon 3), Dito Iniatas sa Kongreso ang paggawa ng mga hakbang upang bumuo at magpatibay ng isang wikang pambansa batay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika sa Pilipinas.

1936 โ€“ Batas Komonwelth Blg. 184, Itinatag naman ang Surian ng Wikang Pambansa (SWP) na may tungkuling mag-aral at magsuri ng mga wika sa Pilipinas upang pumili ng magiging batayan ng wikang pambansa.

1937 โ€“ Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134, Dito Ipinahayag ni Pangulong Manuel L. Quezon na ang TAGALOG ang gagamiting batayan ng Wikang Pambansa, batay sa naging rekomendasyon ng SWP.

1940 โ€“ Kautusang Tagapagpaganap Blg. 263, Ipinag-utos ang pagpapalimbag ng A Tagalog-English Vocabulary at Ang Balarila ng Wikang Pambansa. Ang naging epekto nito ay ang pagsisimula ng pormal na pagtuturo ng Wikang Pambansa sa lahat ng pampubliko at pampribadong paaralan simula noong Hunyo 19, 1940.

PILIPINO "LETRANG P" (Pagbuo ng Pambansang Identidad)
1959 โ€“ Kautusang Pangkagawaran Blg. 7 (Kagawaran ng Edukasyon), Ipinatupad ni Kalihim Jose E. Romero na ang Wikang Pambansa ay opisyal nang tatawaging "Pilipino". Ang layunin nito ay Bawasan ang rehiyonal na oryentasyon ng salitang "Tagalog" at bigyang-diin ang pambansang pagkakakilanlan ng wika.

FILIPINO "LETRANG F" (Pangkalahatan at Inklusibong Wika)
1973 โ€“ Saligang Batas ng 1973 (Artikulo XV, Seksyon 3, Talata 2), Isinaad na ang Batasang Pambansa ay dapat gumawa ng mga hakbang tungo sa paglinang at pormal na pagpapatibay ng isang panlahat na wikang pambansa na tatawaging "FILIPINO". Dito nagsimula ang pormal na transisyon mula "Pilipino" tungo sa mas inklusibong "Filipino".

1987 โ€“ Saligang Batas ng 1987 (Artikulo XIV, Seksyon 6 hanggang 9)

Seksyon 6: Pormal at ganap na pinagtibay na ang Wikang Pambansa ng Pilipinas ay Filipino. Habang ito ay nililinang, ito ay dapat payabungin at pagyamanin pa salig sa umiiral na mga wika sa Pilipinas at iba pang mga wika.

Seksyon 9: Itinatag ang Komisyon sa Wikang Filipino (KWF) sa pamamagitan ng Batas Republika Blg. 7104 (1991) upang palitan ang lumang Surian ng Wikang Pambansa (SWP).




SAYSAY WIKA Blg. 1 si Pangulong MANUEL LUIS QUEZON y MOLINASi Manuel Luis Quezon y Molina (na mas kilala bilang Manuel L...
08/08/2026

SAYSAY WIKA Blg. 1
si Pangulong MANUEL LUIS QUEZON y MOLINA

Si Manuel Luis Quezon y Molina (na mas kilala bilang Manuel L. Quezon) ay kinikilala bilang "Ama ng Wikang Pambansa" dahil sa kanyang naging malaking papel sa pagsusulong na magkaroon ng iisang wikang magbubuklod sa mga Pilipino.

Bago ang kanyang panunungkulan, wikang Ingles at Espanyol ang pangunahing ginagamit sa pamahalaan, at ang mga Pilipino ay nahahati sa mahigit 130 iba't ibang wika at diyalekto. Naranasan mismo ni Quezon ang hirap ng kawalan ng pambansang wika nang minsang pumunta siya sa Visayas at kinailangan pa niya ng interpreter (tagasalin) para makausap ang sarili niyang mga kababayan.

Mga Hakbang na Ginawa ni Quezon

Narito ang mga pangunahing dahilan at hakbang kung bakit sa kanya iginawad ang titulong ito:

โœ…Pagsusulong sa Saligang Batas: Malakas niyang sinuportahan ang paglalagay ng probisyon sa Saligang Batas ng 1935 (Artikulo XIV, Seksyon 3) na nag-uutos sa Kongreso na gumawa ng hakbang para magkaroon ng isang pambansang wika na ibabatay sa isa sa mga umiiral na katutubong wika.

โœ…Paglikha ng Surian ng Wikang Pambansa: Noong 1936, nilagdaan niya ang Batas Komonwelt Blg. 184 na nagtatag sa Surian ng Wikang Pambansa (SWP). Ang ahensyang ito ang naatasang mag-aral ng mga wika sa Pilipinas para pumili ng magiging batayan.

โœ…Pormal na Proklamasyon: Matapos ang masusing pag-aaral ng SWP (na binuo ng mga kinatawan mula sa iba't ibang rehiyon tulad nina Jaime de Veyra ng Samar-Leyte, Cecilio Lopez para sa Tagalog, at iba pa), napili ang Tagalog. Pormal itong idineklara ni Quezon bilang batayan ng Wikang Pambansa sa pamamagitan ng Kautusang Tagapagpaganap Blg. 134 noong Disyembre 30, 1937.

โœ…Karagdagang Kaalaman: Bilang pagpupugay sa kanyang kontribusyon, ang pagdiriwang ng Buwan ng Wika tuwing Agosto ay isinasabay sa buwan ng kanyang kapanganakan. Ipinanganak si Quezon noong Agosto 19, 1878.




ABANGAN I Pagpapaskil ng mga makabuluhang impormasyon tungkol sa ating Wika. Tunghayan at sundan lamang dito sa ating pa...
08/08/2026

ABANGAN I Pagpapaskil ng mga makabuluhang impormasyon tungkol sa ating Wika. Tunghayan at sundan lamang dito sa ating pahina ang ating SAYSAY Wika Serye.

Kasaysayan ating bigyang pagpapahalaga lalo na sa Kasalukuyan.

Mabuhay ang Wikang Filipino.



Tingnan I ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐‡๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ญ๐ž๐ฆ๐šKinikilala ng tema ng Buwan ng Wika 2026 ang magkaugnay na papel...
08/08/2026

Tingnan I ๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”:
๐‡๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ญ๐ž๐ฆ๐š
Kinikilala ng tema ng Buwan ng Wika 2026 ang magkaugnay na papel ng wikang Filipino at artificial intelligence (AI) para sa makabansang gawain ng pananaliksik. Panawagan ito para sa responsableng paggamit ng AI habang tinitiyak na may makabuluhang espasyo ang Wikang Pambansa sa mga usaping may kinalaman sa mga umuusbong na teknolohiya at kaugnay na usaping pang-etika rito.

Itinuturing ang AI bilang kasangkapan para maiangat pa lalo ang kalidad ng saliksik na inihahandog ng mga Pilipino, unang-una, para sa mga kapuwa Pilipino.

Habang kinakasangkapan ang AI, patuloy pa ring tinatahak ng wikang Filipino ang landas ng intelektuwalisasyon na magbubunga ng panloob at panlabas na pagbabago sa bansa.

Sa ganitong paraan, kapuwa ang AI at wikang Filipino ay nagiging tulay na gagamitin ng mga Pilipino para sa kanilang pinapangarap na magandang bรบkas.
Ating ipagdiwang ang ating Wikang Pambansa sa Agosto 2026!

PAGBUBUKAS NG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญMalugod na nakikiisa ang  Buklat Dalumat sa ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™—๐™ช๐™—๐™ช๐™ ๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™’๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ ...
31/07/2026

PAGBUBUKAS NG BUWAN NG WIKANG PAMBANSA 2026 ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

Malugod na nakikiisa ang Buklat Dalumat sa ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™—๐™ช๐™—๐™ช๐™ ๐™–๐™จ ๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™’๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™– 2026. Sa buwang ito, sama-sama nating ipagdiwang ang ๐™ ๐™–๐™จ๐™–๐™ฎ๐™จ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ, ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™–๐™๐™–๐™ก๐™–๐™œ๐™–๐™๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™ฌ๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฅ๐™ž๐™ฃ๐™ค ๐™—๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™ž๐™ข๐™—๐™ค๐™ก๐™ค ๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ ๐™–๐™ ๐™–๐™ ๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ๐™ก๐™–๐™ฃ, ๐™–๐™ฉ ๐™ ๐™ช๐™ก๐™ฉ๐™ช๐™ง๐™–.

Inaanyayahan namin ang lahat ng miyembro na makiisa sa mga nakatakdang gawain at programa ng ating Buklat Dalumat. ๐™‰๐™–๐™ฌ๐™–'๐™ฎ ๐™ข๐™–๐™œ๐™จ๐™ž๐™ก๐™—๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ž๐™ฃ๐™จ๐™ฅ๐™ž๐™ง๐™–๐™จ๐™ฎ๐™ค๐™ฃ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฅ๐™–๐™œ๐™™๐™ž๐™ง๐™ž๐™ฌ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ฃ๐™– ๐™ž๐™ฉ๐™ค ๐™ช๐™ฅ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™ก๐™–๐™ก๐™ค ๐™ฃ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ข๐™–๐™๐™–๐™ก๐™ž๐™ฃ, ๐™œ๐™–๐™ข๐™ž๐™ฉ๐™ž๐™ฃ, ๐™–๐™ฉ ๐™ž๐™ฅ๐™–๐™œ๐™ข๐™–๐™ก๐™–๐™ ๐™ž ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™–๐™ฉ๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™จ๐™–๐™ง๐™ž๐™ก๐™ž๐™ฃ๐™œ ๐™ฌ๐™ž๐™ ๐™–.

๐™ˆ๐™–๐™ก๐™ž๐™œ๐™–๐™ฎ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐˜ฝ๐™ช๐™ฌ๐™–๐™ฃ ๐™ฃ๐™œ ๐™’๐™ž๐™ ๐™–๐™ฃ๐™œ ๐™‹๐™–๐™ข๐™—๐™–๐™ฃ๐™จ๐™–! ๐Ÿ‡ต๐Ÿ‡ญ

๐Ÿ–ผ๏ธ: Princess Mines | Tagapangasiwa ng hatirang pangmadla 3

โœ๐Ÿป : Shyrish Sebastian | Tagapangasiwa ng hatirang pangmadla 4




๐Ÿ“ข๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ๐‘ต๐‘ฎ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐‘ท ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ด๐‘ฐ๐’€๐‘ฌ๐‘ด๐‘ฉ๐‘น๐‘ถ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฉ๐‘ผ๐‘ฒ๐‘ณ๐‘จ๐‘ป ๐‘ซ๐‘จ๐‘ณ๐‘ผ๐‘ด๐‘จ๐‘ป๐Ÿ“ข  Naghahanap ka ba ng samahan na masasalihan? ๐๐–๐„๐’, ๐๐€๐‘๐ˆ๐“๐Ž ๐๐€ ๐€๐๐† ๐๐”๐Š๐‹๐€๐“ ๐ƒ๐€๐‹...
19/07/2026

๐Ÿ“ข๐‘ท๐‘จ๐‘ฎ๐‘ต๐‘ฎ๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ๐‘จ๐‘ณ๐‘จ๐‘ท ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ด๐‘ฐ๐’€๐‘ฌ๐‘ด๐‘ฉ๐‘น๐‘ถ ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฉ๐‘ผ๐‘ฒ๐‘ณ๐‘จ๐‘ป ๐‘ซ๐‘จ๐‘ณ๐‘ผ๐‘ด๐‘จ๐‘ป๐Ÿ“ข

Naghahanap ka ba ng samahan na masasalihan? ๐๐–๐„๐’, ๐๐€๐‘๐ˆ๐“๐Ž ๐๐€ ๐€๐๐† ๐๐”๐Š๐‹๐€๐“ ๐ƒ๐€๐‹๐”๐Œ๐€๐“!

Pormal ng binubuksan ng ๐“‘๐“ค๐“š๐“›๐“๐“ฃ ๐““๐“๐“›๐“ค๐“œ๐“๐“ฃ ang mga pinto para sa mga mag-aaral na nagnanais maging miyembro ng ating organisasyon.

๐๐€๐‘๐€ ๐’๐€ ๐Œ๐†๐€ ๐๐€๐ˆ๐’ ๐Œ๐€๐†๐ˆ๐๐† ๐Œ๐ˆ๐˜๐„๐Œ๐๐‘๐Ž: Kung nais mong sumali, i-chat lamang si
๐™†๐™ง๐™ž๐™จ๐™ฉ๐™ค๐™›๐™›๐™š๐™ง ๐™„๐™–๐™ฃ ๐˜ฝ๐™ช๐™ก๐™ž๐™ก๐™–๐™ฃ upang mai-add ka sa opsiyal na group chat ng organisasyon.

๐˜ฝ๐˜ผ๐™†๐™„๐™ ๐™‰๐™‚๐˜ผ ๐˜ฝ๐˜ผ ๐˜ฟ๐˜ผ๐™‹๐˜ผ๐™ ๐™†๐˜ผ๐™‰๐™‚ ๐™Ž๐™๐™ˆ๐˜ผ๐™‡๐™„ ๐™Ž๐˜ผ ๐˜ฝ๐™๐™†๐™‡๐˜ผ๐™ ๐˜ฟ๐˜ผ๐™‡๐™๐™ˆ๐˜ผ๐™?
Ang BUKLAT DALUMAT ay hindi lamang isang simpleng organisasyon, ito ay isang pamilya at isang ligtas na samahan kung saan ang iyong boses, talento at pagkakakilanlan ay pinapahalagahan at iginagalang.

๐‘ฒ๐‘จ๐’€๐‘จ ๐‘จ๐‘ต๐‘ถ ๐‘ท๐‘จ๐‘ต๐‘ฎ ๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ฐ๐‘ฏ๐‘ฐ๐‘ต๐‘ป๐‘จ๐’€ ๐‘ด๐‘ถ? ๐‘บ๐‘ผ๐‘ด๐‘จ๐‘ณ๐‘ฐ ๐‘ต๐‘จ ๐‘บ๐‘จ ๐‘ฉ๐‘ผ๐‘ฒ๐‘ณ๐‘จ๐‘ป ๐‘ซ๐‘จ๐‘ณ๐‘ผ๐‘ด๐‘จ๐‘ป!

๐Ÿ–ผ๏ธ: Shantal Nataleigh Totanes | Tagapangasiwa ng hatirang pangmadla 1

โœ๏ธ: Aricea Zaynah Gutierrez | Tagapangasiwa ng hatirang pangmadla 2




TINGNAN I Mula sa Komisyon sa Wikang Filipino tunghayan ang tema para sa Buwan ng Wikang Pambansa 2026. Tingnan din ang ...
14/07/2026

TINGNAN I Mula sa Komisyon sa Wikang Filipino tunghayan ang tema para sa Buwan ng Wikang Pambansa 2026. Tingnan din ang maikling paliwanag sa bagong poster nito.

๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐‘๐ž๐ฏ๐ž๐š๐ฅ!
Maaari mo nang ma-download o makakuha ng kopya ng poster ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€
Mada-download ang digital na poster at iba pang kolaterals sa: https://hostyurl.com/HB40c1
๐‡๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ญ๐ž๐ฆ๐š
Kinikilala ng tema ng Buwan ng Wika 2026 ang magkaugnay na papel ng wikang Filipino at artificial intelligence (AI) para sa makabansang gawain ng pananaliksik. Panawagan ito para sa responsableng paggamit ng AI habang tinitiyak na may makabuluhang espasyo ang Wikang Pambansa sa mga usaping may kinalaman sa mga umuusbong na teknolohiya at kaugnay na usaping pang-etika rito.
Itinuturing ang AI bilang kasangkapan para maiangat pa lalo ang kalidad ng saliksik na inihahandog ng mga Pilipino, unang-una, para sa mga kapuwa Pilipino. Habang kinakasangkapan ang AI, patuloy pa ring tinatahak ng wikang Filipino ang landas ng intelektuwalisasyon na magbubunga ng panloob at panlabas na pagbabago sa bansa. Sa ganitong paraan, kapuwa ang AI at wikang Filipino ay nagiging tulay na gagamitin ng mga Pilipino para sa kanilang pinapangarap na magandang bรบkas.
Ating ipagdiwang ang ating Wikang Pambansa sa Agosto 2026!

๐๐ฎ๐ฐ๐š๐ง ๐ง๐  ๐–๐ข๐ค๐š๐ง๐  ๐๐š๐ฆ๐›๐š๐ง๐ฌ๐š ๐Ÿ๐ŸŽ๐Ÿ๐Ÿ”: ๐๐จ๐ฌ๐ญ๐ž๐ซ ๐‘๐ž๐ฏ๐ž๐š๐ฅ!

Maaari mo nang ma-download o makakuha ng kopya ng poster ng Buwan ng Wikang Pambansa 2026 na may temang "Wikang Filipino at AI: Kasangkapan sa Pananaliksik at Tulay sa Yaman ng Impormasyon.โ€

Mada-download ang digital na poster at iba pang kolaterals sa: https://hostyurl.com/HB40c1

๐‡๐ข๐ง๐ ๐ ๐ข๐ฅ ๐ฌ๐š ๐ญ๐ž๐ฆ๐š

Kinikilala ng tema ng Buwan ng Wika 2026 ang magkaugnay na papel ng wikang Filipino at artificial intelligence (AI) para sa makabansang gawain ng pananaliksik. Panawagan ito para sa responsableng paggamit ng AI habang tinitiyak na may makabuluhang espasyo ang Wikang Pambansa sa mga usaping may kinalaman sa mga umuusbong na teknolohiya at kaugnay na usaping pang-etika rito.

Itinuturing ang AI bilang kasangkapan para maiangat pa lalo ang kalidad ng saliksik na inihahandog ng mga Pilipino, unang-una, para sa mga kapuwa Pilipino. Habang kinakasangkapan ang AI, patuloy pa ring tinatahak ng wikang Filipino ang landas ng intelektuwalisasyon na magbubunga ng panloob at panlabas na pagbabago sa bansa. Sa ganitong paraan, kapuwa ang AI at wikang Filipino ay nagiging tulay na gagamitin ng mga Pilipino para sa kanilang pinapangarap na magandang bรบkas.

Ating ipagdiwang ang ating Wikang Pambansa sa Agosto 2026!

๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ค๐ฅ๐š๐ญ ๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐š๐ญ, ๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง ! ๐ŸŽ‚Isang taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa aming minamahal na ๐™‹๐™ช...
12/07/2026

๐Œ๐ฎ๐ฅ๐š ๐ฌ๐š ๐๐ฎ๐ค๐ฅ๐š๐ญ ๐ƒ๐š๐ฅ๐ฎ๐ฆ๐š๐ญ, ๐Œ๐š๐ฅ๐ข๐ ๐š๐ฒ๐š๐ง๐  ๐Š๐š๐š๐ซ๐š๐ฐ๐š๐ง ! ๐ŸŽ‚

Isang taos-pusong pagbati ng Maligayang Kaarawan sa aming minamahal na ๐™‹๐™ช๐™ฃ๐™ค๐™ฃ๐™œ-g๐™ช๐™ง๐™ค, ๐˜ฟ๐™ง. ๐™Š๐™ก๐™ž๐™ซ๐™–๐™ก ๐˜พ๐™ง๐™ช๐™ฏ ! ๐ŸŽ‰

Maraming salamat po sa inyong mahusay na pamumuno, walang sawang paggabay sa paaralan. Ang inyong dedikasyon at inspirasyon ay patuloy na nagbibigay-lakas sa bawat g**o at mag-aaral na magsikap at magtagumpay.

Nawa'y patuloy kayong pagpalain ng mabuting kalusugan, kaligayahan, at mas marami pang tagumpay sa inyong paglilingkod.

Muli mula sa aming lahat

Maligayang kaarawan po! Nawa'y maging masaya ang pagdiriwang ng inyong espesyal na araw !

๐Ÿ–ผ๏ธ : Shantal Totanes | Tagapangasiwa ng hatirang pangmadla 1

โœ๐Ÿป : Shyrish Sebastian | Tagapangasiwa ng hatirang pangmadla 4




Address

M. NAVAL Street , SIPAC-ALMACEN
Navotas
1485

Website

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when DepEd Navotas National High School Buklat Dalumat posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Shortcuts

Share