Batang Naujan

Batang Naujan Samahan ng mga anak ng Naujan. Taong 2015 ng manalasa ang bagyong Nona sa bayan ng Naujan.

Bunga ng paghihirap na dinanas ng bayan, namulat ang mga anak ng Naujan sa mga isyung kinapapalooban ng bayan at ng mga mamamayan nito partikular sa usapin ng kalikasan at pamamahala. Bunga ng pagkamulat na ito, at sa pamamagitan ng pinagsama-samang lakas ng mga anak ng Naujan, ipinanganak ang bagong samahan, ang BATANG NAUJAN.

Patuloy ang panawagan sa bayan ng Naujan. Sa mga nais ng tarpaulin, message lang po.
25/07/2026

Patuloy ang panawagan sa bayan ng Naujan. Sa mga nais ng tarpaulin, message lang po.

TATLONG PANAWAGAN HINGGIL SA KRISIS NG KURYENTE  SA ORIENTAL MINDOROHulyo 19, 2026Ilang dekada na ang lumipas, ilang adm...
20/07/2026

TATLONG PANAWAGAN HINGGIL SA KRISIS NG KURYENTE SA ORIENTAL MINDORO
Hulyo 19, 2026

Ilang dekada na ang lumipas, ilang administrasyon at pulitiko na ang nagdaan at nagpalipat lipat ng pwesto, subalit magpasa hanggang ngayon, ang ating stable na kuryente sa lalawigan ay nananatiling mailap sa kabila ng pagbaha ng mga unli pangako ng mga kinauukulan.

Sa mga nagdaang panahon, iisa ang malinaw: bukod sa patay sinding kuryente, patuloy ang pagsirit ng presyo nito. Bagay na nagdudulot ng dagdag pahirap sa sambayanang Mindorenyong sadlak na sa hirap sa liit ng sweldo at taas ng presyo ng mga pangunahing bilihin.

Di na mabilang ang forum, pagpapaliwanag, at diskusyunan hinggil sa isyu. Napakaraming mga eksperto na ang nanimbang at nagbigay ng kuro kuro. Subalit magpasa hanggang ngayon, ang inaasahan at hinihintay na solusyon ng masang Mindorenyo ay tila malabo pa sa mata ni Kulapo.

Ito ay sa dahilang ang ating sistema ng kuryente ay nakatuon sa kita at hindi sa serbisyo publiko.

Ilang mga planta ng kuryente ang palpak ang serbisyo ngunit patuloy na kumikita. Habang ang taumbayan ay hirap na hirap na sa mga kung anu-anong nakatambak at patong patong na buwis sa kanilang electric bill. Mga buwis na hindi mangyayari kung ganap nang kooperatiba ang Ormeco.

Mga planta na pinapatakbo ng maruming krudo kung saan ang presyo ay nakatali sa walang kaseguruhang merkado.

At habang kinukulang sa kuryente dahil sa palpak na kontrata sa mga power producers, halos mayat maya ang ating energy crisis na sya namang nagbubunsod kumuha ng Emergency Power sa mga ponsio pilato na hindi dumadaan sa public bidding.

Para tayong ginigisa sa sarili nating mantika. Pinagkikitaan na ay pagkakakitaan pang muli. At muli. At muli.

Panahon ng gumising ng masang Mindorenyo. Labanan ang walang andap na pagtaas ng presyo ng kuryente sa pamamagitan ng pagkitil sa pinagmumulang ng problemang ito.

KANSELAHIN ANG KONTRATA NG MGA PALPAK NA POWER PRODUCERS!
GAWING TUNAY NA KOOPERATIBA ANG ORMECO!
ISULONG ANG RENEWABLE ENERGY SA ISLA NG MINDORO!

Mga kaganapan kahapon sa ating ginanap na Forum sa bayan ng Victoria. Nagkaisa ang mga dumalo sa mga panawagan sa mga ki...
20/07/2026

Mga kaganapan kahapon sa ating ginanap na Forum sa bayan ng Victoria. Nagkaisa ang mga dumalo sa mga panawagan sa mga kinauukulan.

Gawing tunay na Kooperatiba, upang maisulong ang tunay na reporma at solusyon sa problema ng kuryente sa Mindoro. Isulon...
19/07/2026

Gawing tunay na Kooperatiba, upang maisulong ang tunay na reporma at solusyon sa problema ng kuryente sa Mindoro. Isulong ang Renewable Energy!

18/07/2026

Puro ka ba reklamo sa electric bill mo? Parne na! Ang lahat po ay aming iniimbitahan sa gaganaping Public Forum Hinggil sa Lumalalang Isyu ng Kuryente sa Oriental Mindoro. Bukas araw ng Linggo, July 19, 9am sa Good Shepherd Parish Conference Room sa bayan ng Victoria. Halina at kilos na tayo.

WALANG MAIIWAN. Halos 100 mga mag-aaral sa Brgy. Poblacion Uno ang ating binahay bahay at binigyan ng bagong mga school ...
04/06/2026

WALANG MAIIWAN. Halos 100 mga mag-aaral sa Brgy. Poblacion Uno ang ating binahay bahay at binigyan ng bagong mga school bags na puno ng school supplies na kanilang gagamitin ngayong pasukan. Sa pamamagitan ng ating Promotor na si Ross Romano Delgado, nabiyayaan ang ating mga mag-aaral sa buong barangay mula Day Care hanggang Grade 6. Malaking tulong ito sa mga magulang at mga bata. Salamat din po sa ating mga konsehal Edsel Gutierrez Genteroy, Rexcel Ylagan na syang naging tulay para maisakatuparan ito, kasama pa.sina Jessette Jayag Bautista at Arturo Rodolfo Bautista Magadia V. Salamat.din kay Bb. Macy Melgar Enriquez. Maraming salamat po!

Pormal ng inilunsad ang Partido Lakas ng Masa (PLM) sa bayan ng Naujan. Salamat sa mga kasama na dumalo at nakiisa. Pada...
19/04/2026

Pormal ng inilunsad ang Partido Lakas ng Masa (PLM) sa bayan ng Naujan. Salamat sa mga kasama na dumalo at nakiisa. Padayon sa mga bagong halal na opisyal na sina Jerome Canarias (President), Marilou Mantaring (Vice President), Mona Abistado (Secretary) at Lourdes Fonte (Treasurer). Mabuhay ang PLM!

Kasama ang ating Promotor na si Ross Romano Delgado at si Ka Leody De Guzman at iba pang mga lider ng ibang bayan, atin ...
25/03/2026

Kasama ang ating Promotor na si Ross Romano Delgado at si Ka Leody De Guzman at iba pang mga lider ng ibang bayan, atin na pong inilulunsad ang Partido Lakas ng Masa sa lalawigan ng Oriental Mindoro sa ginanap na pagpupulong kanina sa bayan ng Pola.

Address

Naujan

Alerts

Be the first to know and let us send you an email when Batang Naujan posts news and promotions. Your email address will not be used for any other purpose, and you can unsubscribe at any time.

Contact The Organization

Send a message to Batang Naujan:

Shortcuts

Share