26/05/2026
📚🩺 Kaalaman para sa kaligtasan, karagdagang impormasyon patungkol sa HIV at AIDS📚🩺
Petsa: Mayo 21, 2026
Nagkaroon ng makabuluhang Educational Discussion tungkol sa HIV at AIDS dito sa ating barangay bilang bahagi ng pagpapalawak ng kaalaman at kamalayan ng bawat isa.
Mahalagang maunawaan ang tamang impormasyon tungkol sa HIV at AIDS upang maiwasan ang maling paniniwala at mapalakas ang kamalayan sa pangangalaga ng kalusugan. Dahil sa tamang kaalaman nagsisimula ang pag-iingat, pag-unawa, at responsableng pagkilos.
Maraming salamat sa mga naging bahagi ng gawaing ito at sa patuloy na pagsuporta sa mga programang nagbibigay-edukasyon para sa kapakanan ng komunidad. 💙